25

9 1 0
                                    

"Abeoji.. Abeoji.." tawag ni Nathalie sa walang malay na ama habang pinipilit itong gisingin. Kanina lang ay masaya silang nag-uusap ngunit maya-maya'y bigla na lamang itong natumba at nawalan ng malay.

Tumawag ito ng tulong at agad namang pumunta sina Iris sa kwarto ni Phoenix. Nanginginig ang mga kamay ng dalaga at halos hindi ito makapag-salita sa sobrang takot.

"He's dead.." sambit ni Aciel ng i-check nya ang leeg nito.

Pinagmasdan ni Iris ang paligid para makakuha ng ebidensya sa nangyari. Napansin nya ang basag na baso at kaonting alak na natapon sa sahig.

Tiningnan nya rin si Nathalie na nakatulala lang sa bangkay ng kanyang ama.

"What's happening here?" Victoria appear in the scene, nakasunod naman sa likod nya sina Jean at Kira.

"V, Phoenix is dead." -Iris.

Hinanap ng mga mata ni Victoria ang asawa at nang makitang nakahandusay ito sa sahig ay agad nya iyong nilapitan. Pinakiramdaman nya ang dibdib nito para alamin kung tumitibok pa ang puso nya ngunit walang maramdaman kahit mahinang pintig.

"No.. no please." Victoria couldn't hold back her tears as she tried to revive him, she started pumping his chest using her both hands but nothing happens.

Napataas ang sulok ng mga labi ni Kira nang makita ang eksena at napansin ni Jean ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

Nilingon ng agent ang katabi at hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya.

Kira rolled her eyes, "Did you think I did that?" she lowly asked.

Jean whispered, "Ikaw lang pud ang may balak patayin si Mr. Jung."

Lumakad palayo sa kwarto ni Phoenix ang dalaga at agad naman syang sinundan ni Jean.

"Tell me Jean, what's your basis? Halos magdamag mo kong binabantayan since that kiss." Kira smirk and crossed her arms.

Halos isang linggo na ang nakalipas nang mangyari iyong eksena sa kusina at sa buong isang linggong iyon ay hindi nawawala ang paningin ni Jean sa agent, lalo na kung gagawi ito sa kwarto ng dating mafia.

Alam nyang may binabalak si Kira.

"Hindi ko alam kung pano mo nagawa yon--"

"Because it wasn't me. Wala kang proof na ako ang gumawa, and you keep stalking me for pete's sake Jean."

Totoo naman ang sinabi ni Kira na wala syang matibay na basehan. Hindi rin naman ito makakilos ng ayos dahil palagi syang sinusundan ni Jean.

Kailangan nya ng pruweba.

Chineck nito ang hallway at nang may makitang camera ay agad syang pumunta sa computer room para tingnan ang CCTV footage bago mangyari ang insidente.

Naabutan nya si Sandra na naroon na at kasalukuyang pinapanood ang footage. Pareho silang nabigla nang makita sa screen na bitbit ni Nathalie ang baso ng alak papunta sa kwarto ni Phoenix.

Ilang minuto lang ay muli rin itong lumabas ng kwarto at tumawag ng tulong.

Tiningnan din ni Sandra ang footage sa kusina at malinaw na si Nathalie din ang nag-salin ng alak sa baso.

Sinuri nya pa ang mga nakaraang footage para tingnan kung may gumalaw sa alak pero wala naman syang nakita.

Napansin ni Sandra na may isang missing na footage, at iyon yung araw na nakita ni Jean si Kira na may ilalagay sanang gamot sa alak pero napigilan nya ito.

Jean was the one who erase the footage since ayaw nyang makita ng iba ang nangyari sa kusina. But then, it hits her. Paano kung inilagay ni Kira ang gamot nung iwan nya ito?

Pero wala syang matibay na ebidensya dahil binura nya ang footage na yon. Jean silently cursed herself for being careless.

"What do you think Jean?" Sandra asked.

"Boss?" tugon nya dahil di nya narinig ang tanong nito.

"Do you think Nathalie killed Phoenix?"

"Imposible pud yan Boss."

"May iba ka bang pinag-sususpetyahan?"

Mabilis na umiling si Jean dahil hindi sya sigurado kung inilagay ba ni Kira ang gamot sa alak. Hindi pa rin nila alam kung anong dahilan ng pagkamatay ni Phoenix. Everyone were thinking that he was poiso at sa alak inilagay ng salarin ang lason.

Still, they need to check the whiskey to confirm.

"Everyone is a suspect here Jean. The killer can be close to the victim. Who do you think it is?"

Hindi umimik ang dalaga dahil si Kira lang ang naiisip nyang gagawa nito. Hindi magagawa ni Nathalie ang binibintang sa kanya.

"You came here to have some proof right?" tanong ni Sandra.

"Opo, Boss."

"Then who do you think it is?"

Jean sighed, "I - Hindi ko po alam."

Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon