Pov Ashley
“In todays world, many people are free.
Karamihan ng tao sa mundo ngayon ay malaya, at nakalimutan na ang pagiging sagrado lalo na sa mga kababaihan. Sa loob ng isang buwan mahigit 90% ng mga babae ang biktima ng rape and early age pregnancy at murder. Dahil sa iba't-ibang dahilan sa pananamit, pakikisama at marami pang iba. Sinasabi ng ilan mapusok daw ang mga kabataan ngayon, pero paano kung hindi lahat ng kabataan ganon? Alamin natin yan sa mga susunod na eksena” sabay ngiti.Ako si Pleasure Ashley Caldeo. Isa akong extrang actress sa mga pelikula at umaasa na maging bida pagdating ng araw.
Natapos na ang saglit na shoot ko at nagliligpit na 'ko ng gamit ko.
Umalis na 'ko ng studio at naglalakad mag-isa sa madilim at tahimik na lugar habang hawak-hawak ang bag ko. Bigla akong hinila ng lalaki at isinakay sa sasakyan at dinala sa isang abandonadong bahay at inihiga sa kama. Wala akong magawa kundi umiyak at sumigaw ng sumigaw ng “tulong!” hanggang sa may makarinig sa'kin.
Pilit niya 'kong hinuhubaran ngunit naiirita siya sa ingay ko. Kaya hinalikan niya 'ko para hindi ako makasigaw. Nang matapos niya 'kong halikan hindi na siya gumalaw at nagulat ako. Unti-unti siyang natumba at bumula ang bibig at nangisay. Dali-dali naman akong umupo at bakas sa mukha ko ang gulat habang may luha sa mga mata ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi iwanan siya. Inihakbang ko ang paa ko sa baba at tumakbo ako ng mabilis paalis sa abandonadong bahay.
Tumatakbo ako ng mabilis habang umiiyak at bakas pa rin sa'kin ang takot. Hanggang sa makarating ako sa bahay ng Lola ko. Nakita ako ni Lola at agad na niyakap “Apo? Ano ang nangyari?” umiiyak ako habang ikinikwento kay Lola.
Binigyan ako ni Lola ng gatas at habang nakaupo kami ay may luha pa ring tumutulo sa mga mata ko.
“Lola bakit po ganun? Bakit siya namatay? Pinatay ko po ba siya?” habang nakatingin kay Lola.
Umiling siya at hinawakan ang kamay ko “hindi apo, iniligtas ka ng sarili mo laban sa nagtangka sayo” at ngumiti ito. Bumitaw ako kay Lola at uminom ng gatas. “Pero Lola? Bakit po siya biglang nagkaganon?” tumayo si Lola at pumasok sa kuwarto. Pagbalik niya iniabot niya sa'kin ang litrato ng aking mama at papa habang nasa hospital ang papa ko.
“Palagi mo sa'kin tinatanong kung bakit namatay ang papa mo di'ba?” tumango ako “namatay siya dahil sa pagmamahal niya sa mama mo” patuloy akong naghihintay ng susunod na sasabihin ni Lola “hindi 'ko alam kung bakit simula ng mahalin ng anak ko ang mama mo, nagkaroon na siya ng malubhang sakit at walang ano mang panlunas” may luha na lumalabas sa mga mata niya “at kinausap ako ng mama mo noon, hinawakan niya ang mga kamay ko. Ipinagtapat niya sa'kin na may kakaiba sakanya” na-curious ako “ano pong kakaiba kay mama?”
“sinabi niya sa'kin na dahil sa pagmamahal niya sa papa mo, kaya nagkasakit siya. Kaya hiniling niya na alagaan ko ang papa mo at aalis siya palayo”
“nagalit ako apo, dahil sa nangyari. Kinausap ko ang papa mo pero nagmakaawa siya na huwag kong hayaang umalis ang mama mo kahit pa alam niya na ikakamatay niya” umiyak si Lola.
“doon ko rin nalaman na buntis na pala ang mama mo sayo, at napagdesisyunan ko na huwag na siyang paalisin at manatili nalang sa tabi ng anak ko”
Umiiyak na rin ako ng hindi ko namamalayan “habang pinagmamasdan ko ang anak ko kasama ang mama mo sa hospital at kinakausap ka nila sa loob ng tyan ng mama mo, nawala ang galit ko at kapag nakikita kong masaya ang anak ko nagiging masaya din ako” hawak hawak ni Lola ang picture ni Papa at Mama.
“hanggang sa dumating ang oras na nanghihina na ang anak ko, tinawag niya ang mama mo at hiniling na sana sa unang beses mahalikan niya ito”
Humagulgol ako sa umiyak habang nakikinig sa mga kwento ni Lola.
“hinalikan ng mama mo ang papa mo habang umiiyak, at nakangiti naman ang anak ko habang hinahalikan siya ng mama mo, maya-maya bumula na ang bibig niya at namatay” umiyak na din ng sobra si Lola habang inaalala ang nangyari noon.
“lumipas ang 5 buwan nang ipinanganak ka ng mama mo, pagkapanganak niya sa'yo iniabot ka sa'kin ng kumadrona at nang gisingin ko ang mama mo hindi na siya gumigising, namatay siya sa panganganak sayo” hinawakan ni Lola ang kamay ko. “hinihiling ko noon habang lumalaki ka na sana ay hindi ka matulad sa iyong ina, upang pagdating ng araw na magmamahal ka hindi ka mahihirapan” pinunasan niya ang mga luha ko. “pero sa mga narinig ko ngayon, pakiramdam ko hindi ka iba sa iyong ina”
Niyakap ko si Lola habang umiiyak “Lolaa, ibig sabihin po ba hindi ako pwedeng mag-asawa at magka-pamilya?” hinahaplos ni Lola ang likod ko “Apo, mabuti pa huwag na muna nating isipin 'yan ngayong bata ka pa. Marami pang pwedeng magbago” bumitaw ako sa pagkakayakap at kinuha ang picture mula sa kamay ni Lola at umiyak ng umiyak.
YOU ARE READING
Unatural Love
Mystery / ThrillerAshley, is not so famous nor popular actress even she is literally a great and well-known because of her beautiful look and versatile acting, she still manage to refused in the opportunity that sent to her especially when it comes to loveteams. She...