Chapter 6

19 3 1
                                    

{Fran's Pov}

Ang bilis ng panahon at Foundation week na namin. Andaming events bawat araw at every course ay may kanya-kanyang booth na piniprepare.

"Bes tara na sa Auditorium" sabi ni Cassie habang hila-hila  nito ang braso ko.

"Sandali lang Cass" tugon ko rito habang pinapasok ko ang notes sa bag ko at nagpatianod sa pang hihila ng bruha kong best friend. Atat masyado ang init pa naman sa loob ng auditorium.

"I hope hindi boring yung Foundation week natin ngayon" saad nito at umirap na ikinailing ko nalang bago kami pumasok sa loob.

Sa first day ng Foundation week kasi pinapatipon ang mga estudyante sa auditorium para iannounce ang lahat ng mga mangyayari bawat araw. Sa tingin ko naman exiciting lahat ng events. Merong booth tulad Marriage Booth,Jail Booth, Photo Booth, Kissing Booth,Haunted house booth at iba pang booth.. Yeah, just like in high school thingy tuwing foundation day. Kapagod pag inisa isa ko lahat ng booth.

Pero sabi ng mga kaklase ko naiiba daw ang Foundation Week namin ngayon. This is the very first time na magheheld ng iba't ibang booth inside the Campus. Usually daw kasi puro ano-anong boring events lang ino-organize ng School Organizers namin.

Aba anong malay ko, ngayon lang ako a-attend ng Foundation Week na walang bodyguards. For me kasi it's such a waste of time hindi ko naman ma eenjoy yung foundation week dahil sa dami ng bodyguards na nakapalibot sa akin at agaw atensyon ang eksena ko lagi sa school. Mas masaya kaya mag shopping kasama si ate Celestine at mag gala sa mall. Yun ngalang with bodyguards pa rin ngunit hindi kasing dami dahil kasama ko naman si ate Les.

So, bakit ko sasayangin ang panahon ko sa walang kwentang foundation week at hindi rin naman ako mag eenjoy. Kaya kung a-attend man kami ngayon ni Cassie sa Foundation week, it's my first time!!

Nandito kami ni Cassie ngayon sa favorite naming fast food chain, sa Jollibee. After kasi ng meeting sa auditorium ay nagpagdesisyunan naming dumiretso nalang dito para mag lunch.

"Mabuti naman naisipan nilang mag held ng mga booths! Para naman hindi boring tuwing foundation day" sabi ni Cassie habang kumakain ng Burger steak.

"Ewan ko! Wala naman akong alam dyan. First time kong a-attend ng Foundation week" sagot ko rito at sinimulan ng kainin ang favorite kong fries.

"Hi! Pwede pa bang maki upo?"

Napatingin naman kami ni bessy sa babaeng nag salita,  yeah babae kasi pambabae ang boses ang hinhin.

" Wala na kasing space eh, occupied na lahat" dagdag pa nito. Nilibot ko naman ang tingin ko sa loob ng fast food chain. True to her words, halos wala na ngang  bakanteng upuan.

"Of course! You can sit here with us" nakangiting tugon ko rito sabay urong para makaupo siya. Wala na kasing space sa tabi ni Cassie dahil nandoon yung bag namin pareho.

"Thank you! Btw I'm Sabrina Ledesma, nice to meet you girls" nakangiting sabi nito saka umupo sa tabi ko.

"Hi! I'm Francheska Lockhart, you can call me Fran or cheska for short" nakangiting tugon ko rito bago itinuro si bessy. " and that's Cassandra Sy, she's my best friend" pagpakikila ko kay bessy na busy sa pagnguya ng burger steak na kinakain nito.

"Hi!" bati ni Cassie kay Sabrina"Btw you look familiar?"

"Yup! Actually magkaklase tayo" nahihiyang sabi nito bago ngumiti.

"Oh! Sorry hindi ka kaagad namin nakilala" pagpapaumanhin ko

"Hey! It's okay guys." Natatawang sagot nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deeply In love with my BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon