Kabanata 7

2.9K 61 13
                                    

Name.

I looked at him because of shock. Naramdaman kong gumalaw ang daliri ko at tumunog ang shutter hudyat na nakakuha na ito ng litrato.

"Ang ganda." He said while looking at the photo.

Wala akong ibang reaksyon kung hindi ang magulat. Hindi pa ako tapos sa ginawa niya ay susundan niya agad ng ganoon!

Nakakahiya siguro ang mukha ko doon! Ang gulat na mukha ay napalitan ng hiya. Anong ginagawa sa akin ng lalaking ito?

Nanatili ang mata niyang nakatingin sa kinuha niyang litrato naming dalawa. Binitiwan ko ang cellphone niya at hinayaan siyang maghawak nito.

Halu-halo ang nagiging reaksyon ko. Ang pagdampi pa lang ng kamay niya sa akin ay nakakagulat. Mabilis lang iyon pero bakit pakiramdam ko ay bumagal ang oras?

Hinampas ko siya sa braso. Hindi ko alam kung anong nagudyok sa akin para gawin iyon pero naiirita ako sa kaniya!

Bahagya siyang natawa sa ginawa ko. Kahit ang pagtawa niya ay ang sarap pakinggan. Hindi ko kilala ang isang 'to pero pakiramdam ko ay mahuhumaling ako sa kaniya. Lumayo ako at natakot sa inisip.

Hindi pwede, Faith.

Mukhang nagulat siya sa bigla kong paglayo kaya nawala ang ngiti niya. Napalitan iyon ng pag-aalala.

Umiling ako. Ipinakita sa kaniya na walang mali.

Tumayo ako at nagsimulang iligpit ang gamit. Tumayo rin siya kaya pinulot ko ang puting latag at tinupi iyon.

Ayokong isipin niya na mali ang ginawa niya dahil ayos lang naman iyon. Sadyang nagulat lang ako sa inisip ko. Hindi tama iyon.

Anong ayos sa ginawa niya, Faith? Hindi kayo mag-kakilala. Hindi mo nga alam kung anong pangalan niya at kung taga-saan siya, nakuha mo pang umupo sa tabi niya. Kaya literal na mali yon.

"Did I do something wrong?" Tanong niya. Tumingin ako sa kaniya. Mapungay na ang mata niya ngayon at tila naguguluhan sa nagiging kilos ko.

"W-Wala wala. Ayos lang ang ginawa mo. Kailangan ko lang umuwi dahil baka gabihin ako sa daan. Maglalakad lang ako." Paglilinaw ko sa kaniya.

Totoo naman. Baka gabihin talaga ako sa daan dahil maglalakad lang ako. Delikado pa ang daan malapit sa farm dahil puro puno na roon.

Nagmamadali akong bumaba at umalis. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ang kilos ko. Dapat sinabi ko sa kaniya na hindi tama ang ginawa niya ngunit ayokong isipin niya pinag-iisipan ko siya ng masama, dahil sa totoo lang ay may iba akong naramdaman.

Hindi masama, ngunit iba.

Balisa pa rin ako nang makauwi sa mansion. Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya agad akong dumiretso sa kwarto ko. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makaupo ako at nantantong mag-isa na lang ako.

Pakiramdam ko ay kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko. Kahit na hingal sa paglalakad ay hindi pa rin iyon sapat para makahinga ako ng maluwag.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsimulang maghanda para matulog. Nang natapos, humiga agad ako sa kama at muling naisip ang pangyayari.

Nakaramdam ako ng guilt. Mali ata ang naging kilos ko kanina. Dapat nagpaalam ako sa kaniya bago umuwi at mas lalong nilinaw na wala namang mali sa ginawa niya. Pero, bakit at para saan?

Pangatlong araw na sila Mommy. Hindi nanaman ako nagising ng maaga dahil sa pag-iisip. Ngayong araw ay napag-pasiyahan kong manatili lang sa mansion.

Iniisip ko kung pupunta ba ulit ako roon o hindi. Nakakahiya kasi kung makikita ko ulit siya ron. Maiilang lang ako. Baka hindi na na rin siya pupunta dahil sa kilos ko kahapon?

Cut The Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon