CHAPTER 20

337 17 26
                                    

"Sana...sana hindi nalang kita nakilala Caspian. Sana hindi nalang kita...naalala."

Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa kanya, ngiting punong-puno ng sakit. Siguro ito talaga ang para sa akin. Ang masaktan habang buhay.

 I thought I’m already lucky because I have this person who’s willing to stay at my side. The person who’s willing to make me happy, but I was wrong, that person will make me experience a short happiness, and leave me with a broken heart and showering tears.

Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas,hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng kakayahan. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang makisama sa iba. ‘Yung kaisa-isang taong pinagkatiwalaan ko na hindi ako kayang iwanan ay iniwan ako.

Ano na mangyayari sa akin nito?ano na ang kahihinatnan ng buhay ko?kung kailan sasabihin ko na sa kanya na pwede na maging kami, kung kailan kailangan ko ng masasandalan dahil sa hinang-hina na ako.

Bakit ganito?bakit kailangan sumabay pa?hindi ba pwedeng maging masaya ako?hindi ba pwedeng may isang pupuntahan ako kapag hinang-hina na ako?

Akala ko pamilya ko lang ang problema ko hindi pala. Pero bakit?bakit ba ako umasang pangmatagalan ang sayang mararamdaman ko kung una palang may kutob na ako na may malaking kapalit lahat ng saya? Bakit ba ako nagpa kampante?kasi nadala ako ng matatamis niyang salita?

Masyado ba akong umasa sa mga salita niyang ‘hindi ako iiwan?’ bakit kasi?bakit kasi kailangan kong maransan ‘to?kung sa una palang magulo naman na talaga ang buhay ko, bakit kailangan pang may dumating para iligtas ako at sa bandang huli ay iiwan lang din naman ako. Nasaan na ang mga salitang walang iwanan?

Hindi ko maintindihan, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Destiny makes me experience happiness and I admit that I was happy, that was the happiest moment in my life, but..why should I experience this pain?Am I destined to experience this?If yes, then why? Do I deserve this? Do I deserve to be hurt?if in the first place I always sacrifice my own happiness to someone ‘cause I think they deserve it. Kailan ako?Kailan ako magiging deserving?

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko ay agad ko itong nilock, napasandal ako sa likod ng pinto at do’n nagsimulang humikbi ng mahina. 

“Bakit?bakit kailangan kong maranasan ‘to?why me?why?”

Kung sino pala ‘yung nagpapasaya sa’yo ‘yun din ang mananakit sa ‘yo ng sobra. This feeling is so heavy, mas gusto ko nalang mamatay. Bakit kailangan ko pang mabuhay sa mundong ‘to kung puro sakit lang naman ang mararanasan ko.

The silence of the night make me more sad, sobrang sakit,hindi ko alam kung kakayanin ko ba.hindi ko alam kung makakaya ko pa ba. Sino nalang ang tutulong sa akin kung iniwan na niya ako?

I hugged my knees and cried, I hope liam won’t hear me, dahil sa oras na marinig niya ako hindi ko na alam anong idadahilan ko. Siguro nasabi na din sa kanya ni sandra ‘yung mga bagay na hindi ko nasasabi kay liam.

“Kung nagpaka selfish ba ako no’n hindi ako magiging ganito?”I asked myself, Ayoko na maging malungkot ulit, ayoko nang makulong ulit dito sa kwarto kong puno ng kalungkutan.

Sana,panaginip lang lahat ng ‘to at gusto ko ng magising. “Bakit ang lupit ng mundo sa akin?naging mabuti naman akong anak,kapatid at kaibigan. Bakit kailangan kong maranasan ‘to?”

Tumayo ako at agad na kinuha ang gitara ko. Muli akong umupo sa sahig at marahang pinunasan ang luhang lumalandas sa pisngi ko. I started to strum my guitar.

Loving and fighting, accusing, denying
I can't imagine a world with you gone
The joy and the chaos, the demons we're made of
I'd be so lost if you left me alone

Faded InkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon