▶︎[ 02 ] ♡

1.1K 65 119
                                    


Harry Theodore's POV

February 28, 2021

Nasa veranda ako ngayon ng kwarto at kabadong nakaupo sa maliit na sofa. Hawak-hawak ko ang cellphone at kagat ang pinky finger. Tatawagan ko kasi ngayon si Aila, plano kong. . . manligaw.

Nasa kandungan ko ang gitara. Inayos ko pa ang strings nito para hindi magkaaberya mamaya. Kakantahan ko muna siya bago umakyat ng ligaw. Ang plano ko nga talaga sana ay ligawan siya sa Skype pero baka hindi magtatagumpay lalo na't epal ang internet connection ngayon kaya sa tawag na lang.

“Yuck kuya, kinakabahan ka?”

Napalingon ako sa likuran nang makita ang nakababatang kapatid ko na si Harrist.

Aasarin na naman ako nito. Panigurado 'yan!

“Oh ano naman?” sagot ko at kagat pa rin ang daliri.

Sa tuwing napapakagat ako sa pinky finger ko, ay sign talaga na kinakabahan ako. Ewan, ganoon lang talaga ako. That is also my way of calming myself.

Naramdaman ko naman sa gilid ang pagtabi ni Harrist sa akin at kinuha niya nga mula sa akin ang gitara.

Bigla itong tumingin sa kawalan habang nags-strum sa guitar. Agad kong hinampas ang balikat nito.

Akala ko ba naman kasi ay aasarin ako, kaso biglang naging sad boy.

Yuck, 'di bagay sa kanya.

“Kuya! Walang hiya ka talaga! Wala kang manners!” sigaw niya at hinimas ang balikat.

Natatawa naman akong sumagot. “Shuta kang bata ka. Ang seryoso mo! May nililigawan ka 'no?”

Tangina. Pag ito um-oo, sasapakin ko 'to. Seventeen pa siya kaya dapat aral muna.

“Hindi ko maligawan, kuya.” malungkot niyang saad.

Naiwan akong tulala na nakatingin sa kaniya. Hayop na pag-ibig, ba't tinamaan na ang kapatid ko? E ako nga ngayon pa. Pero sabagay, nanligaw naman na ako noong grade one.

Tama talaga si Augustine. Ang gulo ko nga.

Well, at least pogi pa rin.

“Hindi ka sana payagan, kuya. Para...quits tayo!”

Pabato niyang ibinalik sa akin ang gitara at muntikan pa itong mahulog sa sahig. Bwisit na Harrist!

“Hoy Harrist! Hindi ka talaga magkakajowa!” sigaw ko na nakapagpatigil sa kaniya.

“Bawiin mo 'yon kuya! Ang sama ng ugali mo! Nagkakatotoo pa naman mga sinasabi mong masama!” angil niya na ikinatawa ko lang.

Takot naman pala!

“Dude, pareho lang tayong masama ang ugali! Mana ka sa'kin, baka akala mo!”

Sinamaan niya lang ako ng tingin at umalis sa veranda.

Tawa pa ako nang tawa dahil happy pill ko rin ang asarin ang kapatid ko. Ganun din naman siya sa akin. In short, happy pill namin ang isa't isa kapag nag-aasaran!

#2 | Admin, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon