“Grabe, umuulan pa rin?!”
Napalingon ako sa kaibigan ko na namomoblema kung paano makakauwi. Paano ay hindi na naman siya makakarating ng bahay nila na tuyong-tuyo. Marami pa naman siyang mga projects na unfinished at hindi pa niya matapos-tapos dahil araw-araw nalang nadadagdagan. Well, same naman kami.
Napaupo siya sa tabi ko at napabuntong hininga. Nakisilip siya sa pinapanood ko kung bakit parang wala akong pakielam at hindi ko sinasabayan ang mga rants niya.
“Ano 'yan?!” tanong niya na nag-uusisa.
“Scarlet Heart: Ryeo,” sabi ko at mas nilapit ang mukha ko sa cellphone ko dahil naiistorbo niya ako.
“Uy, 'yan ba 'yong bida si IU at Joon Gi, ang gwap—” I cutted her words.
“Lee Joon Gi a.k.a Wang So is mine,” pagbakod ko agad sa asawa ko. Napansin kong muntik ng mabitawan nung isang lalaking naka-all black at balot na balot ang mga pinagkukuha niya.
Pinause ko muna ang video kahit na alam kong baka mamaya, 'di magloading 'yon. “Marecakes, pwede kang manood pero manahimik ka, naiistorbo mo ang pagpapantasya ko e,” sabi ko at muling tinuloy ang panonood. Mabuti nalang at sumunod siya sa akin at nanood din ng tahimik. Kanina pa malakas ang ulan at tamang tambay lang kami dito sa 7/11.
“Yes! Sa wakas, dumating na ang sundo ko!” biglang sigaw nitong katabi ko kaya nakaagaw kami ng atensyon. Pwede naman sana na sabay na lang kaming umuwi kaso magkaiba kami ng daan kaya hindi talaga pwede. Ako, may payong ako at tanging school bag lang ang dala ko. Pwedeng-pwede na umuwi pero kawawa naman ang bestfriend ko kung wala siyang kasamang kaibigan na asawa ni Lee Joon Gi na mala-IU ang alindog, 'di ba?!
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Rewatch lang talaga ang ginawa ko dahil na-miss ko ang feels ng period k-drama kaso ang masama, kinikilig na ako at para akong tinutusok ng karayom 'pag naalala ko ang ending at more than five years na yata akong naghihintay ng season two. Ang problema ay, mas posible pa yata ang pagputi ng uwak kaysa magkaroon ng isang makatarungang season two ang Scarlet Heart.
“Sa bahay nalang ako manonood ulit,” tumingin ako sa aking bestie na super happy. “Babush marecakes, bukas nalang tayo kitakits!” sabi niya at kinawayan pa ako bago lumabas ng 7/11. Inayos ko na ang ilang gamit ko na nakalatag at inubos ang cup noodles na kinakain ko.
“Miss, can I leave this here for a while?” napatingin ako sa nagsalita at si kuyang balot na balot pala 'yon. Tinanguan ko siya sabay thumbs up. Punong-puno ang bunganga ko para magsalita.
Napansin kong speaking english si kuya na medyo may kakaibang accent. Hindi naman parang kengkoy na ewan na parang english carabao, basta. Weird, parang koreano yata siya. Omo, teka! What if.. ito na ang forever ko?!
Oh my gosh! Nasa 7/11 ang true love mga mare!
Nung bumalik siya dito sa may pwesto ko ay nagbow pa siya, kahit naka-mask ay kitang-kita ko ang mga chinito niyang mata na parang nakasmile. Hiyang ngiti ang naipakita ko sa kaniya.
“Thank you,”
“No probs, basta you!” sabi ko at kumindat. Isang matunog na halakhak ang sinagot niya sa akin. Wow, naging clown pa ata ako sa paningin niya.
Iling-iling pa siya na tumawa. Tawa-tawa ka diyan, asawahin kita e, charot. O pwede rin naman na hindi charot.
Paglabas namin ng 7/11 ay may shed sa may tabi, may dalawang estudyante na kaparehas ko ng uniform ang nandito at may sariling mundo.

BINABASA MO ANG
Scarlet Rain of June
FanfictionThe only day that I've loved the rain of June is the moment we shared under the scarlet umbrella. Scarlet Rain of June Genre: Fanfiction Date Started: June 13, 2021 (evening) Date Ended: June 14, 2021 (morning)