Chapter 5 "Batanes 2"

10 3 0
                                    

"Ah miss?"

Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako sa kanya. God Kaleigh ang landi mo!

"Kilala mo ba si Mikki Gonzaga?" Tanong ko kay kuya. Kasi sabi ni Mikki sabihin lang daw ang pangalan niya at alam na ng nga driver kung saan siya naka tira.

"Ah oo si Mikki, tara ikaw yung bisita niya diba?" Tumango ako sa kanya.

"By the way ako nga pala si Paulo pero pako ang palayaw ko dito" Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya naman iniabot ko rin ang kamay ko.

Shake hands 👐

"Akin na ang mga gamit mo" Kinuha niya ang mga gamit ko at inilagay sa likod ng tricycle niya.

Sumakay na ako at nag simula na kaming bumyahe. Natatanaw ko ngayon ang ganda ng Batanes nakangiting kinukunan ko eto ng mga litrato at video.

"Maganda dito sa Batanes miss mag eenjoy ka dito, teka first time mo dito?" Tanong sa akin ni Pako.

"Ah oo, may dahilan kung bakit ako nandito" Yun ang sinabi ko kasi ayaw ko munang makipag usap sa kahit na sino.

Ang ganda ng Batanes. Bigla ko tuloy naalala si Kyle kung kasama ko siya ngayon hindi rin matigil sa pag kuha ng litrato knowing that Kyle is a great photographer.

Hayst siya nanaman.

"Alam mo miss maganda dito mag stay lalo na kung may gusto kang kalimutan" Natinag ang tinga ko sa sinabi niya.

Napansin niya siguro ang pag katulala ko.

Paano nga ba makalimot?

"Paano nga ba makalimot?" Bahagya siyang ngumisi at umiwas ng tingin.

Teka ang tagal naman yata naming makarating sa bahay ni Mikki?

"Ayayay pag-ibig?" Tanong neto sa sarili.

Ginogood-time ba ako neto?

"Dapat hindi dito sa Batanes ang pinunta mo, Kung pag-ibig nga yan masasagot ang pag limot sa Sagada Mt. Province"

"Ayoko dun gusto ng magandang view at peace of mind kaya please tahimik at ibigay mo sa akin ang hinahanap ko" kakaloka talaga tung bwesit nato!

"Peace of mind? Ah so broken ka nga?" Psh isa nalang at tatalon na ako dito. Ayoko ng marinig ang sasabihin niya pa.

"Sa bagay lahat ng babae mangiiwan a----"

What th----?!

"Uy uy sandali babae mangloloko?" Turo ko sa sarili ko as a example of a girl.

Makakabingo to sa akin naiinis na ako!

"Yes kasi hindi nyo alam kung tama bang saktan ang feelings namin." Argh! Ang kapallllll

"Excuse me hindi ba kayong mga lalaki ang mahilig mang iwan ha" Sabay cross arm at konti nalang ipapara ko na ang tricycle niya.

"Naranasan mo bang masak---"

"Oo dahil niloko ako ng taong akala ko mahal ako" Bwesit! Kailan ka pa natutong maging open sa ibang tao Kaleigh?

Nakita ko siyang natahimik sandali.

"Kaya wag mo akong questionin dahil pasahero mo lang ako!" Mahinang sigaw ko at tumingin sa labas.

"Batanes is just a place kung saan makakahanap ka ng taong mabubuti, pero ang Sagada? Sagada the place where you are free to scream all of your pain kasi walang makakarinig sayo doon"

Aba! Parang sanay masaktan ah bakit ano bang alam neto? Bwesit!

Di ako umimik at nakarating na kami sa bahay ni Mikki.

Bumaba na ako at isa isa namang ipinasok sa loob ni Pako ang mga gamit ko.

"Kaleigh!!!! Buti nakarating ka ng maayos" Niyakap niya ako ng mahigpit at ang dahilan ng pag ngiti ko.

"Oo, Mikki ang ganda dito" Masayang sabi ko.

"Kaleigh pala ang pangalan mo" Singit ni Expert pag dating sa love chee!

I jus rolled my eyes sa epal nato!

"O pako ikaw pala ang driver niya Haha Kaleigh si Pako kaibigan ko" What the---kaibigan nya yan?!

(=0_0=)

"Really? Kaibigan mo pala tung expert sa lovechubachuchu"

Hindi ko mapigilan ang inis ko ngayon.


"Yang kaibigan mo Mikki may problema sa pag-ibig HAHAHA" Tawang tawa ah. Psh

"Tung--" Akmang babatukan ko na siya ng kunin ni Mikki ang kamay ko.


"Hihihi pasensya kana Pako sege umalis kana" Sumakay na si Pako sa tricycle niya at umalis narin.

Hay sa wakas wala nang asungot.

"Kamusta ang biyahe mo?" Tanong sa akin ni Mikki ng makaupo kami sa sofa nila.

Maganda ang bahay nila Mikki hindi semintado pero maayos at maganda naman ang pag kakagawa ng kahoy.

"Okay naman ang ganda dito sariwa ang hangin" Sabi ko. Inabutan ako ng juice ni Tita Leslie. "Thanks Tita"

"You're welcome buti naisipan mong mag bakasyon dito"

"Ah kasi po nag tratravel po ako mag papahinga lang ako sa saglit dito sa Batanes at sa Batangas naman ako"

"Ah ganon ba iha? Maraming tanawin dito sa Batanes" Yun nga ang pinuntahan ko dito e.

"Hali na at kakain na!" Anyaya ni Mang Roli.

Tatlo lang sila sa bubong na to nag iisang anak ni Tita si Mikki at si Mang Roli naman ay nakakatandang kapatid ni Tita.

Masaya kaming nag hapunan nina Mikki.

----------

Kinabukasan-

Maagang nagising ako at unang natanaw ng mata ko ang view sa kilid ang bintana.

Wow.


Kinuha ko phone ko para kunan eto ng litrato. At ipost sa IG ko. At may napansing bagay.

Anak ng!

"Mikki!!!!!"

SAGADAWhere stories live. Discover now