What? Taga dito din siya?
"Weh?" sabi ko. Eh nakakapagduda eh. O baka naman sunod lang nang sunod sakin to at pinagtitripan ako? Aba. Wag lang syang magtangka. Masasapak ko talaga siya nang di oras.
"Oo nga. Ayaw mo bang maniwala? Gusto mo isama kita sa bahay namin? Oh tara."
Hinawakan niya yung braso ko pero agad ko naman yung inalis.
"Tumigil ka nga. Bahala ka sa buhay mo. Eh ano naman kung magkapitbahay tayo?" tapos lumayo ako sakanya.
"Eto talaga... Ang sungit sungit!" tapos bigla ba namang pinisil ng loko yung pisngi ko! Ugh ano ba!
"Ano ba!" sabi ko.
"Bakit?" tas nakangisi siya.
Nakakainis naman to! Hay grabe. Unbelievable. Buti nalang nandun na kami sa tapat ng bahay bago ko pa siya masapak.
"Umuwi ka na. Dito na ko." sabi ko.
"Ah. Dito pala. Sige. See you tomorrow, Miss Sungit - este Miss Sydelle." tapos nag bow ang loko at tsaka umalis.
Nakakapagtaka naman. Ang weird niya. Alien ba to or what?
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, agad akong kinamusta ni mama.
"Oh, nak. Andyan ka na pala. Kamusta ang school?"
"Okay lang po..."
Lumapit siya sakin. "Oh anong nangyari sayo? Parang medyo wala ka sa sarili mo? May nangyari ba?"
Napakapangit ng rason ko. Nawawala ako sa sarili ko dahil yung classmate ko ay taga dito din sa subdivision namin? Walang kwenta. Napaka-lame. Napakababaw.
"Ah, wala po. Pagod lang siguro ako." pagsisisnungaling ko sa mama ko.
Pero mukhang di sya naniniwala.
"Sydelle, ano bang problema? May problema ba sa school, sa sarili mo...? Ano? Sabihin mo."
Nahihiya akong sabihin sakanya! Ugh. Pano pa to?! Bakit ko pa ba kasi nakasabay yung Brayden na yun! Kung di ko sya nakasabay hindi naman magkakaganto eh. Hayy kainis! Mula sa school hanggang sa bahay pineperwisyo ako!
"Eh kasi naman ma...."
"Kasi...?"
"May classmate ako na taga dito din satin."
"O. Eh di maganda."
"Pero kasi..."
"Ikaw talaga anak napaka-anti social mo. Kaibiganin mo sya since magkalapit lang naman kayo. Hindi ba pabor sayo yun?"
Hindi po! Hinding hindi! Never! Yung pagiging magkapitbahay namin, magiging pabor sakin? Hindi po.
Pero hindi ko masabi yang mga bagay na yan sa mama ko.
"Ay ma wag niyo nalang ako pansinin. Okay lang po ako. Akyat na ako sa kwarto." pagkatapos ay umakyat ako at nagpalit ng damit tapos diretso higa dahil sobrang pagod ako ngayong araw.
Napag isip isip ko... Ano ba talaga ang ugali ni Brayden? Mabait ba siya? O demonyo? Ano?! Di ko na maintindihan eh. Minsan gusto ko maging mabait sakanya pero pag nagiging mabait ako sakanya, sumasama ang ugali niya. Pero pag sumasama ang ugali ko, minsan bumabait siya, pero kadalasan, nagiging triple yung kasamaan.
Pero lahat naman ng mga nagagawa ng tao sa kapwa nila, may rason diba? Kung may rason si Brayden, ano naman kaya yun?
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Ms. Perfect
Teen FictionWorry about your character and not your reputation, because your character is who you are, and your reputation is only what people think of you.