Naranasan mo na bang magka-crush?
Yung pakiramdam na makakain ka lang
ng chocolate eh kumpleto na ang araw mo.
Yung para bang halos hindi ka na makahinga
at pulang-pula kana dahil lang sa kumain ka
ng isang pagkain na may hot sauce pala.
At yung with matching pagtalon ka pa
sa sobrang pagka-kilig dahil sa biglaang
nakagat ng ngipin mo ang pagkalamig-lamig
na ice drop na hawak mo.
Naranasan mo na bang ma-inlove?
Yung pakiramdam ba na parang hindi ka
mapakalaki at ihing-ihi ka na dahil sa dami
ng orange juice na nainom mo.
Yung para bang hindi mo alam ang sasabihin
mo at nauutal ka dahil sa punong-puno ng black
forest chocolate flavoured cake ang bibig mo.
(Ano yun? Speechless!!!)
At yung with matching pagtakbo at pagtago
ka pa sa sobrang pagkahiya mo na mahuli ka
na binabantayan mo ang pagluluto ng fruit salad
na kompleto rekados pa.
Naniniwala ka ba sa Destiny?
Sabi nila parang yun daw yung naging masarap
ang isang pagkain dahil sa hindi maipaliwanag
na kadahilanan, eh masarap talaga.
Yun daw yung kahit harangan ka pa ng isan-daang
sibat eh hindi ka papipigil mabili mo lang iyon at
matikman ang pinagmamalaking sarap nya.
At yun din daw yung kahit hindi pa
mabilang na problema ang sumubok sayo
para lang hindi mo yon mabili at matikman
eh gagawin mo ang lahat dahil alam mo
na doon ka magiging masaya.
Alam mo ba kung ano ang Fortune cookie?
Sabi nila ito daw ay isang tinapay na
parang tiniklop at hinulma paikot
sa isang maliit na papel.
Nakasulat daw sa papel na iyon ang
isang advice na makakatulong sayo
at syempre ang kapalaran mo.
Sa tingin mo totoo kaya ang nakasulat doon?
Well, who knows?
Ako, basta sa tingin ko totoo yun . .
Dahil kasi sa tinapay na yun ay nakilala ko siya.
Nagbago ang buhay ko at higit sa lahat
nagbago ang pananaw ko sa salitang ”pag-ibig”!