October 24, 2020
"CHEERS!" Ang sabay-sabay na pagsigaw naming mga dumalo dito sa kasal at wedding reception para sa newlyweds na sina Kuya Robin at Ate Jessilyn na siyang aking pinsan. Pagkatapos na pagkatapos magtama ng kanilang mga baso ay matamis na naghalikan muli ang dalawa. Kahit nandito ako sa bandang likuran, kitang-kita ko pa rin ang maluha-luhang mga mata ni Ate Jessilyn sa sobrang saya dahil ngayon din ang kanyang 25th birthday.
"Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, lalong-lalo na po sa families, friends, and workmates namin ni Rob! The best po talaga kayo!" Mangiyak-ngiyak na tinig ni Ate Jessilyn habang hawak ang mikropono. Marahan namang pinupunasan ng kanyang asawa na ngayon na si Kuya Rob ang kanyang mga luha.
"Tama po si Jess, the best po talaga kayo! Kaya bilang pasasalamat po namin sa pagdalo ninyo, enjoy the food and the rest of the night! Sana po magustuhan ninyo ang mga pagkaing ipinahanda namin para sa inyo!" Pagdugtong naman ni Kuya Rob sa sinabi kanina ni Ate Jess. Pagkatapos noon ay nagcheers ulit ang dalawa at saka nagkiss.
"Before we proceed to the fun games, may we first hear your personal messages for each other as Mr. and Mrs. Andaya?" Tinig 'yan ng master of ceremonies na dating kaklase ni Kuya Rob. Bigla namang napalitan ng matamis at intimate na musika ang background music na naririnig ng lahat.
"Jess, wala na akong ibang gustong sabihin sa iyo kundi ang sobrang saya ko dahil sa wakas, after 12 years, mag-asawa na rin tayo. Maraming salamat dahil hindi ka napagod na mahalin ako kahit may pagkamakulit pa ako noon, hahaha. Basta ngayong mag-asawa na tayo makakaasa ka na itatrato kitang reyna ko at papantayan ko ang pagmamahal na ibinigay sa'yo ng parents mo/in-laws ko bilang prinsesa nila. I will give you the love that you deserve in every single day of my life. Love you, wifey ko!" Paghahayag ng pag-ibig ni Kuya Rob kay Ate Jess na halatang kinilig sa mga matatamis na salitang kanyang narinig.
"Rob-Rob ko, pinapaiyak mo na naman ako, huhu! Char! Hahahaha! I love you, too, more than you'll ever know. Walang salitang makakapagdescribe kung ano ka sa akin. Thank you rin dahil hindi ka sumuko para sa ating dalawa kahit marami man tayong pinagdaanang pagsubok. Moving forward, ibibigay ko sa iyo ang pag-aalaga na deserve mo. Love you, hubby ko!" Tugon naman ni Ate Jess at saka sila nagkiss muli.
Hay nako, 'di naman sa bitter ako, pero...
Hindi ko lang talaga naeenjoy 'yung mga sweet love stories. Hindi kasi ako makarelate. Sarreh, NBSB here... pero hindi naman siguro kasalanan 'yun, right?
Sumigaw naman ulit ang mga taong nandito na nakasaksi sa kanilang matamis na pagpapalitan ng mga salita at pangako sa isa't-isa. Maya-maya pa, nagsalita ulit ang emcee at pinakilala na niya ang fun games na lalaruin ngayong reception.
Una niyang binanggit ang garter toss game na sasalihan ng mga kalalakihang binata at single pa. Ang mechanics ng game ay palilibutan ng mga single men si Kuya Rob habang nakablindfold ito pagkatapos ay papaikutin siya saka niya ibabato 'yung garter na nakuha niya mula sa ilalim ng palda ni Ate Jess. Ang single guy na makakakuha ng garter ang siyang makakapartner naman ng single lady na makakasalo ng bridal bouquet para sa isang sweet photo op.
"Asan na ba si Theo? Naku, sayang wala siya! Masaya pa naman itong game na ito!" Tinig ito ng isa sa mga lalaking kaibigan at high school classmates ni Kuya Rob na tila ba game na game nang sumalang sa laro.
"Nagpunta yata sa CR, par. Baka tinawag na ng kalikasan, HAHAHA! Ang dami kasing nakaim na buko pandan!" Pabirong tugon naman ng isa pa nilang kasamahan sabay tawa ng malakas. Pabirong sinaway at pinatahimik naman sila ni Kuya Rob na sumesensyas lang mula sa center seat nila ni Ate Jess. Nahiya siguro dahil balak pang magkalat ng tropa niya sa kasal nila ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Nearly Apart
RomanceSi Cleo Marasigan, 17, ay isang pangkaraniwang babae na walang ibang hinahangad kundi ang makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ang kanyang single dad na naggapang sa pag-aaral nilang magkapatid. Si Theo Villanueva naman, 27, ay isang self-empl...