Jules POV
Pinagmamasdan ko ang paligid netong bagong bahay na aming nilipatan. Habang abalang nag mamando sina papa at mama sa mga taong nag kakarga ng mga gamit namin papasok sa bahay.
May napansin akong mga batang nag kukumpulan. Nasa garahe sila ng isang bahay nasa tapat lang namin.
"Ma, Pa, may mga bata dun sa harap, punta lang po ako dun." Pagpaalam ko sa kanila, at pinayagan naman nila ako.
Ng makarating ako, napansin kong naka tingin silang lahat sa harapan, sa may make shift stage.
Napunta ako sa may gilid malapit sa stage.
"Okay na ba yan?" boses ng isang batang babae narinig ko galing sa "back stage"..
"Teka lang, gumagana to.." boses naman galing sa ibang batang babae ang narinig ko. "Oh ayan.. mukhang gumagana na". Dagdag pa niya.
"Okay ladies and gentleman." Lumabas galing sa likod ng make shift stage ang isang batang babae, mukhang kasing edad lang siya ni ate. "Pag pasensyahan niyo na po. Nagkaroon lang ng technical difficulty pero, Eto na po siya. Bigyan ulit natin siya ng isang masigabong palakpak, e welcome po natin ulit si Celeste Fernandez!".
Siya ata yung babaeng una kong narinig kanina.
Nagpalakpakan ang lahat, at naki palakpak na din ako. Lumabas yung batang Grace at nagsimulang tumugtog yung musika sa background.
-My Girl, by the temptations-
Sumayaw at sinabayan niya yung tugtog.
"Feel na feel niya yung kanta at sayaw. Pero di naman magaling. Hahaha"
"Di naman dapat kasali yan, pero nag sumbong daw sa daddy niya kaya pinasali."
"Ang kapal talaga ng mukha."
Yan ang mga narinig kong bulungan netong 3 babaeng nasa tabi ko..
tiningnan ko ulit yung bata sa harap.
Tama naman sila, di siya gaano ganun kagaling sumayaw, pero di din naman ganun ka pangit. Sakto lang.
Naputol bigla yung tugtog. Makikita mo sa mata niya, na nasopresa siya. Nagtawanan yung mga katabi ko. Di pa ata dapat tapos yung tugtog at performance niya. Mukhang nasira ulit yung radyo nila..
Tinignan ko siya, nakangiti at parang nagdadasal na maayos yung radyo. Pero ilang segundo pa at di pa rin bumalik yung tugtog. Binaling ko yung tingin ko sa paligid, puros nagbulungan at higikan. Binalik ko yung paningin ko sa babaeng nasa harapan. Nag bow at pumunta na sa back stage.
Ilang segundo pa at lumabas ulit yung batang emcee, at tinuloy ulit ang kanilang programa.
Wala na yung batang babae kanina. Hindi ko na siya nakita pang lumabas galing sa back stage. Malamang nahiya at umuwi na.
-----
Kinagabihan, habang nakahiga sa aking kama. Inaala ko mga nangyari kanina.
Yung pagpaalam ko sa lumang bahay namin, at sa mga kaibigan ko.
Inalala ko din yung mga bago kong kakilalang kaibigan dito sa pinaglipatan namin..
At yung babae kanina.. Si Celeste.
Siya ata ang may pinaka malapad na ngiti na nakita ko ngayong araw na to..
At yung mga mata niya.. Ewan ko kung anong meron sa mga mata niya, pero lagi itong sumasagi sa isip ko, kanina pa.