Chapter 1

3 0 0
                                    

Napakalungkot ko ngayong araw. Inilipat ako ng mga magulang ko sa isang State University dito sa Bukidon. Sa Manila talaga ako nag-aaral kaso dahil sa isang aksidente, biglang nagbago ang buhay ko. Ipinatapon nila ako dito kung saan malayo sila. Nakakalungkot mang isipin na isang sem na lang sana second year na ako pero minadali na nila paglipat ko e. Papunta na ako ngayon sa bago kong eskwelahan. Hindi naman nakakalungkot masyado kasi nandito din naman ang dalawa kong bestfriend na si Ariella at Lance. Sana mapatawad na ako nila mama at papa. Sana bumalik na sa dati ang buhay ko.

Ako nga pala si Alexa Ysabel Diaz. First year nursing student. Ginusto kong mag-nursing kasi ang kuya ko ay doctor. Inspirasyon ko siya sa lahat ng bagay. Hindi man ako ang paborito nila mama, at least si kuya, ako ang kanyang paborito. May dalawa akong bestfriend na dito rin nag-aaral. Sabi nila dati nung naghiwalay kami paglatapos ng graduation sa senior high, dito na raw sila mag-aaral kasi dito naka-locate  ang bagong business ng kanilang pamilya.. Business partners kasi kanilang mga magulang. Si Lance Cervantes ang pinaka close ko kasi bata pa lang kami, kakilala ko na siya. Si Ariella Castaneda naman or Ari for short, nitong senior high school ko lang naging bestfriend.

"Sab, dito!" sigaw ni Lance pagkakita sa akin. Nginitian ko lang sila at pumunta na sa kanilang kinalalagyan.

"Welcome to your new environment Sab!" energetic na sabi ni Ariella. Napaka talaga niting babaeng to.

"Kamusta naman ang byahe mo Sab?" tanong ni Lance habang kinukuha ang mga libro ko. Nakasanayan ko na talaga na si Lance ang nagdadala ng mga libro ko. Kahit nung elementary pa kami. Hindi ko naman siya mapipigilan kasi tigas ng ulo nun e.

"Okay lang. Nakakapagod nga eh. Blockmates ba tayo?" Kinakabahan kong tanong. Eh kasi, wala pa kaya akong kakilala dito kaya ayokong mawalay sa kanila.

"Wag kang mag-alala sab, ginawan na ni Lance ng paraan. Isang smile niya lang dun sa secretary, blockmate ka na namin." natatawang sabi ni ariella na parang inaasar si Lance

"Shut up Ari." seryosong sabi ni Lance. Ang kj talaga nitong Lance eh.

"Tara na. Pasok na tayo sa room." putol ko sa kanila baka mag-away na naman to dito.

Hindi masyado kalakihan ang building ng nursing dito pero pwede na din. Kakaunti lang din daw ang mga estudyante na nag-aaral ng nursing dito. State University tong napasukan ko pero mukhang mayayaman din tong mga student nurses na nag-aaral dito.

Habang paakyat kami, biglang tumigil si Ari saktong pagbaba nung dalawang lalaki na nakasalubong namin at pagtingin ko kay Ariella, mukha siyang natatae

"Natatae ka ba Ari?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"Hayaan mo na yan Sab. Una na tayong umakyat. Nakita niya lang ang crush niya" naiiling na sabi ni Lance sa akin.

Malapit na kami sa room namin ng biglang kaming napahinto dahil sa sigaw ni Ariella. Sabay namin iting tiningnan  ni Lance, at ang gaga, pulang-pula ang mukha at ngumingiti pa

"Sab! Nakita mo ba yung dalawang lalaki na nakasalubong natin!? Sila yung mga matatalino dito sa college natin! First sa ranking si Ian, pangalawa itong si Lance, at pangatlo ang bebeloves ko na si Yves! Ang gwapo ni Yves bes! Classmate din pala natin silang dalawa. Aaaaah. Gwapo nun e" tuloy-tuloy na sabi ni Ariella yun at pagtingin ko, wala na sa tabi namin si Lance. Ambobo e, iniwan ba naman kami.

"Tara na nga Ari. Talande mo e." sabi ko at naglakad na papunta sa room namin. Di naman ako nahirapan kasi may mga label ang mga rooms dito.

Naupo na kami ni Ari at nasa gitna nila ako ni Lance. Sa may likod din kami banda nakaupo. 15 minutes nalang ay magsisimula na ang klase. Tahimik lang kaming tatlo habang nagbabasa sa libro. Fundamentals of Nursing kasi ang subject namin ngayon eh. Naalala ko pa na sinabi nila Lance na napaka terror ng clinical instructor namin sa subject na ito. By the way, first year, second sem na pala ako lumipat dito sa university. Pumasok na din sa room yung Ian at Yves na sinasabi ni Ari at sa may unahan sila nakaupo. Matatalino nga kasi sa unahan nakaupo.

Pumasok na si ma'am at palinga-linga ang kanyang tingin. Pucha! Baka ako na hinahanap nun

"Class, may I know who is the transferee here?" tanong niya at swear, napatingin silang lahat sakin kasali na yung dalawang sinasabi ni Ari. Kinakabahan akong tumayo at isa pang swear, naririnig ko ang mahinang pagtawa ni Ari at Lance kasi alam nila na ayoko ng ganuting klaseng atensyon. Jusq mahabagin. Kinakabahan akong tumayo pero wag ka, smile pa rin si ate mong girl.

"Good afternoon Ma'am. I am Alexa Ysabel Diaz from UST po." I said it pero nanatili akong nakatayo kasi di pa ako pinapaupo e.

"Okay Ms. Diaz. Why did you transfer here?" daming tanong ma'am. Nahihiya na ako huhu.

"My parents transfered me here po because of personal matters po." I said and smiled at her.

"Okay Ms. Diaz. The nurse is preparing to take vital signs in an alert client admitted to the hospital with dehydration secondary to vomiting and diarrhea. What is the best methid used to assess the client's temperature?" Pucha again and again! Tiningnan ko si Lance at binigyan niya lang ako ng assuring smile.

"Axillary po ma'am" I answered and swear, kinakabahan ako.

"Good. You may sit now Ms. Diaz" Nag thank you lang ako kay ma'am and umupo na rin. Hinawakan ni Lance at Ari ang kamay ko to make me feel na I did well today.

Nagpatuloy na ang discussion ni ma'am at ang galing niyang magturo. Thankful ako sa mga kaibigan ko kasi walang palya na  pinaparamdam nilang proud sila sa akin lalo na si Lance na hanggang ngayon, patago pa rin hinahawakan ang kamay ko. Napangiti na lang din ako sa idea kahit hirap na hirap ako sa pamilya ko, may mga kaibigan naman akong ginagawang madali ang lahat para sa akin.

5 pm na ng matapos ang klase namin at palabas na kami ng room. Nakikinig lang kami ni Lance sa mga kwento ni Ari ng biglang may nakabangga ako.

"Hala sorry" sabi ko habang tumatayo. Tinulungan naman ako ni Lance at ang gagang si Ari, wala man lang pakialam sa akin kaya pagtayo ko, babatukan ko na sana si Ari kaso nakita ko siyang nakaturo sa harap ko. Pagtingin ko nakita ko yung matalino kong classmate na sinabi ni Ari. Nalimutan ko ang pangalan e.

"Hala sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Di ko kasi kayo nakita e." sabi ko ng nakatingin ng diretso sa kanya.

"Ian, pasensya na. Di sinasadya ni Sab." sabi ni Lance.

"No, okay lang yun kay Ian. Diba Ian?" sabi ng kaibigan niyang si Yves. Ian pala name niya. Naalala ko na. Tumango lang si Ian at naglakad na rin kami paalis nila Lance habang si Ari, kinikilig na naman ang gaga.

"Alexa!" may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko si Ian ang nakita ko.

"Eto lapis mo, nahulog" sabi niya at dali-dali ko naman itong kinuha at nagpasalamat sa kanya

Kumain muna kami nila Lance at Ari bago umuwi sa apartment namin. Isa lang kami ng apartment tatlo kasi gusto naming magkakasama lang kami. Okay lang din naman kay Lance kahit siya lang ang lalaki kasi sanay na siya sa amin ni Ari. Natulog lang kami ni Lance pag-uwi pero magkaiba aming kwarto ha. Baka akalain niyo. Samantalang may kausap pa sa telepono si Ari, mama niya siguro.

zzzzZzzzz

Against All OddsWhere stories live. Discover now