Chapter 4: Don't Scare me

233 9 3
                                    

Nang makalipas ang ilang oras na pagtatrabaho ilang at finally lunch na, tumayo ako sa kinauupuan ko para makita ang wall clock tiningnan ko ang orasan 11:57 am na.

''Bestie, tapos ka na?'' tanong ko kay Angela.

''Malapit na, wait mo nalang ako.'' nakalingon padin sya sa laptop nya na patuloy sa paagtatype at halatang busy sya sa ginagawa nya.

''O sige, Tapusin mo muna yan. Sandali lang ha punta muna ko sa restroom.'' paalam ko sa kanya at hindi na sya sumagot at lumabas muna ko at hinanap kung saan ang restroom.

Libot ako ng libot dito sa loob ng company pero mukhang naliligaw na yata ako hanggang sa may nakita akong isang bakanteng pintuan doon sa pinaka sulok sulokan ng building nito at hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Sa ngayon nasa 6th floor parin ako ng building na to' pero mukhang tagong tago itong pintuan na ito. Medyo na cucurious ako na gusto ko malaman kung ano ang laman ng loob.

May naririnig akong konting ingay sa loob na parang may kumakaluskos sa mga pader at pintuan medyo kinikilabutan ako. Dahil sa naririnig kong ingay sa loob at hinawakan ang door knob bubuksan ko na dapat iyon ng biglang may humawak sa balikat ko.... O.O

''AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!'' napatili ako at napatakip sa tenga dahil narin sa takot.

Hindi ko alam kung sino ang humawak sa balikat ko pero imbes na tumakbo ako napayakap ako sa kung sino man ang humawak sa balikat ko. Dahil sa sobrang takot ko. OA man pero matatakutin talaga ako.

Hindi ko pa nakikita ang itsura nya pero nakayakap lang ako ng mahigpit sa kanya.

Nang medyo nawala na ang ingay sa loob tiningnan ko na kung sino ang nakayakap ko. o____O

''S-sii-r'' nauutal na sabi ko at agad naman akong kumalas sa pagkayakap at inayos ang aking damit at buhok.

''What are you doing huh?'' tanong nya at nagpamulsa. Napayuko naman ako.

''Ah Sir, hinahanap ko lang po ang restroom.''nahihiyang sabi ko

Nang pagkatapos kong masabi iyon narinig kong bumukas ang pinto na kinatakutan ko, at agad akong lumingon pero walang tao.

I gulped. ''Sir, I have to go.'' Nagpaalam narin ako ng maayos dahil sa takot dahil bigla bigla nalang bumubukas ang pintuan ng walang tao. ohmayghad O_O paano nangyare iyon?? shemay jusmiyo susmaryosep ispirito santo ginoo! sabi ko sa isip ko.

Paalis na ko ng bigla naman akong hinawakan ni Sir sa braso at napaharap ulit ako sa kanya at bumalik sa pwesto namin kanina. Nasa likod ko pa rin ang bukas na pinto ang patuloy na naririnig na mahinang pagkuskos sa loob.

''Wait, Wag na wag ka na ulit pupunta dito malapit dito sa door na ito or papasok. Or else-'' Pagkasabi nya at lalo akong kinilabutan at nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Hindi ko na sya pinatapos magsalita baka kung anong katakutan lang ang sabihin nya. bastos lang eh noh? pero ayoko talaga, hell please.

''Sir, wag naman po kayong ganyan.'' sabi ko at napayuko ako.

''I'm just warning you and don't ever tell this door to anyone.''

Pagkasabi nya at bigla nalang may kumakalabit saakin. 0_0 Oh dude, wala namang ganyanan. Utang na labas! bayabas! bat ganto ang nararamdaman ko?! Huhuu. feeling ko babagsak na puso ko sa takot shems! Paki-expain, maiiyak na ko sa takot dito.

I gulped ''AHHHHHHHHHHHH-'' and screamed

''HOY MISS!'' napatigil naman ako.

Paglingon ko isang janitress lang naman pala. -_- bumuntong hininga ako,

INHALE.....

EXHALE....

''Hay nako naman manang eh, papatayin nyo ata ako sa takot eh.'' napahawak naman ako sa dibdib ko grabe ang lakas ng tibok ng puso ko at medyo pinawisan ako dun.

''Nililinis ko lang naman miss yung loob eh ano po bang meron?'' tanong ni manang na halata sa reaksyon ng mukha nya na nagtataka.

Sumingit naman si Sir Alexander sa usapan.

''Don't ask some non-sense questions and just do your job or else.'' sabi naman ni Sir sa janitress at tinitigan ito ng masama. ''You know what will happen.'' umalis na yung janitress dala dala ang mga mop, walis at kung ano ano pang mga panlinis. Alam na nya siguro ang sasabihin ni Sir.

''And you, what the heck you're still doing here huh?'' tanong naman nya sakin at napayuko dahil sa kahihiyan at katakutan.

''Sorry Sir'' at umalis na sa harapan ni Sir Alexander. Hindi nako sa kanya magtatanong hahanapin ko nalang ulit yung janitress kanina at tatanong kung nasaan ang restroom at tatanungin ko na rin sa kanya kung anong meron doon sa loob ng pintuan na iyon.

Hay nako. Hindi ko mapigilan ang pagiging tsimosa ko. Pero syempre joke lang di ako tsimosa ahm, curious lang ako.

Ayoko rin namang tingnan din yun ng mag-isa kasi nakakatakot baka kung ano pa ang meron doon sa loob.

Umikot ikot nalang din ako agad para hanapin yung janitress pero naalala ko nga pala mag la-lunch kami ni Angela kasama yung si Chloe. Para makilala nila ang isa't isa. Tsaka ko nalang tatanong yung about dito sa pinto.

Bumalik na ko sa office para naman i-check si Angela kung tapos na ba sya doon sa ginagawa nya. Hindi narin ako nakapunta sa restroom hindi na pala ako naiihi.

"Hey bestie are you done?" paglapit ko sa kanya. Siya naman mukang seryoso at malalim ang iniisip. Hindi ako pinansin. Ano kayang nangyare sa babaeng toh?

"Geh! Wala ako dito eh. Invisible ako Nice Talking sayo ah?" Ganun pa rin sya parang walang narinig hindi pa rin ako pinansin.

Pinuntahan ko naman si Chloe na patayo na sa swivel chair nya. "Hey Chloe, sabay tayo mag la-lunch diba?" sabi ko sa kanya.

"Ayy Oo nga pala pero hindi ako makakasabay sayo ehh kaya next time nalang ah?" Pagkasabi naman nya noon at umalis na agad sya.

Huh? ang weird talaga ano na ba ang nangyayare? Ang busy naman nila masyado. Hayy bahala na nga ako nalang mag-isa.

Lumabas nalang ako at nag elevator papunta sa 3rd floor ng canteen. Bibili nalang ulit ako sa Vendo Machine na iyon at sana naman ay ayos na yung machine na yun. May topak kase yon eh. Kung tao talaga yun matagal ko nang inupakan yun, pati ba naman kase hot chocolate ko pinagdadamot pa.

Nung nasa tapat nako ng machine naghulog ulit ako ng pera at bibili naman ako ng in-can na softdrinks at pagkatapos ko namang nakuha yon at agad ko ng binukasan. Buti nalang din at mukhang ayos na toh.

Habang iniinom ko yung softdrinks nakita ko na naman yung lalaking nakatayo sa isang pinto di ko na naman makita ng malinaw. Siya din ata yung nakita ko sa tapat ng office at dito sa vendo machine nung kani-kanina lang.

Tumalikod nalang ako at naglakad at hindi ko nalang pinansin iyon hindi ko kase kilala yung lalaki at hindi ko rin maaninagan ang itsura nya. Nakakakot ano kaya yon? alien? zombie? multo? kapre? tikbalang? manananggal? o guni-guni ko lang yon? Haaaays kung ano ano na naman ang iniisip ko. Baka stress lang ako.

Sinubukan kong tingnan ulit yung lalaki na nakatayo kanina. Nakatayo pa rin sya. Napatigil ako sa paglalakad. Bat ganon pag nasa malayo sya bat parang lahat sa kanya black? pati ata mukha nya black pero hindi ko naman makita. Medyo nasa madilim lagi sya na part pumupunta.

Pinikit ko muna saglit ang mata ko at kinusot kusot. Kung totoo ba yun o guni-guni ko lang talaga. Haaay hindi ko ma-explain. Ang weird

Pagkadilat ng mata at tingnan naman ang pinto kung saan nakatayo ang lalaki pero wala na ito ngayon. Huh? anggulo. Baka nag hahallucinate lang ako.

Hindi ko na pinansin iyon at nawalan na rin ako ng ganang nag lunch. Kumain rin naman ako kanina. Tsaka wala akong kasama kumain. How sad nga naman

***

(A/N:)

Just comment your reactions and vote!

Thanks~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1111111111111111111111111111111111111Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon