Si Sofie at Rance close sila, super close. Sa pagiging close nila madalas napagkakamalan silang mag boyfriend pero ang totoo magbestfriend lang talaga sila. Sa sobrang sweet nila madalas din pagselosan ni Micka si Sofie. Wala lang naman para kay Micka yun kasi normal lang na sweet sila kasi nga magbestfriend pero hindi din niya maiwasan. Masaya si Micka para kay Sofie atleast nakahanap si Sofie ng boy bestfriend nahanda siya patawanin tuwing umiiyak siya. Madali lang para sa kanya iwasan yung selos na nararamdaman niya.