| chapter 6 : denial |

46 5 1
                                    

| chapter 6 : denial |

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

| chapter 6 : denial |



MAKARAAN ang ilang sandali ay tila ba nagkusa na ang aking mga paang tumayo at maglakad palayo sa activity center. Paulit-ulit na naglaro sa isipan ko ang mga pangyayari ilang buwan na ang nakalilipas. Paulit-ulit kong naalala ang mga panahong parang pinagkaitan ako ng buong mundo dahil sa sakit na aking naramdaman.

Paulit-ulit kong naisip ang mga pagkakataong ginawa ko ang lahat upang maibsan ang labis na kalungkutan.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. I was hopeless. That painful heartbreak almost destroyed me. I was abandoned by the person I loved the most.

Paulit-ulit na naglaro sa isipan ko ang mga salitang natanggap ko mula sa kaniya—ang sandaling ginawa ko ang lahat upang manatili siya. In the end, he chose not to stay. He told me that his feelings were gone and yet, he's here asking me for a second chance? Dapat ba akong magalit?

Namalayan kong palayo na ako nang palayo mula sa activity hall. Wala ni-isa sa kanila ang nagtangkang sumunod sa akin bagay na ikinagulat ko. Marahil ay alam nilang kailangan ko munang mapag-isa at makapag-isip-isip. I wasn't ready for that.

Sinasabi ko noon sa sarili ko na handa na akong harapin si Yanlee, months after the breakup, but the moment I figured out that he's one of us, parang awtomatiko akong nagkaroon ng doubt sa kung papaano ako makikisalamuha sa mga taong kasama ko, knowing that the person who gave me the most painful feeling is here, with us.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagtakbo hanggang sa matanaw ko ang isang playground na siyang nasa loob pa rin nitong resort na kinaroroonan namin. Sa dulo ng playground ay may mga fences na siyang humaharang sa lugar. Tanaw na tanaw kasi rito ang dalampasigan ngunit mas mataas ang kinaroroonan nitong playground na kinaroroonan ko.

Namataan ko ang isang bakanteng swing kaya naman dali-dali akong umupo doon hanggang sa namalayan ko na lamang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan ko sa loob ng ilang buwan, tila ba apektado pa rin ako sa mga pangyayari.

I feel so dumb and weak that it made me close my eyes and wipe away my tears. Masyado pang maaga para mag-drama. Feeling ko, pinag-uusapan na nila ako doon sa venue hall at parang nahihiya na akong bumalik pa doon dahil baka isipin nilang I'm a walk-out kind of a person.

"Gusto mo?" Nagulat ako nang bigla akong makarinig ng boses sa gilid ko kaya naman dali-dali akong nagmulat at nakita si Claude na nakaupo na sa kabilang swing.

Akala ko'y kung ano ang iniaalok niya sa akin ngunit napansin kong isa pala itong panyo. I bet he's offering me that handkerchief because I am crying. Alam ko na 'tong eksenang 'to, eh. Pero bakit naman sinundan niya pa ako rito? Wala ba siyang balak na mag-participate sa activity?

"No'ng bata ako, palagi akong inaasar ng mga kaklase ko kasi sipunin daw ako. Madalas daw akong makita ng mga kaklase ko na may tumutulo na sipon kaya isang araw, nagsumbong na ako sa nanay ko hanggang sa araw-araw na niya akong pinababaunan ng panyo kahit na wala naman na akong sipon," natatawang pagkwento ni Claude bago sapilitang kinuha ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang panyo na hawak niya.

Escaping Paralysis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon