Chapter 1

36 3 1
                                    

Joeboy's POV

First day of classes ngayon, nag-enroll ako sa di kalakihang school pero maraming matututunan. Ako nga pala si Joeboy Martinez, ang pamilya ko ay politician, pero humble ako ./. Joke. Mayabang talaga ako, brutal, mapangapi, mapanglait at higit sa lahat gusto ko ng mga poging LALAKI. Oo bakla ako, pero di pa ako umaamin sa aking pamilya dahil papagalitan ako ng bonggang bongga. Kahit masama ugali ko minsan ay may takot ako lalo na sa mga magulang ko.

"Hoy nunal! Halika nga dito."

"Bakit baks?" sabi ni Ruth.

"Wala lang namiss kita!" Charr. Sabay hampas sa kaibigan niya. Siya si Ruth Vinas ang aking kaklase mula nung grade 6.

"Hiyown! Namiss kami ni Joeboy!" sabi naman ni Mikee Abalos ang botchog kong kaklase.

"Haller Joeboy!" sabay sabunot saakin, siya si Lyka ang mukhang daga kong kaklase.

"Oh ayan na ang panginoo!" sigaw ko dahil paparating na si Paula Jacob ang kaklase kong malapad ang noo.

Pero kahit na ganyan syempre magaganda sila, hindi pwedeng sumama sila sa isang tulad ko na mala dyosa ang ganda.

*bell rings*

Pumila na lahat ng studyante sa aming half court para mag flag ceremony. Bongga nga eh may bagong mga school mates na gwapo *u* Emergessh.

Napaisip ako parang may kulang saamin. Sa pagiisip ko.... may lalaking pumukaw ng aking paningin.

Nagulat ako nang may bumatok saakin.

"Huy gaga bakit mo ako binatukan?" sabi ko sabay hampas ko din sakanya, siya si Kyla Corre ang kaibigan kong di na makita sa dilim (pero slight lang). Oo nga siya yung kulang -3-

"Panira ka ng moment may pogi akong nakita eh." bulyaw ko sakanya.

"Uy sino?!" sigaw ni Lyka.

"Puta wag sa tapat ng tenga ko!" sabi ko kay Lyka ang ingay kasi!

Hindi ko na nasabi kung sino yung poging nakita ko dahil nagsimula na ang flag ceremony, pero buong flag ceremony nakatingin lang ako sa lalaking pogi. Shet ano kayang pangalan niya?

Paul's POV

Ako si Paul Pacion, transfery dito sa school na ito. Galing ako sa Taguig dahil sa family problem, basta yun! Ayoko ng drama.

"Pst. Ano pangalan mo tol?" wow maka tol to wagas.

"Ako si Paul Pacion, Paul na lang."

"Ah. Ako nga pala si Aaron."

"Okay." narinig kong bumulong si Aaron sa katabi niya.

"Medyo snobby." napaWOW nalang ako.

May pumukaw na tao sa paningin ko. Tao siya hindi kabayo. Akala ko nga mala-KPOP lang pumorma pero biglang nag-beautiful eyes saakin na sobra kong ikinagulat kaya tumingin sa iba. Pansin ko siya lang pa-gay dito.

Nakakailang na tuloy tumingin doon kasi napapatingin siya saakin, pero sa mga kahanay nung bakla napansin kong may magaganda din pala. Siguro next time malalaman ko din ang pangalan nila.

At nagsimula na ang flag ceremony.

_______________________________

Konti lang muna yung chapter 1! Salamat sa pagbabasa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gender Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon