Tree of LOVE

186 5 1
                                    

Prologue:

Bata pa lang sina Tyrrance at Xavreina ng gawin nilang tambayan ang ilalim ng puno na hugis puso don sa bundok ng kanilang mga lupa. Magkadugtong ang kanilang mga lupa kasi magkaibigan ang kanilang mga magulang.

Pag masama ang loob ng isa sa kanila pinupuntahan nila yung puno.

[[...Xav's POV...]]

Isang araw ng naglalaro si Rance ng basketball kasama ang kanyang mga kaliga sa basketball.

"Oi, Rance Sama ako...Gusto kong manood ng laro nyo..."

"Wag na...Dito ka na lang. Samahan mo pamilya mo...para maiba naman ang ihip ng hangin"

"Sige na nga lang..hmp!"

Naiwan na si Xav sa bahay. Nagtampo siya kay Rance kasi iniwan siya nito ng nag-iisa eh takot panaman siyang mag-isa. Kaya ayun pumunta nalang siya don sa paborito nilang tambayan ng bestfriend nya. Hanggang sa nakatulog siya at pagkagising niya eh gabi na pala don. eh... pag gabi pa naman don eh sobrang dilim. Kaya ayon nagsimula na siyang matakot kasi sabi-sabi kasi na may momo daw don.

"Naku! patay ako nito..Madilim na pala...Baka may momo sa paligid...natatakot na ako..."

[[...Rance's POV...]]

Samantala matapos maglaro ni Rance ng basketball eh umuwi na kaagad sa kanilang bahay. Matapos magbihis eh pinuntahan niya ang bahay nila Xav.

(tok...tok...tok...)

"tao po? nandyan po ba si Xav?" Lumabas ang nanay ni Xav

"Eh ijo...umalis siya eh hindi ko alam kung san nagpunta"

"Ah ganun po ba...ah sige po hahanapin ko nalang po siya." at pagkatapos nun yun nga hinanap nya na si Xav.Unang pumasok sa isip niya ay yung tambayan nila. Pumunta kaagad siya dun. At tama nga siya nandon nga si Xav. Natutulog... Pumunta siya sa tabi ni Xav at umupo na rin. Hindi niya na namalayan nakatulog na rin pala siya.

[[...Xav's POV...]]

Nagising si Xav sa huni ng mga ibon gabi na non. Paggising niya naramdaman niyang may kung anong nakasandal sa kanyang balikat... Pagtingin niya si Rance lang pala. Pero pano? eh siya lang mag-isa dito kanina ahh... Kaya ayun nakaramdam siya ng takot. Baka naman momo 'to at hindi si Rance. Tinulak nya si Rance sabay sigaw ng

"waaaahhh...Momoo!!!"

Naalimpungatan yata si Rance at Nagulat ng may sumigaw... Pagkakita nya si Xav kaya ayun dinaluhan nya kaagad ito at sabay sabing

"Hoy! anyare sayo ? ba't ka sumisigaw jan?"

"Waah! layuan mo ko... momo ka!"

"Anong momo? eh ako to eh! si Rance! Heller! Bestfriend mo!"

ilang sandali pa ng napagtanto ni Xav na si Rance talaga yun... Huminto na siya sa pagsigaw.

"Rance? ikaw ba talaga yan?"

"Oo, nga sabi..Kulet naman!"

"Anong ginagawa mo dito eh ako lang dito kanina ahh..."

"eh ano pa nga ba? eh hinahanap ka...eh nandito ka lang pala kaya ayun pagkakita ko sayo eh natutulog ka kaya hindi nalang kita ginising at tumabi nalang ako sayo.. ta's yun nakatulog na rin ako ng di ko namamalayan..."

"aahh ganun pala"

"pambihira! ano ba kasing ginagawa mo dito?" at napag-isip-isip ni Xav na nagtatampo nga pala siya kay Rance kaya ayun tinarayan nya ito ng bongga

"hmp! ewan ko sayo! bahala ka na nga jan..."

[[...Rance's POV...]]

naiwan si Rance ng nakatulala

"anyare dun?"

sabi nya sa hangin. Sinundan nya 'to. Hinawakan nya ang kamay ni Xav.

"ano bang problema mo?"

"hmp!...eh kasi nang-iiwan ka. Sabi ko gustong kung sumama para manood ng laro pero ayaw mo. Others ka!"

"Eto naman oh! ayaw kitang isama kasi baka mainlove ka sa galing kong maglaro ng basket..."

sabay kindat sa kay Xav.

"ahh ganun pala ha..."

sabi ni Xav...tas nagwalk-out siya ng ~slow-mo~ inaantay kasi nyang pigilan siya ni Rance... ta's yun nga pinigilan siya nito. Hinawakan ni Rance ang kamay niya "Xayveee...sorry na please...bati na tayo..."

sabay ngisi ta's hinatak siya nito dahilan para mapasandal siya sa braso nito. Inakap siya ni Rance.

"Xayvee...sige na please...bati na tayo.."

"ayoko nga.."

"ahh ... ayaw pala ha...Oh sha sige at maghahanap pa ako ng magiging syota ko" sabay ngisi na parang aso [[ngising parang gan'to lang " ;-D :))

"Ah...ganun! so ganyanan nalang..hihinto ka na lang sa panunuyo sa'kin kasi maghahanap ka ng syota mo"

"Oo, kasi ano nga ba naman kasing mapapala ko sayo eh ayaw mo naman sa 'kin... Heller! Bata pa lang tayo alam mo na ang feelings ko para sayo. Pero ano...You just take it as a joke... Alam mo ba kung gaano yun kasakit na ang taong minahal mo simula pa nung bata pa kayo eh di naniniwala na mahal mo siya.. kasi nga bestfriends kayo...?"

at tumalikod na si Rance at naglakad...Hinabol siya ni Xav..at inakap mula sa likod

"Rayncee...Oo na cge na. Bati na tayo. Wag ka ng galit-galitan jan. Balikan talaga ang pagkakamali ko nun? =) "

~pagkakamali?~

"pagkakamali? anong ibig mong sabihin Xayvee?"

"pagkakamali ko na sinaktan kita. hindi ko naman yun sinasadya eh. Sorry na. hindi lang ksi ako makapaniwala na mahal mo rin ako... akala ko lang kasi na niloloko mo lang ako. Kasi nga alam nating dalawa na mapagbiro ka talaga. Akala ko ginogood-time mo lang ako nun"

~mahal mo rin ako? 0_0~

"rin? so that means na mahal mo rin ako"

"Oo, nga hindi pa ba obvious? eh todamax na nga akong nagpapaliwanag at nagsosorry na dito

"So ano na nga..mahal mo ko...mahal din kita...So ano... tayo na?"

"Oo na...."

"I love you Xayvee...tnx for coming into my life.. hope we'll stay as bestfriends kahit tayo na as lovers.. =D"

"I love you too Rayncee...I loved you ever since we were both a child and also the day we found this tree with heart shape... at Oo naman noh well stay as bestfriends, lovers and in the future baka nga maging Mommy't Daddy na tayo eh after we become Wifey and Hubby.."

at pagkatapos ng sweet confessions ng dalawa...eh nagkayayaan na silang umuwi na sa kani-kanilang bahay. Nakapaskil ang ngiti sa kanilang mga labi habang naghoholding hands pauwi...

Epilogue:

And as time passed by... sila nga ang nagkatuluyan.

Kinasal sila nung July 09, 2006.

7 yrs. na silang kasal ngayon. Still sweet and happy.. walang kupas.

Nagkaanak sila ng tatlo...

2 lalaki at 1 babae..

Sila ay sina Amrie Tyrrance, Jazzynne Ken Marvainne, Jeuliette Xavreina...

Ang kanilang buhay pag-ibig ay nagsimula sa pagkakita nila ng punong may hugis puso...

Marami ng iba't-ibang pag-iibigan ang nagsimula sa paligid ng punong yun.

Sinimulan ng kanilang mga ninuno. Hanggang sa umabot kina Tyrrance at Xavreina [Xayvee at Rayncee]

At yun na ang tapos ng storya... maraming salamat sa pagbabasa...

-----------------------------

A/N:

=) hope ya like it (= Vote if you love it ...thanks a lot!

__ChristineLicz___

Tree of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon