----------------------------------------------------------
“Another day will come. Be ready all the time.”
-FortuneCookie
----------------------------------------------------------
//Introduction
“And who do you think you are
Running ’round leaving scars
Collecting your jar of hearts
And tearing love apart
You’re gonna catch a cold
From the ice inside your soul
So don’t come back for me
Who do you think you are”
“Hoy, babae tulog pa ang mga kapitbahay kung makabulahaw
ka naman eh wagas na wagas. Anong oras na ba? Madaling araw
palang ah.” Sigaw ng aking masungit na lola na syang bumasag
sa aking pagmumuni-muni habang kumakanta.
“5:55am na po pero maliwanag naman na. Hintayin nyo nalang ang
pagsikat ni haring araw para umaga na talaga.” Sagot ko naman.
Haizt. Badtrip.
Bumangon na ako at kinuha ang kaldero at nag-unab ng bigas. Ugali
ko na kasi talaga ang mag-saing bago gumayak sa pagpasok sa
eskwelahan.
Unang araw nga pala ng klase ngayon. Kailangan ko na namang matutong
makisama at makisalamuha sa mga taong hindi ko naman kakilala. Talaga
sigurong ganon ang buhay, kung ano ang meron sayo pagtiyagaan mo muna,
magsikap ka at pilitin mong mabago ang buhay mo nang sa gayon naman
ay makatikim ka ng sarap at masabi mong “hayy, hayahay ang buhay!”
Ang drama ko noh? Oh siya makagayak na nga . . .
Matapos gumayak at kumain ay umalis na ako ng bahay. Naglalakad
lang ako palagi papuntang kanto kung saan naroon ang pila ng maraming
motor. Malapit lang ang bahay namin sa may kanto mga limang bahay lang
ang pagitan.
“Mamang driver sasakay po.” Tumawag na ako ng mutor na masasakyan
para magpahatid sa eskwelahan na aking pinapasukan.
“Saan ka ineng?” Tanong ni mamang driver.
“Sa Sporks Academy lang po mamang driver.” Tama ang nabasa nyo sa
Sporks Academy nga ako nag-aaral. Isa itong paaralan para sa mga
![](https://img.wattpad.com/cover/34244480-288-k837dd6.jpg)