Yung Feeling Na II : Pag-ibig na Walang Kapalit

24 2 1
                                    



Yung feeling na shy type ka tapos may crush ka, paano na?


Yung feeling na umamin ka sa mga barkada mo pero sa kanya hindi pa.


Yung feeling na sinabi na nila sa crush mo na crush mo siya habang ikaw todo tago sa labas ng room.


Yung feeling na hindi mo pa rin siya kayang kausapin o lapitan nang dahil sa kahihiyan.


Yung feeling na kinikilig ka sa tuwing lalapitan ka niya, para manghiram ng gamit. Girls scout ka, girl?


Yung feeling na isang taon na nakalipas pero puro sulyap ka lang.


Yung feeling na naka-partner mo siya sa manila paper dance. Feeling mag-jowa lang, 'te?


Yung feeling na nag-request ka magpa-picture at pumayag siya, pero di mo kayang ngumiti sa hiya. Arti mo, girl!


Yung feeling na dalawang taon na kayong magka-klase pero di mo pa rin siya maka-usap.


Yung feeling na Valentine's Day na kaya naki-uso ka sa pa-letter ng library sa halagang dalawang piso.


Yung feeling na nai-abot na sa kanya ng library staff, pero nilamukot at tinapon lang niya sa labas ng bintana. Sakit, 'te? Pwede umaray, pero pwedeng tumigil ka na rin.


Yung feeling na napapanaginipan mo na rin siya as your husband, tapos si kwento ka naman sa barkada. Medyo creepy ka na, girl!


Yung feeling na nagseselos ka sa maganda mong friend kase partner niya si crush mo, pero wala ka naman karapatan. Iyak ka na lang, girl!


Yung feeling na tatlong taon na ang lumipas, pero hindi man lamang kayo naging magkaibigan man lang.


============================


📆 3 October 2020

Author's note : Hello, readers! Welcome to my second part of YUNG FEELING NA. Yes, I'm back!!! Is it nice?

Hope you like it! Feel free to vote, comment down and share this to others para more kilig more pain este fun. Char!

May mga susunod pa ito. Don't worry! See you again!


Love, stonekisses x o x o

Yung Feeling NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon