Nasa canteen kami ng mga kaibigan ko at kumakain ng NOVA . At nakita ko si ben na may kasamang babae . Masaya sila kaya ako ay medyo nagselos . Tinanong ko ang mga kaibigan ko kung sino ang kasama niya ay hindi ndin nila alam ,,, kaya nagbiro ng lang ako ng palapit na sila.
"Hi BF akala ko ba sabay tayong mag snack meron ka na palang kasamang iba ... sige una na lang ako ."
Umalis na agad ako at iniwan na ng mga kaibigan ko..
"Akala ko ba gusto mong manligaw sa kania ehh akyo na pala"
"Haaa?? ...heheheh...akala ko nga ehhh.."
"Haaa??? ano??? ewan ko sayo. Bili na nga lang tayo"
Paglipas ng ilang araw ....ay field trip na namin . Sa gitna ng biyahe ay tumabi sa akin si Ben.
"Ano ang sabi mo0 sa akin noon sa canteen?"
"Wala yun biro lang yun"
"Talaga lang ahhh, ehh crush mo nga ako ehh"
"Ewan ko sayo"
Bigla na lang kaming natahimik at dun ko nalaman na nakatulog pala siya . Dahil sa galaw ng ng bus kaya siya napasandal sa balikat ko . Tinangal ko ang ulo niya sa pagkakasandal pero bumabalik pa rin eto na parang magnet.Dahil sa lubak kaya siya nagising bigla . At siya ay nakatingin sa akin.
"Nandito na ba tayo?"
"Oo"
Grabe ang ganda talaga sa puerto princesa. Ang lamig ng simoy ng hangin , parang paraiso sa ganda..
----------------------------------------------------
Hapon na at nagtatayo na kami ng tent nina Emma at Edelyn ng may dalawang lalaking lumapit sa amin at bigla na lang tumulong sa pagtatayo ng tent.
"Hi Emma , Hi Edelyn , tulungan ko na kayo " sabi ni Marco .
"Hoy Kim ....hindi maganda ang paglagay mo sa tent " sambit ni Ben , na parang sino kung makautos.
"Alam ko....at ano ba ang ginagawa mo dito ??"
"Diba nga may crush ka sa akin ?"
"Oooouuiiiieeee!!!!>..."sabay pa tong mga baliw kong kaibigan.
"SAgad naman ang talaga ang kapal ng mukha mo noohh..!!!mawalang galang na lang no , pwede ba na umalis ka dito ?"
At umalis naman ang makapal ang mukhang feeling gwapo na yun.
"Ahh Kim, tulungan na kita .."
"Sige salamat "
Buti pa tong isang to ,, pero hindi ko talaga siya type ehhh...oo nga mejo gwapo siya pero hindi ehh..