Beleted pebertdi te.Napuno ng mga malalayong kamag-anak at samu't saring tao ang aming kabahayan. Inaabangan ang paglabas ko upang mai- celebrate ang ika 18th birthday ko.
Kaba at saya ang naghahalo sa sistema ko.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga upang mabawasan ang kaba. Nakatingin lang ako sa salamin at hinihintay ang pag tawag sa akin. Ang Uncle ko ang escort ko dahil matagal nang wala ang papa ko.
"Kakatawag lang ng photographer ni Nicole, hindi raw makakarating dahil masama ang pakiramdam pero may proxy naman siya, paparating na" anunsyo ni ate Jen-jen kay mama na kausap niya.
"Oh, sige bahala na. Simulan na natin" pag-aapura ni Mama.
Andito kami sa ikalawang palapag ng bahay kaya kailangan ko pang bumababa obviously noong tawagin na ako as birthday celebrant.
I'm wearing black dress with silver curves and lines. Pinili ko ito para elegante.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung gaano kadami ang mga tao sa paligid.
"Oh, picture muna" utos ni mama habang namamaypay sa gilid.
I was about to face the camera when a sudden blows of air happened. Sumipol ang malamig na hangin na siyang sumayaw sa aking buhok kaya natakpan ang aking mukha. Pagkatanggal ng buhok sa mukha ko, nakuha ang atensyon ko ng nagsisiliparang talutot ng bulaklak na Diasy. It's my favorite flower pero hindi ko matandaan na May tanim kami nito. Mahilig sa bulaklak ang parents at lola ko pero sigurado akong wala kaming tanim na Diasy.
Ang puting talutot nito kasama ang bilog na dilaw ay sumasayaw kasama ang hangin.
Wind of petals
Saad ko sa aking isipan.
"Oh tingin dito." Humarap ako sa camera. Ang paningin ko ay nasasa camera lamang. "Say eighteen" he commanded.
"Eighteen"
Napapikit ako sa napaka liwanag na flash. Putik sakit sa mata.
Puti lamang ang aking nakikita. Noong unti unting nakabawi ang aking paningin napasigaw ako ng mapagtantong nasa kakaibang lugar na ako.
"Hey, what's wrong?" Saad ng di pamilyar na lalaki sa akin.
Magkaharap kami. Naka barong siya at slacks ata. Noong inilibot ko ang aking paningin nalaglag ang panga ko ng makita kung gaano kadami ang mga taong nanunuod sa amin. Nasa loob kami ng simbahan, magkaharap at magkahawak ang isang kamay ang isa niya namang kamay ay nasa aking pisngi.
"May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Kanina ka pa kasi namumutla" puno ng pag-aalala ang kaniyang tono.
"Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyayari...?" I gasp dramatically. Pagbaba ko ng tingin ay nanalambot ang aking tuhod ng makitang naka sout ako ng bridal gown. Ang kaninang itim at pilak na gown ay napalitan ngayon ng puting trahe De buda. Ikinakasal ako sa lalaking ito?
Sino siya?Bumalatay ang lito na May kaunting saya sa kaniyang mukha.
He once again caressed my face. He's looking at me lovingly, as if madly in love. Kahit sa maiksing panahon na nakita ko ang lalaking ito hindi maipagkakailang ramdam ko ang saya.
"Dala ba ito ng iyong pagbubuntis?" Tila lutang na wika niya.
Ako buntis? Wala nga akong boyfriend!
"Sinong buntis?" Nagsalubong ang aking kilay.
Humalakhak siya gamit ang mababa at malalim na boses. Shoks nakaka in-love. "Oo, mahal ko. Dinadala mo ang magiging anak natin. Nasa simbahan rin tayo, kinakasal" malambing niyang saad.

YOU ARE READING
Wind of Petals
Short StorySa pag ihip ng hangin mga talutot ng bulaklak ay tatangayin.