When I Knew I Am Into You
Starring;
Ashana Sheryl Hernandez
Zaidian Blake Zenzuenzo
• •
Naandito ako ngayon sa pangalawang palapag ng bahay namin ng asawa kong si Blake, tinitingnan ko siya ngayon na sumakay sa sasakyan namin na kabibili lang namin matapos ang ilang taon na pag iipon.
Napahinga nalang ako ng malalim bago ipag patuloy ang pag lalagay ng tupperware sa bawat parte ng bahay na may mga butas na ang bubong nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan at napangiti nalamang ako nang makita kung sino ang caller
Hindi man niya ako makikita dahil tawag lang ito ay agad akong nag ayos ng mukha dahil pawis na pawis na ako bago sagutin ang tawag habang hindi parin nawawala ang ngiting abot hanggang tenga ko
"Hello, Babe" lalo nalamang akong napangiti nang marinig na ang boses niya
"Hello babe, when will you fetch me?" narinig ko ang pag hinga niya ng malalim sa kabilang linya na nakapag pawala ng ngiting abot hanggang tenga ko, iyon palang ang ginagawa niya ay alam kona ang magiging sagot niya.
"Sorry babe may biglaang meeting kami, tomorrow nalang, pwede?" nag susumamo at halatang namomoblema ang boses niya kaya sino ako para hindi pumayag gayong wala rin naman akong pag pipilian.
"It's okay, magpahinga kanalang after ng meeting niyo. I'll end the call na, bye."
kasabay ng pag kapatay ng tawag ay ang pag busina ng sasakyan sa labas ng bahay kaya agad akong napa silip sa bintana at doon nakita ang sasakyan namin kaya mabilis na akong bumaba para buksan ang gate
Hindi na ako nag sumblero pa dahil malakas ang ulan at mawawalan lamang din ito ng silbe, kung mag papayong naman ako ay mahihirapan lamang ako kaya hinayaan ko nang mabasa ako ng ulan.
_____
"Anong ulam, Mahal?" hindi ko maintindihan ang sarili ko pero wala na ang dating kilig na nararamdaman ko sa tuwing tatawagin niya ako sa endearment namin
"Mag luluto palang ako ng chicken" walang gana kong sagot bago buksan ang isang timba na nag lalaman ng mga pinamili ko kahapon
"hm, chicken na ano yan ha Mahal?" excited niyang tanong at nagawa pang pag kiskisin ang dalawang palad
"Chicken Noodles." medyo iritada kong sagot bago buksan na ang kalan pero nainis nalang ako lalo ng makailang ulit kona itong paikutin ay wala parin
Pumunta nalang ako sa isa pa naming lutuan para roon nalang mag luto dahil wala naman na akong choice dahil naubusan na kami ng gas.
Naramdaman ko ang pag yakap niya sa likod ko pero hindi konalang siya pinansin at kumuha nalang ng mga kahoy pero bawat madampot ko ay basa kaya ayaw dumaig
Napatingin ako sa taas at doon napagtanto na may tulo pala sa tapat ng lalagyanan ng mga kahoy
kang sisilong nako kanina, nakakainis!
Sa inis ko ay padabog kong inihagis ang hawak kong ulam sana namin
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya saakin dahil siguro nagulat siya sa iniasta ko
"Anong problema?" aligagang tanong niya pero sinamaan kolang siya ng tingin
"Wag ng kumain, bwiset." inis kong singhal bago siya iwanan sa kusina.
YOU ARE READING
When I Knew I Am Into You
Short Story"Hindi ba ako sapat o hindi kalang talaga nakontento?"