Kacelyn
"Do you know why it's so hard for me to be inlove again after a broken heart? It's because I don't know how to make the next one special 'cause, I made the past so special thinking he is the last."
Kumunot ang noo ko dahil sa mga linyang iyon ng babae sa pelikula na pinapanood ko.
"I fell in love with him without knowing if it is right. My life has been turned to him that my world seems crumbling when he left me. I pretend that I am out of pain, I pretend that I forgot about it. I acted like I had moved on, but when we meet again—one look, one smile and I've realized that I am falling inlove again."
Bakit gano'n? Bakit may mga tangang tao sa mundo? I really don't get it! Bakit may mga taong nai-inlove ulit sa mga taong sinaktan lang naman sila?
"Should I give myself a chance to love him again though he broke my heart once? My mind says no, but my heart keeps telling me that with all the heartaches and pain, he's still my one and only..."
Sa pagkaasar ko sa pinapanood ko ay pinatay ko na lamang ito. Napaka-corny! Wala na ba akong mapapanood na maayos? Ang shonga ng writer ng movie na 'yon ha. Nakakainis talaga.
"Akala ko manonood ka ng movie? Bakit pinatay mo?" tanong sa akin ni Briana nang lumabas ito mula sa comfort room.
"Ang corny ng mga palabas. Wala akong magustuhan," tugon ko sa kanya.
"Lahat naman sa iyo ay corny eh," tugon niya. Binalingan ko siya ng tingin na noo'y nagpapatuyo ng kanyang buhok habang nakatapat sa bentilador.
"So, hanggang kailan mo pa balak na mag-stay rito?" tanong ko sa kanya na siyang ikinasamid naman niya.
"Grabe, Kace ha. Isang araw pa lang ako rito pero parang gusto mo na ako agad na paalisin."
"Exactly."
"What?" bulalas niya.
"Makipagbati ka na kasi sa asawa mo," saad ko sabay higa sa kama ko. "Kita mo naman, maliit lang itong apartment ko. Isa pa, bahay mo iyon, tapos ikaw pa ang umalis," dagdag ko pa.
"Uuwi rin naman ako eh," aniya.
"Kailan? Kapag sinundo ka niya rito?"
"Asa naman akong susunduin niya ako rito no." She rolled her eyes. "Eh baka nga tuwang-tuwa pa 'yon na hindi ako makita, eh!"
Pumalatak ako. "Ewan ko ba naman kasi sa iyo at pumayag kang maikasal sa kanya. Hindi naman kayo totoong nagmamahalan eh, o baka naman... nag-uumpisa na kayong magkagustuhan?"
Nakita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Briana dahil sa mga sinabi ko. Kahit kailan talaga ay mabilis kong nahuhuli itong kaibigan kong ito. Sa tagal na naming magkasama at magkaibigan ay kabisadong-kabisado ko na siya.
"Kahit pumuti pa ang uwak ay hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon!" pagkakaila niya.
"Come on, Brie. Magtatago ka pa talaga sa akin?"
Lumapit si Briana sa akin at humiga sa tabi ko.
"Let's sleep na. Gusto ko na lang magpahinga," aniya sabay yakap sa akin.
"Okay. Hindi naman kita pipilitin. Pwede kang magsabi sa akin any time," tugon ko sa kanya at niyakap ko rin siya pabalik.
Kapwa naming ipinikit ang mga mata namin hanggang sa hilahin na kami ng antok.
Kinabukasan, nagising ako sa mabangong usok na nagmumula sa kusina. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at natanaw ko roon si Briana na abalang nagluluto ng agahan. Kinapa ko ang cellphone ko sa ulohan ko upang tingnan ang oras.
"Ang aga pa ah," bungad ko kay Briana sabay bangon.
"Nag-crave kasi ako bigla sa fried rice at fried chicken," tugon niya sa akin.
"What? Buntis ka ba?" pagbibiro ko rito. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. "Bakit? May asawa ka naman so, hindi naman nakakapagtaka kung mabuntis ka—" natatawang sabi ko pa sa kanya pero agad din niyang pinutol ang sinasabi ko.
"Stop it, Kace! Ang ganda-ganda ng araw para sirain mo oh," inis na wika niya. "At saka isa pa, nagluto rin ako para sa'yo. Para naman hindi na lang puro buger ang kinakain mo sa breakfast."
Lumapit ako sa kanya at sakto naman na tapos na siyang magluto.
"Hindi rin pala talaga masama na nandito ka sa akin, ngayon na lang ulit may nagluto para sa akin," mapait na sabi ko.
Honestly, sobrang thankful ako na nandito si Briana sa buhay ko. Siya na lang kasi ang natitirang mayroon ako. My dad passed away seven years ago. At iniwan naman ako ni mommy noong mamatay ang daddy ko.
Hindi ko nga alam kung bakit napakalupit sa akin ng tadhana. Saglit lang niya akong pinasaya noong buhay pa si daddy at kapiling ko pa ang parents ko. After that, nawalan na ng kulay ang buhay ko.
Pakiramdam ko, wala ng saysay at halaga ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit humihinga pa rin ako. Hindi ko alam kung ano pang purpose ko sa buhay kong ito.
"Gusto mo dito na lang ako tumira for good kasama mo? Para naman lagi ka ng may makasama," nakangiting alok sa akin ni Briana.
"Mas gusto ko pa ring magka-baby kayo ng asawa mo," pang-aasar ko rito.
Totoo naman talaga. Bitter at sad girl akong tao pero gustong-gusto kong makita na masaya ang bestfriend ko. Deserve niyang may magmahal sa kanya at magkaroon siya ng isang masayang pamilya.
"Never! Hihiwalayan ko na lang siya tapos titira na lang ako dito kasama mo."
"Hate na hate mo talaga siya?"
"Super!"
"Ingat ka, Brie."
"Why?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Sabi kasi nila... the more you hate, the more you love."
"Kacelyn!" dabog niya sa akin at napatawa na lang ako sa kanya.
Pagkatapos naming mag-almusal ni Briana ay nag-ayos na ako at naghanda para sa pagpasok ko sa trabaho. Nang matapos naman ako sa pag-aayos ay nagpaalam na ako sa kanya.
Sumakay ako sa sasakyan ko at nagsimula nang bumyahe. Pero sa kalagitnaan ng byahe ko ay kamalas-malasan naman at nasiraan ako ng sasakyan.
"Fuck," mahinang mura ko. Mabuti na lang at naitabi ko agad ang kotse ko bago ito matuluyan.
Bumaba ako ng sasakyan at padabog na sinipa-sipa ang gulong ng kotse ko. Nakakainis. Bakit ngayon pa ito nasira kung kailan may presentation ako at bawal akong ma-late sa trabaho!
"Need a help?" Napalingon ako mula sa estrangherong nagmamay-ari ng boses na iyon.
Taas kilay ko siyang tiningnan at hindi kinibo. Maya-maya pa ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at muling nagsalita.
"I'm Anthony, your savior for today."
BINABASA MO ANG
Bittersweet Love [LOL Series#3]
RomanceLots Of Love Series #3: BITTERSWEET LOVE Kacelyn Samiano is a certified man-hater. Wala pa naman itong nagiging nobyo pero iwas na iwas siya sa mga lalaki na para bang may allergy siya sa mga ito. And that's all because of Brylle Dyllan-ang schoolma...