Hera ikaw na ba yan? Wow laki nag pinagbago natin ah. Kamusta ka na ba? Walang hingang sabi nya. At dahil feeling close sya at ang ganda-ganda ko talaga, tinignan ko sya na medyo mula tuhod,siko hanggang mukha.
Oo ako nga to, at pinagbago? Parang wala naman. Kilalang kilala mo pa nga ako eh no? Ok lang ako, ikaw ba, parang wala ka ring pinag bago ah, hanggang ngayon maitim kapa rin. Sabay tingin sa relo kong mas makintab pa kompara sa mga ngipin nya. If you'll excuse me, I have an appointment with my dentist to make sure that my set of teeth are still beautiful as I do. Bye. Sabay ngiti ng mapakla katulad niyang hampaslupa at rumampa papalayo sa kanyang mukhang kasing tigas ng dalikdik sa kanyang batok na malaswa. Dinaig nya pa ang mga models sa trying hard niyang porma. Awtz ang sakit ko naman mag salita. Pwe,bakit totoo naman ah.
Tulad nga ng sabi ko sa panget na yon, pumunta talaga ako sa dentist ko. Wala, mayaman kasi kame at maganda ako. Nang nasa loob na ako ng clinic hindi ko mapigilang maibalik ang nakaraan. Bakit kayo lang ba marunong mag flashback? Matalino kaya ako, at ikaw hindi.
flashback...
5 years ago,
Ok class, introduce yourself to your clasmates. Sabi ng guro namin sa English. First day of school namin ngayon at dahil accelerated ako 10 y/o pa ko nasa Grade 7 na ako. So bali ang mga kasama ko ngayon mga alipores ni Picacho at Doreamon. In short mga Olds. Na bigla ako sa katotohanang maganda ako. Yun ang paniniwala ko.
Hoy panget, pakilala ka daw! Tss panget na nga nag dday dream pa. Sabat ng isa kong matabing na kaklase. Mataba na kambing. Pano puro nguya ng buble gum yung nalalaman kaya lahat ng hangin pumupunta sa tiyan niya. Tiningnan ko lang siya ng masama. Wala eh, he deserves it.
Bakit ang sama mo kung maka tingin dyan ha? Maganda kana nyan? Sabi nya pa sabay ngisi ng abot eardrums sa kaka inat ng ngala-ngala nya.
Bagay lang sayo titigan ng masama, ansama kasi ng mukha mo kuya. Di ko alam bakit sila nagtatawanan. Wala naman akong may sinabing nakakatawa ah.
Alright you guyz, that's enough. Let's continue. Ms? Sabi ng Teacher sa kanila. Buti nga sa kanila mga hampaslupa. Sumbong ko pa sila sa mom ko eh!
Annyeonghaseyo, jeoneun Scherazade Del Rio eyo. Gumabsumnida. Nginitian ko sila ng napakalapad at umupo.
Ms. Del Rio, right? This is an English subject and Not a Korean one so please introduce yourself in English. Sabi ng mat-up kong teacher. Matandang puro make-up. Mwahahaha.
Teacher if it wasnt because of your lousy teaching they should'hve understand what I'm saying. Aba, pasalamat sya at maganda ako anu. Hindi ako pumapatol sa mga gurang tulad nya.
Anu pa nga ba ang reaksyon ng isang normal na guro sa mga katulad kong maganda. Edi wow!
Hoy ikaw babaita ka! Feeling maganda ka ata ah! Sigaw ng isang lalaking puro buhok. Sabay tawanan ng mga kampon niya. Mga asungot sila. Drumroll ko mga bilbil nila eh. Vacant namin ngayon kasi busy raw ang mga teachers namin para sa parating na Founders day ng school.
Bakit ba, atleast ako may ipagmamayabang. Sabat ko naman sa kanila. Aba, paninindigan ko ata tong kagandahan kong 'to anu.
Aba, sumasabat ata siya sayo pare ah! Nubayan! Kantyaw ng isang kalabaw na puro bigas ang mukha. Di ko sila pinansin at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Ng may nabangga akong isang UFO. Unidentified Flawless Object. Ay hindi pala sya bagay. Kami ata ang bagay. Pareho kaming makikinis. Pag angat ko ng aking mukha sa direksyon nya, Omeged ito na ata ang sinasabi nilang Love at first sight.
Nubayan, may laman ka pa ba niyan miss? Ang sakit mong maka bangga ah! Puro ata deadly weapons yang katawan mo miss. Siya habang inaayos ang kanyang nagusot na uniporme. Shit, ang Tigas nya ah! Tigas ng pag mumukha niya!
Hoy tika lang mister Electricfan, sa pagkaka alam ko po eh kayo ata ang nakabangga sakin anu. Kaya wag mo kung ma ddeadly weapon d'yan. Baka ikaw nga ryan ang may deadly weapon eh. Tignan mo nga yang siko mo. Kulang nalang matusok yang tagiliran mo eh! Sigaw ko sa kanya para intense. Pwe, gwapo sana mukha nga lang Praying Mantis. Bahala ka nga jan! Paalis na sana ako sa harap nya pero natigilan ako ng hinawakan nya ang aking braso at kinabig ako sa gilid ng hallway. Marami ng tao ang naka tingin samin. I so love the attention. Useful rin to, kahit papano dadami na ang makakakilala at makakaalam sa kagandahan ko.
Hoy ikaw babaeng puro bakod ang ngipin, kung ako electricfan, eh ikaw anu ka? Aircon? Mahangin ka rin anu. Pareho lang tayo kaya wag kang mag alala. Kung may unang papatayin man ako gamit 'tong mga siko ko, malamang ikaw na yun. Sabay bitiw ng namumula kong braso. Wala ata tong GMRC ah. Ang bastos. Bakla pa ata. Pumapatol pa sa babae.
Iniwan nya nalang ako basta na naka awang ang mga bibig. Shit sya, mag sasalita pa sana ako, kaso naunahan pa akong mag walk out. Bakla sya!