"Gumising ka na dyan babae! Nagugutom na kami!" Ang aga aga sigaw na naman ni Bruha ang naririnig ko. Daig pa ng boses niya ang tilaok ng manok na pampagising.
"Ano ba Hazel! Bumangon ka na dyan at magluto na ng kakainin!" Di ako sumagot at bumangon na lang kase hindi yan titigil kakasigaw hangga't di ako gumigising.
Inayos ko muna ang mukha ko at saka itinali ang buhok ko. Maaarte pa naman tong mga demonyitang mga pinsan ko na kala mo naman bagay sa kanila mag inarte e ang papanget naman.
Niluto ko na lahat lahat ng mga kakainin nila at inihain. Nagluluto ren ako ng pasikreto kapag kumakain sila. Medyo malayo naman yung kainan sa kusina kaya safe ako palagi. Minsan naman sa kapitbahay ako nakikisaing at dun na ren kumakain. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko.
"Hanggang kelan ka ba magtitiis sa kanila, Hazel? Inaalila ka na nila oh," sabi ni Lola Sita pagpasok niya sa kusina nila. Alas nwebe na at oras na nga ng almusal ko.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at hinugasan iyon. Si Lola Sita lang mag isa dito sa bahay niya at ako minsan ang kasama niya kumain or katuwang niya kahit di kami magkadugo.
"Hazeeel!" Sigaw na naman ng bruha. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago lumabas ng bahay. Dala dala ko ang walis at dustpan para kunwaring galing ako sa pagwawalis.
"Nilabhan mo na ba mga damit ko? Yung mga damit ng mga pinsan mo, nilabhan mo na rin ba?" Tanong niya at sadyang nanlaki ang mata ko nang maalalang di ko pa pala nalalabhan yon. Shet!
"Ah.. eh.. hindi ko pa nalalabhan br- este tita," abot abot ang kaba ko sa dibdib nung tumigil siya sa pag aayos ng gamit niya sa drawer nila.
"Ano? Di mo pa nalalabhan? Kahapon ko pa ng umaga yun inutos sayo ah?" Kalmadong saad niya pero bakas sa boses niya ang galit.
Tangina, yare ako neto!
"Lumayas ka dito," Utos niya gamit ang mababang boses habang nakaturo sa pinto.
"P-po? T-tita alam niyo n-namang wala akong ibang matitirhan d-diba?" Mangiyak ngiyak na saad ko.
Hindi ako pwedeng umalis dito. Wala akong ibang matitirhan. Kahit na andyan yung bahay ni Lola Sita, ayoko naman maging pabigat dun. Sakto lang para sa kanya ang kinikita niya sa paglalako ng gulay tas magiging palamunin niya pa ako.
"Kasimple simpleng bagay na iniutos sayo, di mo pa nagawa? Alam mo namang may pupuntahan kami ngayon diba kaya pinalabhan namin yun kahapon sayo? Ano nalang isusuot namin mamaya? Ha?" Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sakin habang papalapit ng papalapit kaya ako naman ay atras den ng atras.
YOU ARE READING
A Month With A Gamer (SB19 SERIES #2)
FanfictionThe more time I spend with you, the more I want to hold you tighter in my arms.