CHAPTER 1

7 1 0
                                    

"Mga hampas lupa gising na!"
Sigaw ng Pinaka-matanda kong kapatid.

Nakakabingi talaga boses nya. Kering keri kahit walang microphone.

Hampasin ko sya ng tambo eh.
Syempre charot lang baka madislocate ang ulo ko ng wala sa oras, alam nyo na.

Ayan nanaman sya, buti natauhan ako hindi na itinuloy ang pagbili ko ng alarm clock,boses palang ng kuya ko kahit saang parte pa yan ng dalawang palapag naming bahay sumigaw tangina abot sa kwarto ko!

Siguro sa megaphone pinaglihi si kuya Everette,ang lakas ng boses!

Malaki din ang pakinabang ng bibig nya ha.

I'm still sleepy,Napuyat ako kagabi kakanood ng sari-saring palabas sa Netflix. Di ako nanonood ng bold ha,hindi talaga,hindi ako tinuruan ni kuya na nahahanap daw yon sa google. Bat ko naman malalaman yon? Bad kaya yon.

"Gising na ko!" Sigaw ko,hindi ko lang sure kung rinig yon sa ibaba,hindi naman kasing lakas ng boses ni kuya ang boses ko.

Hihikab hikab akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para maligo.Pagkatapos kong gawin ang aking mga ritwal ay bumaba na ako para kumain. Naka oversized t-shirt ako na kulay black at maluwag na may medyo kahabaang short,hindi ito lagpas sa aking tuhod.

Nabutan ko si kuya Everette na nagsasandok ng kanin habang walang pang-itaas na suot at kagat-kagat pa ang isang pandesal na nagtutuluan na ang palaman. Sumandal ako sa hamba ng pinutan ng aming dining area.

Shet gwapo talaga ng kuya ko pwede ng pang commercial ng happy meal sa jollibee.

"Alam ko na yang iniisip mo princesa,hindi ako pang commercial lang ng happy meal sa mcdo ha! Umayos ka! Sa yummy kong to"

"Kuya sa mcdo ba yon? Akala ko sa jollibee--"

"Sa mcdo yon! Jusko dadalhin nga kita don minsan,palagi ka kasing sa karinderya nakain eh afford naman natin ang kumain sa mga fast food chains"

"Eh mas mura kasi don kuya at tsaka mas masarap"

"Oo na alam ko naman yon,ang akin lang ay itry mo namang mag explore ng iba.Palagi ka nalang dyaan sa karinderya ni aling fekfek nakain eh"

Inismiran ko sya at dumiretso na ako sa aking usual spot,sa tabi ng upuan ni kuya caelum.

"Kuya nasan ang iba?"

Naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang titig sa akin. Kinuha ko ang mga nakapatas na plato sa kanyang harapan.

"Mga tulog pa! Jusko mga kapatid mong batugan! Lagi pinagpupuyatan ang chix o kaya naman ay panonood ng bold kaya mga tanghali nang gumising! Akala mo nama'y may malaking naiiambag sa ekonomiya yon! Basagin ko mga betlog nila eh"

Napatawa ako sa sinabi nya. Palagi nalang yang highblood dahil kaming dalawa lagi sa aming labing-isang magkakapatid ang palaging maagang nagigising. Ang ending dahil lagi syang nauuna sa aming lahat na magising ay sya na din ang nagluluto para sa aming lahat.

Good boy kasi tong kuya kong to eh. Sya lang ata ang allergic sa mga chix,minsan nga naiisip namin na bakla sya,minsan narin namin syang natanong tungkol don at paulit-ulit lang ang pag tanggi nya na kesyo lalaki daw sya. Ayos lang naman kung bakla sya no,edi parehas kaming baliko. Sayang nga lang ang maganda nyang lahi pagnagkataon.Well,lalaking lalaki naman syang kumilos
,nakapagtataka lang talaga ang hindi nya pagkakaroon ng girlfriend sa edad nyang iyan,ni crush ay wala syang naikekwento sa amin.

He's 25 years old,A licensed
Civil Engineer.

At oo tama kayo ng nabasa.

Labing isa kami.Literal na gumawa ng isang basketball team sila inay at itay. Hanga na talaga ako sa lakas na taglay ni itay at sa petchay ni inay. Grabe hindi tumigil hanggat hindi nakakabuo ng babae.

TAMEDWhere stories live. Discover now