Chapter 3

5 0 0
                                    


==Riese POV==

Pagkatapos nga ng klase ay nagkita- kita kaming magkakaibigan. Sa bahay na daw nila Laurize

kami pupunta, pero bago iyon ay nag punta muna kami sa isang store para bumili ng mga kakailanganin namin mamaya. Kanya- kanyang kuha ang mga bruha at ang pinakamalupitan nilang kalokohan ay pinapili ang cashier ng atm card at kung kanino ang mapili ay sya ang mag babayad. "Kuya pili kana dali!!! kung kaninong atm card ang mapili mo sya ang magbabayad" ngiting- ngiting sabi ni Ava. " Go kuya hihihihi wag yung card ko ha?! tignan mo naman kasi yung binili nila ..nahiya pa! hindi nalang binili ang buong store!" natatawang sabi ni Hara na ikinatawa din naman ni kuyang nagcacashier. Ilang sadali pa ay pumili na si kuya ng card mula sa nakataob at nakahilerang atm card ng mga luka. Hindi sila pumayag na ilabas ko ang ATM card ko at sila na lang daw. Hindi man halata pero may pagsakukuripot ang mga ito , minsan nga kung magpustaha limang piso o sampong piso eh labag pa sa loob.

"yes!" "yehey!" "nice one" "WHAT?" sabay-sabay nilang sigaw na ikinatitig ko naman. "WHY? Why kuya? I told you wag ako ang bunutin mo huhuhuhuhu my money" paiyak na sabi ni Hara. Kahit naka cap ito ang face mask halata paring ang pamumula niya dahil sa inis. "Pay-up girl! serves you right biruin mo iniwan mo kami kagabi? bayad bayad din" pang iinis ni Aby kay Hara na lalo pa nyang ikinapula. "Che! whatever! Magbabayad na magbabayad na!" palatak sa pagtawa ang mga kasama ko dahil sa pamumula ni Hara.

Matapos ng ang eksena ng mga ito sa store ay pumunta na kami sa bahay ni Laurize. "what to watch ? what to watch ? tanong ni Ava habang lahat kami ay nakapag linis at nakaupo na. " Harry Potter tayo... miss ko na manood nun eh" sabi ko sa kanila. Sumang ayong naman sila at dito nagkatalo talo kaming magkakaibigan magkakaiba kasi kami ng houses pag dating dito. Ako at si Hara ay Gryffindor, si Laurize naman ay Ravenclaw, si Ava ay maka hufflepuff at si Aby ay maka Slytherin. Habang nanonood kami ay may biglang tumawag sa cellphone ko.

"hello?" sagot ko habang nakatingin parin sa TV. " *sob!* A..ate Clariese si Mommy!*sob!* wala na si mommy" hagulgol nang kapatid ko sa kabilang linya. Para akong tinakasan ng lakas, pilit akong niyuyugyog ng mga kaibigan ko habang kinuha ni Aby yung cellphone ko na nahulog. Hindi ko na alam ang nangyari basta nakita ko nalang na nasa ospital ako at nakatingin sa walang buhay kong ina.


Napuno ng iyak ang kwarto, nakikita ko pang si Aby ang nag aasikaso ng mga papeles habang hawak at inaalo ni Ava ang kapatid kong si Regina at si Laurieze naman at lumabas ang narinig ko lang ay tubig at si Hara naman ay kinakausap ako pero wala naman akong maintindihan. Bakit ganun? bakit pati si mommy? Napapagod na ako ... nahihirapan na ako...wala na akong pera pambayad sa ospital ngayon pati pagpapalibing.... ano nang gagawin ko? unti-unting nagdidilim ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


= Hara POV=

Habang pilit kong kinakausap si Clariese ay bigla nalang itong nawalan ng malay. Sabi ng doktor sobrang stress, pagod, at puyat kaya nawalan sya ng malay. Habang nakaupo kami ay inaayos na ni Aby lahat ng kailangan para sa pagpapalibing sa mommy ni clariese. Alam naming nahihiya na sya samin. But this time kami naman ang magpupumilit, alam naming walang -wala na ito at hirap na hirap na kaya kahit alam naming ayaw niya ay nagtulong-tulong at nag ambagan kami sa lahat. Alam naman namin na kung kami naman ang nasakalagayan niya ay hindi rin naman niya kami pababayaan. Si Regina , kapatid ni Clariese ay senior high school na. kanina parin ito umiiyak at naaawa narin sya sa ate niya. Hindi alam ni Clariese na nagsiside line din si regina sa pag gawa ng thesis o project ng kaklase. Minsan kumakanta rin ito sa isang bar para magkabaon at bawasan ng kahit papaano ang bills ng mommy nila at pambayad ng tubig sa bahay. Ang alam lang ni clariese ay galing sa baon ni regina ang ipinang babayad nito ng bill ng tubig sa bahay niya o nagkukusang kumuha si regina ng pambayad ng bill sa wallet niya. Ang ilaw na man ay si clariese mismo ang nagbabayad. Makikita mo rin kay Regina ang pagod , lungkot at sakit pero alam naman naming lahat na mas mabigat at masmasakit ang nararamdaman ni clariese lalo na't nawalan ito ng trabaho, sya nadin ang umaako ng malaking resposibilidad para sa pamilya at ang biglaang pakikipag hiwalay ng matagal nitong kasintahan na sobra nitong minahal.

"Regina, sumama ka muna kay ate Aby mo para maayos ang burol ng momy niyo. Wag kang mag alala kami na ang bahala sa ate mo. Pag okay na sya susunod na kami ha?" tango lang isinagot ng dalaga at lumapit kay Aby." Ingat kayo Aby ha.. yung bata... Andun na din daw si mommy tumutulong na" sabi ni Ava na ikinatango ni aby.


"Sana kayanin niya pa ang lahat nang to Hara. Naaawa na ako kay clariese. Baka kung saakin nangyari ito, hindi ko alam kung kakayanin ko pa"   naiiyak na sabi ni Laurize habang nakatitig kay clariese.


"Lets pry for her. Hindi naman natin sya iiwan at pababayaan. Kaya niya yan nandito lang tayo lagi para sa kanya" sabi ni Ava.


matamang tinitigan ko ang aming kaibigan. Tahimik nananalangin at humihingi ng gabay upang sana kayanin at malagpasan ito ng aming kaibigan.

"Kaya nya yan smalakas yan eh." Natatawang sabi ni Laurize na parang sakanya niya rin sinasabi ang huling binigkas niya.

Sana nga

.

.

.

.

Sana nga

***********************************************************************************************  Arawchieeee .... sakit naman niyan girl...

sorry po sa late update medyo naging busy this past few days...

to all the readers, thank you po ulit!!!!!

ps. credits po sa author ng harry potter ..im a big fan ...love love...

The Promise of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon