For Him

5 2 0
                                    

I clearly remember when and where we had our first encounter.

Recess time noon sa school, nakapila na kami para umorder ng pagkain nasa likod kita noon kasama mo ang crush kong varsity si Dylan Ramirez na kaibigan mo. Nang dahil sa asaran niyo ay napaatras ka at naitulak ako ng likod mo muntik na kong masubsob kung di mo lang agad ako nahila.

"Sorry Miss! Nasaktan ka ba?" Nag aalala mong tanong habang hawak pa rin ang braso ko.

"Hindi okay lang ako" nahihiya kong sagot dahil nakatingin sa atin ang mga kasama mo lalo na si Dylan ang crush ko.

"Sis! Lika na baka masingitan pa tayo." bulong ni Pat ng nakitang papalapit na kami sa pagkain.

Mukhang di ka pa rin kumbinsido sa sagot ko pero binawi ko na ang braso ko para makakain na kami at makapasok sa sususnod na klase.

Pareho lang tayo na Grade 9 pero magkaibang section dahil nga late na kami nag pa enroll noon ni Pat medyo nasa huling section kami napunta.

Grade 10. Naging magkaklase tayo pero hindi kita gaanong napapansin dahil kay Dylan lang nakatoon palagi ang atensyon ko. Kung gaano siya kagaling maglaro ng basketball pero kahit na ganoon, hindi niya napapabayaan ang pag aaral.

Nagkaroon ng Intramurals sa school tuwang tuwa kami ni Pat dahil nakikita ulit naming maglaro sila Dylan.

Malapit na ang half-time ng naka tres si Dylan tuwang tuwa kami ni Pat at sumigaw siya ng "RAMIREZ! NANDITO NUMBER 1 FAN MO!!!" nagtinginan tuloy yung mga supporters samin.

Paglingon ko sa harap ng upuan nakita kong nakatitig ka sakin na para bang may ginawa akong masama at sukbit mo pa sa balikat mo yung chess bag. Di na sana kita papansinin pero binulungan ako ni Pat na baka selos ka daw Kasi l bestfriend kayo ni Dylan.

Natapos ang Intrams, nanalo ang grade level natin mas nagulat ako ng nalaman kong Champion ka sa Chess. Lahat sila sa klase ni greet ka ako lang yata ang hindi pa natatandaan ko pa kasi yung tingin mo sakin nung Intrams lalo tuloy akong nahiya. Papalapit ka na sa aisle namin ng magsalita ako.

"Co-congratulations" mahina kong sabi habang nakayuko. Sure akong di mo naririnig yon dahil sa ingay ng klase.

"Salamat...Shell" sagot mo na nagpagulat sakin at umalis ka kaagad pagkasabi non.

Ang lakas ng tibok ng puso ko ng mga sandaling iyon. Hindi ako makapaniwalang narinig mo yun.

Senior High School. Same strand tayo kasama mo pa rin si Dylan at naging magkaklase. Konti lang sa junior classmates natin ang kumuha non dahil may kahirapan daw ang subjects. Dahil tayong apat lang ang magkakakilala naging close namin kayo ni Pat at habang tumatagal na kasama namin kayo doon ko narealize na iba ka para sakin ibang iba ka.

Senior High palagi tayong magkasama mula sa mga group projects, practice sa P.E at mga school activities dahil busy nga si Pat (She's a part of Student Council) at Dylan (School Varsity).

Nagsimula ang lahat sa asaran at tuksuhan.

"Shell! ganyan ba type mo?" Tanong mo sakin at inaayos natin ang reporting bukas.

"Saan?" Takang sagot ko naman at iniangat ang aking mukha mula sa binabasa.

"Ito oh..." sabay pakita mo sakin ng cellphone mo at nandoon ang boomerang na nag wi-wink ka.

"Heh! Akala ko pa naman totoo na." pero tama ka naman type kita.

Minsan, habang kumakain tayo sa may Boni biglang may lumapit at nagtanong satin na dati mong kaibigan.

"Kayo na? Congrats Pre!" Sabay tapik sa balikat mo at umalis na.

"Ano daw?" nalilito kong tanong.

"Wala praning lang yon." paliwanag mo pa.

For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon