1

2 1 0
                                    

Talaarawan Bilang 1:

Magandang gabi!

Sa totoo lang tinatamad ako. Sa lahat ng bagay parang tinatamad ako.

Nasa ABM strand ako ngayon, pero wala akong hilig sa business. Pinili ko lang to kasi yun yung sabi ng parents ko. Mabuting anak ako eh. Kaya sinunod ko kahit hindi ko naman gusto, lahat naman ata ng strand di ko gusto hahaha.

Nakita ko yung mga kaklase ko nung JHS kanina. Ang saya nila, parang walang problema. Natanong ko din sila kung decided na ba sila sa course para sa college. Sabi nila sakin oo na. Sana lahat di ba?

Isa ako sa pinakamagaling sa klase sabi nila pero sa totoo lang isa din ako sa mag-aaral sa loob ng silid namin na hindi alam kung anong daan ba yung gustong tahakin. Para akong ibon na lumilipad lang kasi kailangan pero wala talaga akong destinasyon na pupuntahan.

Wala akong talento, hindi rin ako magaling sa kahit ano. Hindi ko nakikita yung sarili ko sa kahit na anong trabaho. Minsan nga iniisip ko, parang napag iiwanan na ako.

Gusto ko sanang makita ang mga bituin ngayon, pero maulap parang nakikisabay sa nararamdaman ko ngayon. Haha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TalaarawanWhere stories live. Discover now