Nagising ako sa sigawan ng mga tao, katulad kanina ay hindi ko iminulat ang mga mata ko. Nakikinig lang ako sakanila dahil galit na galit ang dalawang pamilyar na boses, bahagya kong iminulat ang mga mata ko sapat na para maaninag sila.
Si mama.
"Hindi magagawa ng asawa ko iyang binibintang ninyo! Gumagawa lang ng kwento ang batang iyan, hindi magagawang gahasain ni Ernesto ang sarili niyang anak!" galit na galit na sigaw ni mama.
"Anong gusto mong iparating ha, Cynthia? Na nagsisinungaling si Nympha?! Jusko naman, sarili mong anak hindi mo pinaniniwalaan! Lumabas na results ng test ni Nympha, may PTSD siya!" Natigil ako sa pakikinig dahil sa doon, napabangon ako kaya napalingon sila saakin. Masamang masama ang tingin saakin ni mama, parang kung wala dito si tita Victoria ay napatay na niya ako.
"A-ano po yon? Ano po iyong PTSD?" kinakabahan pero natutuwang tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa, siguro dahil kapag hindi nalunasan ang sakit ko ay makakapag pahinga na'ko?
Biglang pumasok ang doctor na nag-asikaso saakin kanina, nagulat pa ito dahil sa galit na ekspresyon ng mga tao sa paligid. Palihim akong napangiti dahil masasagot na ang tanong ko.
"Dr. Rizal L." Basa ko sa pangalan ng doctor, nakadikit iyon sa uniporme niya kaya nabasa ko.
"Yes? may kailangan ka Ms. De Jesus?" Tanong nito.
"Ano po iyong PTSD?" pilit kong tinatago ang excitement sa boses ko dahil baka mahalata nilang gustong gusto kong magkasakit.
"O iyan nga ang ipinunta ko dito, ok i'll be honest. Post traumatic stress disorder or PTSD is a psychiatric disorder that may occur in people who have experienced or witnessed a traumatic event such as a natural disaster, a serious accident, a terrorist act, combat, or rape or who have been threatened with death, sexual violence or serious injury. And base sa kinikilos mo kanina noong tine-test kita ay matagal ka ng maryoong PTSD." mahaba niyang paliwanag.
"N-nakakamatay po ba ang PTSD doc?" tanong ko pa.
"Nympha!" Sigaw ni tita saakin, sigaw na hindi galit ngunit nag-aalala.
"Yes, 29 percent ang namamatay sa mga may kasong ganito." sagot niya, napatakip naman ng bibig si mama kaya nabaling ang tingin ko sakanya.
Kanina ay tuwang-tuwa ako dahil nalaman kong may sakit ako, aminado akong gusto ko ng magpahinga pero bakit parang natauhan ako bigla? Nakita ko ang pag-aalala ni tita Victoria ng tanungin ko kung nakakamatay ba ang sakit na iyon, may mga tao pang nag mamahal saakin.
"Iwan nyo po muna kami ni mama." Utos ko sa kanila, napatingin saakin si mama malambot ang ekspresyon na saakin.
Buong buhay ko ay ngayon ko lang nakita si mama na hindi masama ang tingin saakin, minsan ay walang emosyon at madalas naman ang galit na tingin saakin.
Lumabas naman sila ng kwarto, nakatingin lang ako kay mama. Hindi niya alam ang gagawin saakin, gusto niya akong hawakan pero umiwas ako tingin.
"Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko, ayaw kitang paniwalaan." natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang mga salitang iyon galing mismo sa sarili kong ina.
"Binayaran mo ba iyong doctor? magkano? Wala ka talagang kwenta--"
"Kelan ba ako nagkaroon ng kwenta sainyo, ma?" Pagpapatigil ko sa pagsasalita niya, nakakapagod na.
"Wag mo akong sagot sagutin, Nympha sinasabi ko sayo. Kahit nasa ospital ka malilintikan--" hindi ko nanaman siya pinatapos, tumayo ako para harapin si mama.
"Kailan mo ba ako pinaniwalaan mama? Buong buhay ko hindi ko naramdamanan na naging ina ka saakin, ni hindi ka nga naging proud saakin! Kahit tawagin akong "anak" hindi mo magawa, at ngayon mama? Sinasabi mo saakin iyan?" Tulog tuloy na tumulo ang luha ko, nakatingin lang siya saakin at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.
"Ma, ginahasa ako ni papa!" Pag amin ko mismo sa harapan niya, kahit umiiyak ay nakita ko pading may luha sa mga mata ni mama.
"At alam mo ba?! Noong mga oras na binababoy ako ng sarili kong ama ikaw.. ikaw ang tinatawag ko! Humihingi ako ng tulong sayo kahit alam ko na kahit pagpapatigil sa ama ko ay hindi mo gagawin dahil hindi mo ako pinaniniwalaan! Hindi mo ako itinuturing na a-anak ma! Pagkatapos akong gahasain ni p-papa kailangan ko pa siyang pagsilbihan dahil natatakot ako na baka kapag hindi ko siya pinagluto ay mapatay na niya a-ako!" Pumipiyok na ang boses ko dahil sa sobrang paghagulgol.
"Gusto lang kitang tanungin ma, noong mga panahon bang pinagbubuntis mo palang ako binalak mo na akong ipalaglag?" tanong ko kahit umiiyak, lumuluha siyang tumango.
"May paraan naman pala ma, bakit hindi mo nalang itinuloy? Bakit binuhay mo pa ako tapos ngayong lumabas na ako dyan sa sinapupunan mo e pagbabantaan mo akong papatayin mo'ko! Hindi mo ba naisip na kada pambubugbog mo saakin ay pilit kong tinatanong ang sarili ko na may nagawa ba akong mali sainyo na hindi ko alam kaya pinaparusahan nyo ako ng ganito?! Pilit kong tinatatak sa isip ko na mahal ako ng mga magulang ko kahit alam ko namang hindi. Kahit pag ngiti saakin ay hindi magawa! Paano kayo nakakangiti at nakakatawa sa harap ng ibang tao gayong ang mismo nyong anak ay hinding hindi nyo bigyan ng kahit katiting na atensyon?" gustong gusto kong ilabas lahat ng hinanakit sa puso ko kaya nasabi ko lahat ng kinikimkim ko.
"Naalala mo ba ma? Noong adviser kita at tinanong mo kami kung anong pangarap namin sa buhay? Gusto kong sabihin na 'Ang tanging gusto ko lang po sa buhay ay ang makalaya sa puder ng mga magulang ko at mamatay.' Pero pinigilan ko, ayokong mapahiya kayo kahit hindi naman nila alam na anak nyo ako. Ako at sila tita Victoria lang ang may alam na anak nyo ako ma, alam nyo kung bakit? Syempre alam nyo ang dahilan! Ayaw nyo akong ipagmalaki dahil para sainyo ay isa akong inutil at walang silbi!.. At mama! Muntik ko ng makalimutan, alam mo bang buong buhay ko ay takot na takot akong gumalaw dahil iniisip ko na baka kapag nagkamali ako ay may balang tumama sa ulo ko. Nakakatawa diba? Ang oa pero kayo ang dahilan kung bakit ayaw ko sa mundo, ayaw ko sainyo at higit sa lahat ayoko ng mabuhay."
Umiiyak lang siya, pilit niya akong inaabot ngunit umiilag ako. Kahit ngayon ang unang beses na gusto niya akong hawakan ng hindi binubugbog ay umiiwas padin ako, masyadong masakit ang mga nangyayari saakin.
"Umalis kana muna mama, magpahinga na'ko." Malamig kong sabi saka humiga, tinalikuran siya.
Narinig ko ang pag-iyak niya ngunit hindi ako lumingon, maya-maya pa ay umalis na siya. Sa mga oras na iyon ay bahagyang nawala ang bigat sa puso ko, nabawasan na ang mga kinikimkim ko. Napabuntong hininga nalang ako saka pinikit ang mga mata.