Chapter 1

4 2 0
                                    


“ANGEL MAE LIBREA,bumangon kana diyan...ikaw’ng bata ka! Kanina lang naghihintay sa'yo ang mga kaibigan mo dito sa baba,at talagang naglasing ka pa kagabi!" Bratatat ng kaniyang ina.

Sinubukan niyang takpan ang ulo niya ng unan para hindi marinig ang panenermon ng kaniyang ina,pero sadyang nakalunok ata ito ng microphone sa sobrang lakas ng boses.

"Ano? Hindi ka pa ba babangon diyan? O baka gusto mong buhusan kita ng malamig na tubig diyan sa higaan mo?" Nasa tono nito ang pananakot. Pero alam niya talagang gagawin nito kung hindi pa siya babangon.

Padabog siyang bumangon mula sa pagka-higa niya sa kaniyang kama."Hindi ako lasing kagabi Ma,tipsy lang huh ako." Pagtatama niya sa kaniyang ina.

"Pero uminom ka pa din naman diba? Anak..." Lumapit sa kaniya ang kaniyang ina,"hindi porket may problema ka ay idadaan mo nalang sa paglalasing,masama ‘yun anak. Magpakatatag ka anak,huwag maging mahina... Andito lang kami ng mga ate’t kuya mo at ng mga kaibigan mo anak. Sabihin mo sa amin kung ano ang problema mo anak dahil makikinig kami at tutulungan ka namin..."

Hindi niya maiwasang yakapin ang kaniyang ina at ma pa luha,kahit na parang dragon ito kung magalit ay kasing lambot naman ng mamon ang puso nito kung magmahal.

"I love you Mom, you're the best mom ever!"

Hinalikan niya ang kaniyang ina sa pisngi nito.

"Ang drama na natin dito anak,ang mabuti pa’y maligo kana dahil kanina lang naghihintay sa‘yo ang mga kaibigan mo."

"Opo,Ma."

"Sige anak, mauna na ako sa iyo sa baba dahil maglalaba pa ako."

"Sige po Ma, susunod nalang po ako sa inyo pag tapos na ako dito."

Lumabas na ang kaniyang ina. At siya naman ay niligpit ang kaniyang higaan bago siya pumasok sa banyo upang maligo.


"SO, KAMUSTA naman ang nangyari sa iyo kagabi? Ang sabi ng mama mo ay hinatid ka daw ng isang pogi dito sa bahay niyo? Oy, who's that lucky guy? Chika mo naman sa amin ‘Gel..." Wika ni Jay, one of her bestfriend.

Muntik na siyang mabilaukan dahil sa sinabi ni Jay, hindi niya sukat akalain na reporter na pala ngayon ang kaniyang ina at may chismosa pala siyang kaibigan.

Pero hindi niya mapigilang mapangiti habang inaalala ang nangyari kagabi. The way he looks,the way he touched,and the way he moved makes her blushed.

"Oy,ngumingiti ka diyan? Gosh! Don't tell me that... Oh my gulay!" Sandaling napanganga habang nanlalaki ang mga mata ni Zyra ,"don't tell us na sinuko mo na ang bandera ng Pilipinas?"

Sa sinabi ni Zyra ay sandaling napatigil siya sa pagkain ng sandwich.

Hindi niya din inakala na may kaibigan din siyang dirty minded. Pinalo niya ng mahina si Zyra sa braso nito dahil sa mga sinabi nito.

"Ano kaba Zyra, hinatid niya lang ako kagabi. So, pwede bang change topic nalang tayo? Parang gusto niyo pa akong i-hot sit nito ah..." Sabi niya at pagkatapos ay uminom ng orange juice.

"Pasensya ka na sa amin ‘Gel, talagang nagulat lang kami sa sinabi ni tita kanina..." Aniya Renalyn.

"Ayos lang...so,ano nga pala ang pinunta niyo dito eh ang aga-aga pa?" Pagtatanong niya.

"May good news kasi kami sa iyo ‘Gel." Sabat ni Zyra.

"Ano naman iyon?" Sabi niya na may excitement sa mga mata." What is the good news? Tell me!"

"Wow,atat!" Bulalas ni Jay.

"Eh kasi naman ‘Gel, si Taehyung ay nag-propose na rito kay manang biday." Zyra said.

"Ow?" Mulagat na mulagat siya sa sinabi ni Zyra.

"Sana ako rin ay magkaroon ng nobyong doctor. Sa totoo lang,ang pangarap kong maging asawa ay isang doctor." Wika ni Zyra.

"Ang dami sa ospital , ah. Manghila ka nalang doon."

"Kung pwede nga lang ay si Dr. Xander Zapanta ang gusto kong maging forever man of my life."

"Naku,Zyra. Committed na ‘yon. Huwag mo ng pag-ilusyunan."

"At bakit huwag? Habang nabubuhay ang isang tao, hindi dapat nawawalan ng pag-asa."

"Malapit na raw ikasal ‘yon. Balita ko."

"May sulosyon diyan,"si Jay.

"Ano?"

"Akitin mo."

"Mas epektib ang iniisip ko," singit niya.

"Ano?"

"Pakitaan mo ng kapitbahay ng puwet."

Hindi matapos-tapos ang tawanan nila at halos magkanda-ihi na sila sa kinauupuan.

"By the way,‘Gel. Pwede kang mag-apply sa kompanya ng bestfriend ni Taehyung, I'm one hundred percent sure na tatanggapin ka kaagad dahil sa nangangailangan ang kompanya ng sekretarya." Aniya Renalyn.

"Mukhang maganda 'yan. Sige i-ta-try ko bukas, magdadala ako ng application form." Saad niya.

"Break your legs ‘Gel." Wika ni Zyra.

"Hahhaha..."

"Sige na ‘Gel, sabihin mo na sa amin kung sino yung lalaking naghatid sa iyo kagabi dito sa bahay niyo?" Aniya Jay.

"Oo nga , parang hindi naman tayo magkaibigan niyan." Kunyari’y nagtatampo si Renalyn.


"Hay naku,ayoko nga ‘no. Bahala kayo diyan."

"Sige ka, hindi ka makakatulog niyan mamayang gabi."

"Hahhaha.."




PAKI-INTINDI NALANG SA MGA TYPING ERRORS NG KWENTO ITO. HINDI KO NA KASI MAGAWANG I-EDIT PA DAHIL MAY ISA PA KASI AKONG ONGOING STORY WITH AN_MANUNULAT (KA COLLABORATION KO) IF YOU HAVE FREE TIME,TRY TO READ OUR STORY THE TITLE IS; MY WIFE'S SACRIFICE ✍️.

BY THE WAY, HELLO TO ;

ZYRA TOLOP - ANG CUTE KUNG BUNSO. SIS,MAG-ARAL KA NG TAGALOG LANGUAGE HUH,KASI NA NO-NOSEBLEED NA AKO SA ENGLISH MO😁💕. BY THE WAY, I'M REALLY SORRY SIS IF NAWALAN NA AKO NG TIME SA IYO, I HOPE YOU UNDERSTAND NA PALAGING BUSY ANG KAPRE MONG ATE☺️. BUNSO, MAG-ARAL KA NG MABUTI. ABUTIN MO ANG PANGARAP MO HUH. I LOVE YOU😘😘😘😘


MARY MAE INSO— HELLO ATE MIA, PAGBUTIHAN MO ANG PAGSASAYAW MO SIS. I HOPE NA MAGING SUCCESS KA SA CAREER MO NGAYON, ANDITO LANG AKO SIS... SUPORTADO KITA. HUWAG MO SANANG PABABAYAAN ANG PAG-AARAL MO,KEEP SAFE SIS AND I LOVE YOU 😘

ANGEL MAE LIBREA— HELLO BESTFRIEND! HEHEHE... I KNEW NA OA AKO BESH , PERO TANDAAN MO NA LOVE KITA KAHIT NA HINDI KO MASABI YUN SA IYO. SANA BESH, HINDI MO AKO MAKALIMUTAN, KUNG AYAW MONG KURUTIN KITA SA SINGIT MO. MAG-ARAL KA NG MABUTI BESH , ALAM KO NAMAN KASI NA INAALAGAAN MO ANG SARILI MO PERO STAY SAFE PA DIN BESH', KUMAIN KA NG MASUSTANSYANG PAGKAIN. KITAKITS SOON! I LOVE YOU 💓💓💓

RENALYN BALLARES— STAY SAFE AND HEALTHY ‘NALYN,ANG CUTE KUNG KAIBIGAN. MAMAYA KANA MAG WATTPAD,MAG-ARAL KA MUNA😅. I LOVE YOU ‘NALYN😘😘😘...

AND TO MY BELOVED READERS,I LOVE YOU GUYS. SANA NAPASAYA KO KAYO SA MGA KWENTO NA SINULAT KO. SANA HINDI KAYO NABITIN. SANA NAGUSTUHAN NIYO.

STAY SAFE AND HEALTHY GUYS, I LOVE YOU ALL.

GIVE YOU ALL A BUCKET OF HUGS, *muah!* 😘😘😘


       Laleybells / L.L.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon