"Huy! Bakit ba hindi ka mahinto dyan sa palakad-lakad mo'ng iyan ha?"
Hindi ko pinansin si Dayanha at palakad-lakad lang papunta dun sa labas ng classroom papunta sa upuan ko. Hindi ko na nga pinapansin yung ibang kaklase ko na tanong na din ng tanong.
Paano ba naman? Kasi kinakabahan na ako eh. Mula nung nakita ni Oz yung litrato medyo natatakot na ako sa kaniya. Baka kasi isipin niyang stalker ako? Or magnanakaw? Ay ewan! Basta kinakabahan lang ako!
Kaya talaga paulit-ulit ako kahit nga naririndi na ako sa pagsasalita ni Dayanha. Kung tutuusin mukha naman talaga akong baliw dito eh. Bakit ko ba 'to ginagawa?
"Ayos ka lang Coleen?"
Napapitlag ako sa pag-aabang ng kung sino sa pintuan ng hawakan ako ni Jacob sa balikat kaya napalingon ako sakaniya.
"H-ha?... A-ah ayos l-lang..."
"May hinihintay ka ba? Sino?"
Mabilis na umiling ako at bumalik sa upuan ko. Ayoko namang malaman niya no na pinsan niya ang hinihintay ko. Maryosep! Hindi ko din alam bakit ko nga hinihintay yon! Basta kinakabahan lang ako. Pft!
"W-wala naman. M-may tinitignan lang." Pilit ko siyang nginitian at humarap na kay Dayanha na naka-nguso habang hawak-hawak ang cellphone.
"Dayaaan!! Ano na gagawin koo?? Baka isumbong niya ako kay Mr.P Patrick lagot talaga ako!"
"Ano ba'ng nangyayari dyan sayo? Ang ingay mo yata ngayon?"
Ngumuso ako at hindi mapakaling pabaling-baling dun sa pintuan hanggang sa pumasok si Mr. Patrick at sinabing vacant namin whole day.
"Vacant nyo class, pero hindi ibig sabihin pwede kayong umuwi.... Kailangan niyo mag-stay dito sa school at mag-linis o mag-simula na sa mga ide-disenyo niyo. Counted to sa class day kaya wag kayong magka-kamaling mag-cutting."
Naka-hinga ako ng maluwag nang umalis na si Sir sa classroom buti nalang talaga. Kasi akala ko—
"Uh, I'm sorry but can I talk to you Ms. Reyes?"
"Po!?"
Napatungo ako ng kumunot ang nuo sakin ni Sir. Maryosep! Nagtataka siguro kasi napag-sigawan ko? Hekhek! Sorry naman. Nagulat lang. "Ah opo sir."
Sinundan ko si Sir hanggang sa loob ng faculty at pina-upo niya ako sa visitor's chair niya. Actually special siya kasi acting principal siya kapag wala ang principal namin dito. Siya yung nagsisilbing OIC namin.
Tahimik lang ako kahit para na akong nangingig dahil sa aircon pero ang totoo? Nangingig ako sa kaba. Baka naman kasi pagalitan niyanako kasi pumasok ako ng classroom niya eh. Baka nalaman niya kay Oz na ako yung pumasok kaya ako ganito ka exaggerated. Naks naman! Exaggerated ka dyan!
"Sandali lang Ms. Reyes may hinihintay lang ako."
Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Baka pag nag-salita ako humingi nalang ako ng sorry bigla naku lang talaga!
"Sir, bakit po?"
Tila natigil ang pag-hinga ko ng maeinig ang dalawang boses na pinaka-ayokong marinig sa lahat! Lalong-lalo na ang boses ni Oooozz! Sana naman talaga naka-limutan niya na yung nangyari kahapon! Hihimatayin talaga ako dahil sa sumobrang heart attack.
"Boys, nandito na pala kayo. Guzto kong samahan niyo si Ms. Reyes, bumili kayo ng mga gagamitin sa classroom natin. Actually si Ms. Reyes lang naman talaga ang uutusan ko sana, kaso naisipan kong isama nalang kayong dalawa kasi nga delikado kung siya lang mag-isa. Idagdag pa na para naman yun sa classroom natin. Kayo naman ang Pres. at Vice kaya buti ng makasama kayo kasi alam niyo yun."