Sa tuwing may magtatanong sa akin kung kailan ko sinimulang mangarap maging abogado, isa lang ang sagot ko.
Noong nakilala ko siya.
Paano nga ba? Ang naalala ko lang masaya akong makasama siya. Hindi ko 'man siya matulungan sa lahat ng laban niya, kasama niya naman ako sa lahat ng oras tuwing kailangan niya ng taong masasandalan.
Tama, ang pagiging isang abogado ay hindi basta-basta. Sa laki ng gastusin at sa panahong ibubuhos mo, dapat hindi lang isang beses mo pag-iisipan ang malaking desisyon ito. Dahil buong buhay mo, malalaan dito. At kung ito lang ang natatanging paraan para makasama ko siya kahit pa parehas kaming maghihirap, kakayanin ko. Kakayanin namin.
San Beda College of Law, ang unibersidad na parehas naming pinapasukan. Matapos naming magtapos ni Allyson ng BS Enterpreneur, sabay kaming kumuha ng PhilSAT at ng pumasa ay sabay na sumubok mag exam sa maraming Unibersidad na maganda ang kalidad ng pagtuturo sa pag-aabogasya. At mukhang tunay kaming pinapaboran ng mundo dahil sa pangrap naming unibersidad kami natanggap.
Sabay naming sinalubong ang sandamakmak na gawain. Hindi madali. Nakakaubos ng lakas. Mahirap maging isang abogado at hindi ko alam kung bakit ko ba 'to ginusto. Ngunit sa tuwing maalala ko at babalikan kung paanong nabuo ang pangarap kong ito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil ang pangarap na iyon, dinala ako sa kung nasaan ako ngayon. Masaya ako na habang unti-unti na akong lumalapit sa pangarap ko, kasama ko parin ang babaeng hindi ako iniwan sa labang ito.
"Naiiyak ako, Love!" Hindi nawala ang ngiti ko sa labi ng masilayan ang girlfriend kong tuwang-tuwa sa grade na nakuha naming pareho. Sa malawak na field ng Beda, matatanaw mong maraming mga estudyanteng katulad namin ang nasisiyahan sa markang nakuha nila. May iba 'man na hindi, lumalamang ang mga taong nakangiti.
Sino nga ba naman ang hindi sasaya? Isang taon nalang tapos na ang kalbaryo namin sa buhay. Isang taon na lang makukuha na namin ang titulo. Isang taon na lang mababawi na namin ang aming mga pinaghirapan. Isang taon na lang, makakasama ko na si Allyson sa iisang bahay. Na katulad ng pangarap na binuo namin, magagawa na naming tuparin ang pangarap ng isa't-isa dahil sa wakas, makakatapos na kami ng pag-aaral.
Hindi naging madali ang proseso pero masaya sa tuwing matatapos ang semestre na maikita mong nagbunga ang pinaghirapan mo. Masaya ako, masaya si Allyson. Masaya kami dahil kahit gaano kahirap ang dinaranas namin, sinisiguro naming may oras kami para sa isa't-isa. Sa mahigit anim na taon na relasyon, wala na akong mahihiling pa. Lalo na at nandito na kami sa oras na pareho naming hinihintay.
"Class of 2016-2017 Graduate! Congratulations!" Huling pagbati ng Presidente ng San Beda sa aming mga estudyante. Nangingilid ang luhang binati ako ni Allyson. "We survived law!!"
"We made it." Nakangiting sambit ko at hinagkan siya. "I can't believe it! Parang kailan lang sabay tayong umiiyak sa recit ni Atty. Alevaro" Naluluha niya pang dagdag. Hindi ko napigilang hindi matawa. "Ikaw lang naman ang umiyak 'non. Nang damay ka pa"
"Ang epsi mo!" Pataray niyang angil kaya lalo akong natawa. Totoo namang siya lang ang umiyak 'don. Dinadamay niya lang ako para hindi masyadong nakakahiya.
Matapos ang seremonya ay nagcelebrate kaming pareho. Nagpakasaya dahil sa wakas magagawa na namin ang gusto namin. Ngunit bago iyon, kailangan muna naming maipasa ang BAR. Upang masabi at matawag na kaming isang ganap na abogado.
Akala ko magagawa na namin ang gusto namin. Pero sobrang lala pala kapag nasa sitwasyon ka na. Kung sa Law School tripleng pagrereview ang kailangan, sa BAR kulang iyon. Sapagkat buong oras mo ang kailangan. Iisang review center malapit sa UST kami nagrereview ni Allyson. Oo, hanggang dito. Hindi na talaga kami mapaghihiwalay pa kaya kahit saan magkasama kami.