Chapter 1

41 0 0
                                    

CHAPTER 1

"Ate! Mamili ka, iiwan ka naming dito sa sasakyan o gigising ka"

Napasampal ako ng mahina kay Heather nang sigawan niya ako. Bastos talaga nito eh!

"Epal mo" Inirapan ko s'ya.

Nakarating na pala kami dito sa port dito sa batangas .Ewan! Muka tuloy akong nag cutting sa suot kong uniform. Pagkatapos ko kase magdrama sa school kanina dumiretso na kami dito. Mag ba-barko kami ngayon since dala naming yung sasakyan, di daw kase pwede iwan sa manila. 24hrs ata kami dito bago makababa sa Kalibo, tapos may ilang oras pang biyahe papunta sa bahay ni Lolo.

Nakahiga ako ngayon sa upper bunk at tulala sa kisame habang nakikinig sa isang phone ko na puno ng downloaded songs, si Heather ang ingay kung mag basa ng libro akala mo may tinatawag na kaluluwa. I sighed, nagugutom ako! Wala naman akong makain kase mamaya pa ang dinner. Nasa roofdeck sila mommy at daddy at naiwan kami dito para mag bantay ng gamit.

"Hoy! Lalabas ako" Sabi ko sakanya at bumaba sa kama, muntik pa nga ako mauntog sa kisame!

"Oo! Kahit wag kana bumalik"

Inirapan ko nalang siya at tuluyang pumunta sa roofdeck. May bar doon at mini stage, perfect pang walwal! Nakita ko sila mommy and daddy na tumatagay ng beer habang nag pi-picture, nainggit tuloy ako. Napasandal nalang akosa railing at tumingin sa baba. Madilim na at wala na rin akong makitang ilaw sa malayo. Kainis! Hindi ako makapag online kase walang signal dito.

"Inday"

I flinched, si mama lang pala!

"Iniwan mo si Heather dun?" Tanong niya.

"Ma, nag tatawag ng multo bunso mo" Sagot ko at napatawa naman siya.

"Okay ka lang? I heard that you and Owen broke up" Nag aalalang tanong niya.

"Chinika b ani Heather? Ma, okay lang kami ni Owen" I lied.

She trust Owen so much. Lagi niya nga akong kinukulit na mag pakasal na kami after ng college, ever since highschool suportado nila kami. Minsan nga, kapag nilalagnat ako pinapapunta siya palagi ni mama kase hindi nila ako mabantayan dahil sa work.

"Why do you like him so much?" Tanong ko.

Mom sighed. "I saw my first love on him, same pa sila ng pangalan. He was a brave and a strong soldier, pagkatapos ng gulo ikakasal na sana kami, he even promised to come back, I waited. Nag hintay ako para lang malaman ko na kinuha na s'ya ng diyos sakin"

Tears started to filled her eyes, I hugged her and let her cry on my arms. Naalala ko tuloy, kapag umiiyak ako kase nag away kami ni Owen lagii niya akong niyayakap, yakap lang pagkatapos yayayain niya ako kumain.

"Wag ka nga umiyak! Papangit ka" Sabi ko sakanya at bumitaw sa yakap.

"I knew you two broke up, di mo naman kailangan itago samin" She replied and smiled at me. "Move on na! marami pa jan"

Tama! Marami pa! Tinanggal ko yung moon necklace na niregalo sakin ni Owen last year at inabot iyon kay mama.

"Bakit?"

"Benta mo"

Natawa siya sa sinabi ko.

"Give it to someone! Sa pinsan mo baka gusto niya" Binalik niya sakin yung kwintas.

Oo nga naman, baka gusto ni Mav.

Kakatapos lang naming mag dinner, meatballs ang ulam naming kaso nakulangan ako kaya bumili pa ako ng cup noodles. Si Heather picture ng picture pang insta niya daw! Tinamad na din ako mag walwal kaya humiga nalang ako hanggang sa makatulog ako.

My First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon