"Darling, have breakfast first before you leave!" narinig kong sigaw ni daddy mula sa kusina.Mabilis kong inilagay ang isang pulang clip sa buhok ko at pagkatapos ay maingat naman akong naglagay ng liptint sa mga labi ko. Kinuha ko naman ang bagong bili kong baby foundation at naglagay ako sa mukha ko. Naglagay pa ako ng kaunting kulay sa talukap ng aking mga mata.
"What are you doing and it took you so long?" muling sigaw ni daddy sa akin.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ay mabilis na nga akong lumabas ng kwarto ko at bumaba papunta sa kusina.
"What's on your face?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Am I beautiful?"
"Darling, you are beautiful even if you don't have make up," malambing na tugon niya sa akin.
"Of course! My baby is beautiful with or without make up," sabat ni mommy sa amin habang naglalagay ng tubig sa mga baso na nasa dining table.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi nila at pagkatapos ay masaya akong naupo sa hapag-kainan. Sumunod naman sila sa akin at masaya kaming nag-almusal.
Ilang minuto pagkatapos naming kumain ay inihatid na nga ako ni daddy sa school.
Nag-iisang anak lang ako ng parents ko kaya naman pinupuno nila ako ng pagmamahal. Masyado rin akong spoiled sa kanila, lalo na kay daddy.
Hindi rin naman ako nalulungkot kahit na nag-iisang anak lang ako dahil mula pagkabata ay kasa-kasama ko na si Briana, ang bestfriend ko. Same school kami noong High School at maging ngayon sa College. Hindi nga lang kami pareho ng kursong kinukuha dahil mahilig siyang mag-bake at magluto kaya naman HRM ang kinuha niya. Samantalang ako ay mahilig sa mga paper works kaya naman Office Administration ang kinuha ko.
Kapwa nasa ikalawang taon na kami sa kolehiyo, at tulad dati, kahit busy kami sa kanya-kanya naming kurso ay may oras pa rin kami ni Briana na magkasama.
"Kace!" narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at bumungad sa akin si Briana habang kumakaway-kaway pa.
"Brie!" tugon ko at masaya akong lumapit sa kanya.
"So, when did you learn to put on make up?" taas ang kilay na tanong sa akin ni Briana.
"Maganda ba?" bungisngis ko naman sa kanya.
"Syempre naman! Turuan mo nga ako ng ganyan."
"Sure! Later after class. Tamang-tama at Tuesday ngayon, pareho tayo ng oras ng tapos ng klase natin."
"Sige! Sa inyo naman tayo tumambay mamaya para makabisita rin ako kina Tita Myrna at Tito Ian," pahayag ni Briana.
"Sure!"
Matulin na lumipas ang maghapon at sa sobrang pagka-excite ko na makipagkita kay Briana ay naiwanan ko ang notes ko sa classroom. Napagtanto ko na lamang iyon nang nasa gymnasium na ako ng school at naghihintay sa pagdating ni Briana.
Mabuti na lang at wala naman kaming quiz kinabukasan kaya pwede na rin na bukas ko na lang iyon kunin pagkapasok ko. Sigurado naman akong hindi mawawala iyon dahil may pangalan ko iyon at cellphone number ko. Walang gagalaw no'n doon.
Ilang sandali pa ay dumating na nga si Briana at kapwa kaming lumabas ng gymnasium.
"Nagsabi ka na ba kina tito at tita na sa amin ka muna tatambay?" tanong ko kay Briana habang naglalakad kami.
"Yea. Magpapasundo na lang ako sa bahay niyo mamaya," tugon niya at mabilis namang naagaw ng atensyon niya ang isang matandang lalaki na nagtitindi ng dirty ice cream sa labas ng campus. "Ice cream!" manghang sabi niya at saka ito tumakbo papunta roon.
"Hindi ka talaga nagsasawa dyan 'no?" tanong ko habang sumusunod sa kanya.
"You want some?" alok niya pa sa akin. Tumango ako sa kanya at binilhan nga niya ako ng sa akin.
"So, kayo lang talaga?" Kapwa kaming napalingon ni Briana mula sa lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Manuel!" masayang sabi ni Briana.
"Libre lang sa akin 'to ni Brie," sabi ko naman kay Manuel.
"Manong, isa pa nga po para sa friend ko," masayang balin naman ni Briana sa matandang nagtitinda ng ice cream.
Manuel is one of our friends ni Briana. Actually, mas una silang naging magkaibigan ni Briana kaysa sa akin. Magkapitbahay lang kasi sila kaya mga bata pa lang ay magkasama na sila.
Nang makuha na ni Manuel ang ice cream niya ay saktong dumating naman si daddy para sunduin ako.
"Hey, Darling," bati sa akin ni daddy nang ibaba niya ang bintana ng sasakyan.
"Hi po, tito Ian, sama po ako sa inyo," nakangiting bati ni Briana kay daddy.
"Sure, Briana. Get in."
"Teka, bakit kayo lang? Sama rin ako," ungot naman ni Manuel.
"But girls thingy kasi 'yong gagawin namin," sabi ko rito.
"Okay lang 'yan, Kace. Isama na natin si Manuel," sabi naman sa akin ni Briana. "Okay lang po ba tito?" balin niya pa kay daddy.
"Yes, of course!"
At sa huli ay wala na nga akong nagawa. Bakas naman ang tuwa at kilig sa mukha ni Briana dahil kay Manuel. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na may gusto siya kay Manuel kaya naman napapailing na lang ako na sumakay sa kotse ni daddy.
Mainit na tinanggap naman ni mommy ang mga bisita ko. Ipinagluto pa nga niya kami ng meryenda at tuwang-tuwa sila ni daddy kapag magkakasama kaming tatlo nila Briana at Manuel. Para daw kasing ang dami nilang anak at masaya sila na may mga kasundo ako.
Umakyat kaming tatlo sa kwarto ko tapos hinayaan ko lang si Manuel na maglaro ng PS4, habang kami naman ni Briana ay busy sa harapan ng salamin at kung ano-ano ang pinaggaga-gawa namin sa mga mukha namin.
"Bakit kasi kailangan pang magganyan kayo?" reklamo ni Manuel sa amin.
"Magbo-boyfriend na kasi kami ni Briana," tugon ko sa kanya.
"What?" bulalas niya. "Ang babata pa ninyo para mag-boyfriend kayo."
"Seventeen na kami, pwede na kaming mag-boyfriend," sabi naman ni Briana.
"Hindi ka pa pwede, Briana. Hayaan mo na lang si Kacelyn," sabi naman ni Manuel.
"Bakit naman hindi pwede si Briana?" nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya.
"Basta lang." Nakita ko naman ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Manuel. Okay, ramdam ko naman na mutual ang feelings ng dalawang ito para sa isa't isa.
Naputol ang pakikipagkulitan ko sa mga kaibigan ko nang mag-vibrate ang cellphone ko at isang mensahe ang natanggap ko mula sa unregistered number.
From: 09*********
Hi, Kacelyn.Napakunot ang noo ko nang mag-reply ako rito.
To: 09*********
Who's this?At ilang segundo pa ay muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa mensahe ng isang estranghero.
From: 09*********
Ako nga pala ang future mo. Brylle Dyllan :)What the?
BINABASA MO ANG
Bittersweet Love [LOL Series#3]
RomanceLots Of Love Series #3: BITTERSWEET LOVE Kacelyn Samiano is a certified man-hater. Wala pa naman itong nagiging nobyo pero iwas na iwas siya sa mga lalaki na para bang may allergy siya sa mga ito. And that's all because of Brylle Dyllan-ang schoolma...