Chapter 2
—
"Umuwi kana pala? Nag-aalala ako sayo bigla ka nalang nawala!" Bungad ni Zag pagpasok niya pa lang ng bahay, agad ko naman siyang sinalubong ng yakap at humagulgol, talagang natakot ako kanina.
"What happened!?" She asked.
"Kanina yung tumawag, may masamang balak sila saakin, papatayin nila ako." Umiiyak ko paring saad.
"Magbihis kana, magluluto lang ako, you are still safe if you are with me, pag talaga nakita ko kung sino yon sisipain ko siya sa mukha! Hiya!" Umakto pa siya na parang nagkakarate.
I laughed, "Okay i will."
Umakyat ako para magbihis.
Buti nalang talaga ay dumating iyong lalaki, hindi ko masyadong nakita mukha niya dahil puro itim suot neto, laking pasasalamat ko at dumating siya, ang kaso hindi na kami nakapasok, oh well I don't care i still owned that school to be punished.
I wonder who's that man that who saved me, he's tall, i hope mameet ko siya ulit, just to say thank you.
Pagkabihis ko ay bumaba na ako ng kwarto, nakahain na ang mga pagkain sa mesa na inihanda ni Zag, magaling talaga siya magluto.
"Tara let's eat na." Anyaya niya.
"By the way, my cousin will be here mga mamaya pa pero, uh can we ano pastay natin siya rito?" Nahihiya niyang sabi.
"Of course! It's okay para naman kahit papano ay may kasama tayo." Sagot ko.
"Nga pala about yung kanina okay kana ba? Baka mamaya ay natrauma ka ah? Hindi ko alam gagawin ko." Inosente niyang sabi.
"Oh gosh Zag, it's okay, and i'm okay so don't worry about it." I smiled.
Nagsimula na kaming kumain, ang daldal talaga ni Zagreb, hanggang natapos kaming kumain ay dada parin siya ng dada.
"Ay alam mo ba? Si Frejin ayon na naman nagpapakafamous na naman sa school kanina kase nung hindi na kita nakita pumunta na ako ng school kase akala ko ay naroon kana but you're not there! Tapos si Frejin ayon binully yung bagong transfer Samantha ata pangalan non, medyo nerd kase datingan niya e kaya ata napagtripan ni Frej." Pagke-kwento niya.
"Oh i still don't care for that girl, hayaan mo na may araw ring mawawala yan sa sarili kong school." I rolled my eyes.
May narinig naman akong nagdo-doorbell, "Oh, i think he's here na!" Tumakbo siya agad para pagbuksan iyon.
Pero wait—lalaki?
"Tara tara pasok ka!" Hila ni Zagreb roon sa bisita niya, it's her cousin?
"Uh hi." He greeted coldly, napangiwi naman ako.
"A-ah ano, hahatid ko lang siya sa guestroom Lira ah!" Paalam niya at tumango naman ako.
I thought her cousin is a girl so i agreed but it's a boy! Oh darn.
Kumuha ako ng snacks at idinala sa sala iyon, trip ko nalang manood ng movie.
"Lira kailangan ko munang umalis nar'yan naman si Ash para samahan ka." Hindi na niya hinintay sasabihin ko ng lumabas na siya.
This movie is pretty perfect for me it's about solving mystery, and i love mystery.
Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Ash ba yon? Napatingin ako sakaniya, he's holding a phone at nakatutok sa tenga niya yon, mayka-call siya maybe? Ibinaling ko ulit ang tingin sa pinapanood ko.
"Can i ask? Saan rito pwede magpaload?" Nasa harap ko na pala siya, bilis niya maglakad huh?
"Uh you don't need to buy a load, we have a wifi here, just click 'lirashammmy' and type the password '102938' and that's it." I answered.
"Thank you," Naupo siya sa tabi ko at nakinood rin sa pinapanood ko, "Only child ka lang?" Napalingon ako dahil sa tanong niya.
"Uh no, i have an older brother but he's in state, at wala na rin kaming pake sa isa't isa." I said bitterly.
"Hmm, where are your parents?" He asked again.
"Matagal ng wala." Pilit kong ngiting sabi.
"Thank you for caring my sister." Sister? I thought—magpinsan sila?
"Uh as i've know, you are her cousin?" I asked.
Napatigil siya at tumawa, "A-ah yeah, cousin."
"Tommorow i'll be transferred in Era University," He said, "And i hope i can study peacefully."
"Oh you don't have to worry, i owned that school! By the way i'm Lira Shammy Shacy." Inabot ko sakaniya ang kamay ko.
Napatigil siya at nginitian ako ng pilit, "Ah yeah, by the way kailangan ko palang umalis."
Uh? He has a problem in my name i think?
—
To be continue...