Chapter 16

1.5K 55 5
                                    

Naramdaman naming may lumapit samin. Sabay kaming napalingon ni Vince kay Jenina na matamis ang mga ngiti.

May dumaan namang kirot sa puso ko.

Umupo siya sa pagitan namin ni Vince.

"Sinasagot na kita, Vince." biglang sambit ni Jenina.

Kita ko sa mga mata ni Vince ang gulat. Parang dinudurog na ang puso ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at pinagmasdan nalang ang papalubog na araw sa dagat.

Ang sakit naman. Talagang nandito pa ako para matunghayan ang pagiging opisyal nilang magkarelasyon.

"T-talaga?" tanong ni Vince.

"Yes, I am now officially yours." masiglang sabi ni Jenina.

Napalunok nalang pero parang may bato sa lalamunan ko na nahihirapang lunukin ang laway ko.

Tumayo ako at nagpagpag. Napatingin sila sakin.

"Uhm, una na ako, congrats sainyong dalawa." pilit na ngiting sabi ko.

May sasabihin yata si Vince sakin pero tinalikuran ko na sila. Ang bigat ng dibdib ko habang naglalakad papalayo sa kanila.

Hindi ko na namalayang mabilis akong nakauwi ng mansyon. Para akong nanghihina.

Inabala ko nalang ang sarili kong maglinis at magluto para makalimutan si Vince. Pero ang sikip parin ng dibdib ko. Puta! Sana hindi ko nalang nakilala si Vince. Sana hindi nalang ako tumira dito sa probinsya. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

Gabi nang makita ko si Vince sa labas ng gate. Pinagbuksan ko siya. Bumungad sakin ang itsura niyang malungkot.

"Wow! Kayo na, congrats." pilit na ngiting sabi ko. Hindi siya nagsalita.

"Nasaan si Jenina?" tanong ko.

"Kanina pa umuwi." sagot niya.

Tumango ako.

"Makikinuod ka ba sa tv?" tanong ko.

Tumango nalang siya. Pumasok na kami sa mansyon at umupo sa sofa. In-on ko na ang tv.

Pansin ko ang pagiging tahimik niya habang nanonood. Naninibago ako. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

"Makikitulog sana ako rito." sabi niya.

"Bakit, nag away na naman ba kayo ng papa mo?" tanong ko.

"Hindi. Gusto ko lang matulog dito." aniya.

"Wag ka ng matulog dito." sabi ko.

Nagtataka naman siyang bumaling sakin. "Bakit?"

"Baka magalit papa mo." pagdadahilan ko. Pero ang totoo, ayaw kong masanay na lagi siyang nandito.

Unti-unti naman siyang tumango. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo.

"Uwi na ako." paalam niya.

"Hindi pa tapos ang palabas oh." sabi ko.

"Antok na ako eh." aniya at lumabas na ng mansyon.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Nakahiga na ako sa kama. Ang mga palad ko ay nakalapat sa dibdib ko. Para bang sa bawat pagtibok ng puso ko ay may kasamang kirot. Humugot ako ng malalim na paghinga para gumaan ang nararamdaman ko.

Nagising ako kinaumagahan na malumbay. Ano ba yan! Pati ba naman sa panaginip ko ay ang lungkot-lungkot ko. Para akong umiyak at natuyo ang mga luha pagkagising.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon