***
Louise Pov
Nakatunghay ako ngayon sa harap ng napaka Guwapo niyang boss. Hinihintay ang sasabihin kung bakit ba siya nito hinahanap ngunit parang walang balak ata itong kausapin siya. Dahil simula nong umalis yung Impaktang Ex nito ay mukhang tulala ito na parang hangin lang siya dito. Kung ganon edi aalis nalang siya wala naman palang kailangan ito sa kanya ba't pa siya pina punta dito. Kainis na ha!
"Ahm sir, If you don't mind, Ba't nyo po pala ako pinatawag'? Lingo po kase kaya dapat ay rest day ko po." Magalang na tanong ko habang tulala parin ito sa mesa nito. Kakangalay na tumayo ang sarap lang batukan ha. Sabi na lamang ng isip niya.
"Ohh, Im sorry i forgot Miss Bonifacio. Di ko na napansin ang presensya mo. Sorry."
Talaga lang ha? hindi mo talaga napansin na kanina pa ako nakatayo sa harap mo? ang sarap mo talagang batokan kung pwede lang. Kainis kana as in. Aniya ng isip kong naiinip na rin dahil sa Parang tanga siya kung maghintay ng sasabihin dito tapos sasabihin lang nito na hindi napansin ang Presensya niya? aba't napaka walangya.
"Pano mo naman kase ako ma nonotice kung ang isip mo ay nasa mukhang paa na impakta na yon." mahina lang ang sabi ko dahilan para tumingin ito nang diretso sa kanya habang naka kunot ang noo.
"I heard you miss Bonifacio. It's not what you think okay,?" Pag sisiguradong sabat nito habang mataman na nakatitig sa kanya.
Siya naman ngayon ang napa kunot noo dahil sa sinabi nito. Eh ano naman ang paki niya kung totoong iniisip nito ang Ex nito. Wala siyang paki no? Hmmmm. Wala nga ba? Sabat nanaman ng lintik na isip niya nagugulahan na siya. Grrrr.
"Ohh Sorry sir, but may i know sir if bakit po bigla bigla niyo po akong pinatawag."? Tanong ko nalang habang iniiwas ang tingin sa mga matang mapanuri nito.
"Ahm, it's all about you miss Bonifacio. I just want to know if how's your work here"? Is it too pressure? Sabihin mo lang para ma adjust natin ang mga Commercial mo para hindi ka mahirapan." Sabi nito sa mahinahong tinig. Ramdam niya ang sensiridad nito ngunit hindi na lamang siya nagpahalata na apektado siya.
"Wala naman pong problema sa mga trabaho sir, tiring minsan ngunit okay lang dahil nakakapag pahinga naman po ako after ng mga Shoot." Sagot niya na parang ginaganahan sa mga trabaho. Bumuntong hininga muna ito bago magsalita."Okay, By the way. I want you to come with me tonight as my Partner. Im in a Business party so i want you to be with me dahil kapag wala akong kasama andami na namang aaligid na mga Pro. at yun ang ayaw kong mangyari dahil baka ano nanaman ang gagawin nila. Please? Only for tonight miss Louise." Sabi nito na parang nag mamakaawa. Ewan ba niya kung bakit tila parang nanghinayang siya bigla sa huling sabi nito. Gagawin pala siya nitong escort para lang sa mga higad na nag aaligid dito. Andaya akala pa naman niya totoo talagang inanyaya siya nito e yun my dahilan din pala. Kuuuuuuuuuhhh! Sarap tirisin na parang kuto kainis.
Walang salita o sagot na namutawi sa kanya ngunit tumango na lamang siya dahilan upang mag liwanag ang hitsura nito at mag Ningning ang mga mata nito na parang nanalo sa Lotto sa pag tango niya.* 6 pm ang usapan nila ni Danielle na susunduin siya nito sa condo niya kaya mabilis pa sa alas 4 na nag ayos siya. Matapos niyang mag ayos ay tiningnan niya muna ang hitsura niya sa isang Full length mirror sa kwarto niya kay lapad naman ng ngisi niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng isang fitted bodycon dress my slit sa gitna na para dagdag sa karisma niyang taglay. It looks her more Stunning Elegant and Intimidating she used light make up because she has the natural beauty that no one could have. Imagine? Unique siya. Hmmmm.
5:30pm nang dumating na rin ang hinihintay niya. Kumatok ito ng pintuan akmang bubuksan niya na nang ma unahan siya nito. OMG!
"dito nalang kaya tayo wag na tayong umalis, mukhang ang sarap mo ngayong gabi. ulalam." Ani ng isip niyang maharot pasimpleng kinurot niya ang kanyang hita ng ma realize na nakatulala din pala ito sa kanya.
Eh pano ba naman kase. Napaka guwapo nito sa suot nitong Navy Blue Tuxedo lahat ng babae ay siguradong magkakandarapa dito. Napabuntong hininga nalang siya sa isiping iyon.
"uhhmm! Shall we go"? Basag ko sa katahimikan. Mukhang di lang siya ang namangha. Mukhang ito din sa hitsura niya. Nakakailang ito kung tumitig kala mo ayaw ka pakawalan. Eh wala namang katutoran dahil di naman ito nagsasabi ng saloobin.
"O-okay let's go." sabat nito at nagpatiuna nang maglakat. Ano ba yan iniwan nalang siya bigla di man lang siya pinauna sa paglalakad eh sinundo siya nito kaya dapat siya ang mauuna. Sira ulo ba to? Kanina mukhang timang ngayon naman mukhang ulol. Napaka bilis magbago ng mood.
Sumunod na lamang siya dito ng naka simangot di alintana ang mga titig na bumabatikos kung bakit sila magkasama. Kailangan niyang maghanda dahil kapag dumating na sila sa party alam niyang mas maraming babatikos sa kanila doon at siguradong merong susugod na sasabunutan siya.
Pero hindi siya papaapi. Ayaw niyon ng daddy niya, Ipinanganak siyang my paninindigan at palaban kaya di siya pweding magpa api.
Taas noo siyang naglakad palabas ng Condo niya.
Hanggang inalalayan siya nitong makasakay sa Limo nito.
"Wow ha, In fairness nakalimo ako ngayon. hahahah mukhang mapapa acting ako nito mamaya dahil napaka sweet nitong umalalay parang kanina lang ay ang sungit at iniwan ako bigla ngayon ay parang gentleman maka alalay." sitsit nanaman ng isip niya. Ipinilig na lamang niya ang ulo niya dahil Para na talaga siyang baliw as in. Tssk!
"Tha-thankyou uutal kong sabi." Kainis naman.
Kumabog ata ng sobra ang dibdib ko ng magtama ang aming mga mata.
Saglit lang ngunit ang lakas ng tama ko. "What? sure ka dai? my tama ka na ba talaga sa kanya?"
"Huh?! hindi no. Impossible." Pangungumbinsi sa sarili niya. Para naman siyang my kausap e wala naman utak lang niya talaga napaka weird! Iba iba iniisip.
"Hey? what did you say"? Tanong nito habang inaayos ang nakusot na tuxedo dahil sa likas na matangkad ito kaya pag pasok ay sadyang yuyuko pa talaga ito para makapasok nasa 6.8ft din kase banta niya ang height nito.
Narinig pa ata nito ang pagsasalita niyang mag isa. Ang baliw na isip niya kasi pinapahamak tuloy siya.
"a-ah eh, wala po sir nag mumuni muni lang po." Nasabi na lamang niya dahil para na siyang tangang ipis na mukhang timang. Wala na din naman syang masabi kaya bahala na.
YOU ARE READING
BREATHLESS
Romance"SOMETIMES LOVE ISN'T JUST ALL ABOUT SWEETS AND EFFORTS IT TAKES ALSO SUFFER AND PAIN" **** Louise is an Actress, she became the most popular Model in town, she has everything a Man can dream. She is Sophisticated, A Goddess, a Complete Package. She...