Alon POVTulad ng mga buhangin sa dalampasigan, na pinaulit-ulit na hinampas ng alon ng pagkakataon.
Ako si Alon, 21 taong gulang, maputi, singkit, may katangosan ang ilong, 5'8" ang taas, at may maliit na hiwa sa ilalim ng aking labi. Sa kasalukuyan nagtatrabaho ako bilang isang barista dito sa sikat na Isla ng Siargao. Sa edad na siyam na taong gulang ay lumaki na akong mag-isa sa buhay pagkatapos kung maglayas sa mapanakit kung tiyohin. Tanging pamumulot ng mga plastik na lumulutang sa dagat at pagtitinda ng daing ang bumuhay sa akin. Saksi ang bawat sulok ng simbahan ng Aglipay sa Socorro kung paano ko tiniis ang init ng araw at lamig ng gabi upang ako'y mabuhay.
Buhay na buhay pa din sa aking mga alaala, labing apat na taong nakalipas kung paano nilamon ng napakalaking alon ang bangkang sinasakyan namin ni Inay. Sa pangyayari yaon dalawang pasahero lamang ang tanging nakaligtas, kasama na ako doon.
May pagkakataong nais kong magpalamon sa dagat. Iwanan ang buhay na puno ng pag-iisa. Nais kong malunod, nais kong
mabuhay muli...
"Alon, pinapatawag ka ni Sir Andy. Magmadali ka raw at may pupuntahan kayo." nakangiting wika ni Shaine.
Agad akong tumayo at pinuntahan si Andy, kaklase ko noong kolehiyo, anak at tanging tagapagmana ng resort na pinagtatrabahuhan ko. Magkasing edad lamang kami, maputi, gwapo, 6'1" ang taas, may kakisigan ang pangangatawan, campus crush, MVP, top student, madaming girlfriend, topakin, siraulo, mayabang!
"Tagal mo naman baby boy!", pang-aasar ni Andy, sabay kurot sa pisngi ko.
"Tumigil ka nga! Saan ba ang punta mo? Marami pa akong dapat tapusin.", naiiritang tanong ko sa kanya.
"Baby boy, nakasimangot ka na naman. Hahaha. Hayaan mo na muna yung ginagawa mo. Samahan mo muna akong pumili ng regalong ibibigay ko kay Therese bukas. Its my girlfriend birthday, you know?" wika ni Andy.
"Therese? Girlfriend? Birthday? Naku Andy! Magbago ka na nga! iritang sambit ko sa kanya.
"Baby boy, galit ka na na naman. Ikaw nalang kaya jowain ko. Hahaha.", pabirong sabi ni Andy.
"Fu*k you! Jowain mo sarili mo. Ouch! Daddy Andy! Baby boy! Tang'na ka talaga, magdrive ka na!", iritang utos ko sa kanya.
Iwan ko ba, bakit naging kaibigan ko ang ungas na to. Nabuhay ata ito para kulitin at asarin ako.
Dumating na nga kami sa isang pastry shop dito sa Isla ng Siargao para bilhin ang regalo sa kanyang girlfriend daw na si Therese.
"Bat tayo nandito? Kala ko ba bibili tayo ng regalo para sa
"GIRLFRIEND" mo?", tanong ko kay Andy" Kaya nga! Magpapagawa ako ng Money cake!" pagmamayabang ni Andy.
"Hahaha. Money cake? Ano mo siya baby? Anak? Mommy? Hahaha.", tawang tawa kong tanong sa kanya.
"No! Ikaw lang ang baby boy ko." wika ni Andy habang nakatitig siya sa mga mata ko.
"Ayiee, ikaw lang pala ang baby boy niya sir eh. Wag ng magselos." sambit ni ateng tindera na kinikilig.
"Diyan ka na nga! Bilisan mo na ang pagpili at marami pa akong dapat ayusin sa resort." pangbabara ko kay Andy.
Lumabas na nga ako sa shop para hintayin na lamang si Andy sa sasakyan ng may biglang humawak sa aking mga balikat.
"Sir yung I..." wika ng lalaking humawak sa aking balikat.
Di ko na nadinig ang mga salitang sambit, agad akong pumasok sa sasakyan. Kinakabahan, di ko maipaliwanag, may kung anong takot ang namuo sa aking sarili ng magkatagpo ang aming mga mata.
"You okay my baby boy? Whats wrong tell me.", pabirong wika ni Andy
Ako ay natulala. Umagos ang luha sa aking mga mata at bumalik ang sakit na aking naramdaman labing apat na taon ng nakalipas. Hinawakan at pinahiran ni Andy ang mga luha sa mga pisngi ko at agad akong niyakap ng mahigpit.
***
YOU ARE READING
ALON
RomanceIsa sa mga pinakamasayang pangyayari sa buhay ng tao ang maranasang umibig at ibigin. Pero ang pag-ibig na inaasam ng lahat, ang siyang bagay na kinanatakutan ko. - ALON