Moonlight Lovers

88 2 0
                                    

Lahat tayo may PANGARAP!! Pangarap na sumikat , yumaman at iba pa ..

Tanong?? Ano bang kaya nating gawin para maabot ang ating mga pangarap?? Handa ba tayong isakripisyo ang lahat para lang dun?? Handang isantabi ang pagmamahal??

May mga taong handa rin tayong suportahan para maabot natin ang ating pangarap . Pero paano kung papapiliin ka kung ano ang gusto mo ang PANGARAP mo ba?? o ang taong MAHAL mo??

Ako si Kenji isang working student nung high school , Masayahin pero sa likod nun isang malungkot at tahimik na tao .. Isang trahedya ang bumalot sa aking kamusmusan . Isa dapat masayang bakasyon ang aming pupuntahan ngunit isang kagimbalgimbal na trahedya ang kumitil sa buhay ng aking mga magulang .. Simula nun lumaki na ko sa isang Orphanage dito sa Pilipinas .. Marihap makisalamuha dahil wala ka sa sarili mong bansa pero sa katagal tagal ng panahon masasanay ka na rin .. Isa akong half Japanese at Half Pilipino ... Nung lumaki na ako at nagkamulat umalis na ako sa bahay ampunan .. Nagsimula na akong magtrabaho sa murang edad .. Naging waiter , driver , at iba pa .. Lahat na ata ng trabaho napasok ko na bukod sa pagoopisina .. Binigay ko lahat ng best ko sa mga trabaho ko pero tinatanggal pa rin nila ako .. Simula nun hindi na ako tinatanggap sa mga trabahong inaaplayan ko .. Hay naku .. Paano pa kaya ako mabubuhay nito? .. Buti na lang may isang restaurant na tumanggap sa akin at sa mga kaibigan ko .. Matagal na rin naming kakilala ang may ari nito pero ayaw naming applayan dahil sa sobrang kuripot .. Pero simula nung mag offer sya ng malaking sahod , libreng pagkain at matutulungan napilitan na rin akong mag apply dahil wala na rin naman akong bahay na matutuluyan ..

Kinabukasan nagsimula na rin kaming magtrabaho .. Pag tapos ng shift namin hinatid na kami ng boss namin sa magiging kwarto namin.. Medyo maliit pero okey na yun kaysa sa wala ..

Itong mga kasama ko parang hindi pagod nakuha pa nilang mag kulitan.. Si Ryusuke isa ding half Japanese galing sya sa isang may kayang pamilya .. Si Daisuke at Riku naman ay galing sa mayayamang pamilya .. Si Daisuke , may ari sila ng isang kilalang fast food at si Riku naman, may business ang kanyang mga magulang at sunod itong ipapahandle sa kanya ..Mga kaklase ko sila dati nung high school sa Japanese school dito sa Pilipinas tinatanong ko nga sila kung bakit nag tratrabaho pa sila kung mayayaman naman sila .. Sabi nila sa akin para magkaroon sila ng experience at magkaroon din ng sariling pera ..

Medyo nakatulog na rin ako nun pero nagising ako dahil sa nag aaway na pusa sa labas.. Mga 2:00 in the morning nung magising ako.. Dahil nga nagising na rin ako at hindi na rin ako makatulog nun sumilip na lang ako sa bintana para mag muni-muni . Mula sa bintanang yun makikita mo ang magandang tanawin mula sa malayo , maingay na kalye ,at park na medyo malayo mula dun .. Pagka kita ko sa park may nakita akong isang street musician. Tinitignan ko sya pero para namang walang nanonood sa kanya. Na curious lang ako sa kanya dahil kahit na walang nanonood sa kanya tuloy- tuloy pa rin ung pag gigitara at pagkanta nya .. para bang wala syang pakialam,, Mula dun ang sarap nyang panoorin , sobra akong naaliw sa kanya kahit na hindi ko sya naririnig.. Naalala ko tuloy ung paggigitara ko dati pero ipinangako ko sa sarili ko na ititigil ko na un dahil sa isang masamang nangyari...dahil sa gusto kong marinig kung ano ung kinakanta nya at kung ano ung itsura nya ,.. Nagbihis ako at bumaba..

Medyo malayo kasi un muka lang malapit pag nandun ka sa bintana pero sa tingin ko tatlong kalye pa ung lalagpasan mo para makapunta ka dun ..

Sobrang nakakapagod ung araw na un .. kaya un tulog na ung mga kasama ko .. Sumilip ako sa bintana nagbabakasakali na tumutugtog na ung nakita ko kagabi .. Pag silip ko wala na naman sya dun kaya natulog na lang ako medyo maaga pa nun pero maya maya nakaidlip na rin ako ..

Pag dating ko dun wala na ung babae, bumalik na rin ako dun sa resort kasi mag mamaga na rin nun at maagang nag brebreak fast ung mga customer.. Pag balik ko sa resort ang dami na ngang tao nag hihintay .. gising na rin ung tatlo hindi na rin ako nag atubli , nag luto na agad ako ng almusal .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moonlight LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon