"Hi..." nahihiyang sabi nang isang lalaki sa akin.
"pwede ba makuha ang number mo?" nagmanadali nyang sabi. Namumula at hiyang-hiya na sya.
Napapalibotan kasi kami ng mga kaibigan nya. Sila ang nag tulak sa kanya na makipag kilala sa akin. Alam ko din naman na napipilitan lang din sya.
"ah... sige" napa sige nalang ako para matapos na.
"ayy.. hindi ito nalang pala number ko" sabi nya.
"huwag na ako nalang magbibigay" so yun na nga, mas pinili ko na number ko nalang ibigay ko kesa ako ang may number sa nya, ako pa nyan mamomroblema kung ete-text ko ba sya o hindi. Mabuti na yang sya ang mag desisyon.
"oh sige" at ayun na nga nabigay ko na ang number ko at sabay umalis na rin ako. Nasa Cafeteria pa talaga kami, nakakahiya sa ibang tao.
----------------------------------------------------------
"Hoy! Franzine, okay ka lang?" tanong sa akin ni Jenn.
"ah. oo naman" sagot ko.
"sure ka? parang kanina ka pa tulala ah.." sabay upo sa katabi kong upoan.
"huh? di naman ah" dipensa ko.
"may nangyari ba kanina sa cafeteria?"
Ang kulit naman talaga neto oh.
"Wala naman" sabi ko habang inaayos ko na ang mga gamit ko.
"eh... narinig ko kena Dinna may gwapo ka daw nakikilala sa kanina" insist nya.
What? Chismosa talaga tong Dinna na to.
"huh?" kunwari, di ko narinig..
"naku! kunwari ka pa, kilala kita.. sige na. Kwento ka na.. ~yiiee" kilig nyang sabi sa akin.
"ano bang eke-kwento ko, di ko naman yun kilala. Tsaka kinuha nya lang number ko. yun lang" sabi ko sabay tayo na.
"yun lang?" sabay tayo nya rin.
Kinuha ko na bag ko at nag lakad na pa labas ng Classroom. Sumunod naman sya sa akin.
"And I am sure, di nya ako e tetext. Napilitan lang kasi yun kasi tinutukso sya ng mga kaibigan nya."
"ahhh, sayang naman. pero... gwapo ba?" curious na tanong nya. haha! nakakatawa naman to si Jenn. Hay naku.
"~hmmm..." binibitin ko sya.
Nasa hagdanan na kami at pababa na kami ngayon sa 1st floor, nasa 2nd floor kasi yung Classroom namin.
Kakababa ko lang nang nakita ko yung lalaki kanina sa may corridor sa tapat ng isang Classroom. May kausap sya na babae. Naku! madadaanan pa namin tong classroom na ito pa labas ng building.
No choice.
Nagmamadali akong naglakad para di nya ako mapansin, nakakahiya kaya.
Nang nakalagpas na ako ng kaunti, may bw*s*t na babaeng ang laki-laki ng bunganga na tumawag sa akin.
"Hey Franz! hintay." sabay takbo at tumabi sa akin.
Napatingin naman ako banda kung saan yung lalaki, to make sure na hindi nya ako napansin.
~ohw sh*t! He's looking at me.
Sino ba kasi ang di makakapansin sa akin sa lakas ng boses ni Jenn.
Tumakbo na ako, hindi ko na macontrol ang hiya ko.
Nasa sakayan na kami ng jeep.
"Yun ba yunh pengenumber guy? He's gwapo ha ~yiieee." rinig kong sabi ni Jenn na may tukso.
"Bahala ka na nga dyan, uwi na ako" sabi ko sabay sakay sa jeep.
"oh sige, kwentohan mo nalang ako bukas ha. Update me!" sabay wave sa akin.
At umalis na nga din ang jeep na sinkyan ko.
Binalewala ko na ang lahat.
SINO BA NAMAN KASI AKO PARA MAPANSIN.
-------------------------------------------------------------
Napahiga ako sa bed ko pagkatapos kong mag aral at gumawa ng mga assignments.
Bigla ko lang naalala yung phone ko kaya inabot ko yung bag ko at kinuha eto sa loob.
*3 Messages Receive* nakita ko sa screen ng phone ko.
1st Message: Jenn @7pm
Franz, pa copy ng assignment bukas ha... tinatamad akong gumawa eh. Salamat! muah!
Babaeng to talaga, naku! kung di ko lang talaga to bestfriend naku!.. ewan ko nalang.
2nd Message: Mom @8pm
bumaba ka na at kumain. Late na.
I checked the clock and woah! 10pm na pala.
Nagmamadali akong bumaba sa kusina. Madilim na, natutulog na ata sila. Binuksan ko yung ilaw ng kusina at nag hanap ng makakain sa mesa.
Umopo na ako sa mesa at kumain.
I checked the phone again, at binuksan ang 3rd Message.
It was from an unknown number.
3rd Message: +09********* @9:45pm
Hi! It's me, Ires. Sorry ngayon lang ako nakapag text.
....
Wait, who's Ires?
~pfff!
malapit kong mabuga ang kinakain ko ng maalala kong may binigyan pala ako ng number ko kanina.
seriously???? Siya ba to? did he really texted me?
YOU ARE READING
Choice
RomancePaulit-ulit mo syang pinipili, pero paulit-ulit ka rin nyang iniiwan sa ere. Masakit diba? Bakit di ka pa natuto?