Panibagong umaga, panibaging araw kasama ang mga kaibigan ko. Buong hapon na pag-aaral, malapit na ang bakasyon namin kaya naman bigayan na din na clearance ngayong araw. Tatlong araw ang last examination namin at lahat iyon half-day lang kaya pwede pa namin habulin ang iba naming mga kulang para sa aming clearance.
"Good Morning." bati ko sa seatmate kong aircon. Ako lagi ang nauunang pumasok kaya naman wala akong makausap agad. Ang iba ipinagpapatuloy ang tulog nila, ang iba namang gumawa ng para sa clearance nila, ang iba naman nag-aalmusal na sa canteen, tapos ako... Tulala, nag-aantay ng medyo ka-close na classmate o kaya naman sila Aisa.
"Tagal mag si dating... Akala mo naman ang layo ng bahay, sa likod lang naman ng school." bati ko sa mag-pinsan na si Brielle at Maicka.
"Kumain pa kami e. Wala pa sila Sofie?" tanong sakin ni Brielle.
"Nakikita mo ba na nandito na?" pamimilosopo ni Maicka.
"Tara, tambay." aya ko sakanila. Kasama na din doon ang paghihintay kanila Aisa. Lagi lang naman kami nakatambay sa labas ng pinto namin at sa tapat ng fire exit namin dahil nasa 4th floor pa 'yung room namin. Maya-maya dumatin na si Aisa at kasunod naman niya si Sofie. Mag-aalmusal sana kami kaso malapit na mag-ring abell kaya ibabawi nalang namin sa recess.
" LA, translate mo nga ito sa english." tanong ni Aisa sakin dahil siya ang katabi ko. English subject namin at may activity kami na ginawa na puro pag-gawa ng sentence. Ako kasi ang mahilig sa english, kaya ako lagi ang tinatanong nila pag-translations.
"LA, tama ba 'to?" tanong naman sakin ni Sofie pagkalapit niya dahil sa kabilang side siya ng row namin.
"Okay lang naman. Kaso gawin mong specific kasi medyo malayo na." pagpapaliwanag ko. Ang ending sila pa unang natapos tapos ako nag iisip pa ng gagawin kong sentence.
"Tapos ka na, sis?" tanong sakin ni Maicka.
"Patapos na, bakit?"
"Wala lang, magrerecess na dalian mo na ipacheck mo na yan. H'wag mo ng pagandahin masyado ka ng matalino, tama na." pagbibiro ni Maicka. Wala na akong nagawa kundi ipa-check na para maaga kaming makababa at makakain.
Tapos na akong magpa-check ng ginawa kong activity at na-perfect ko naman pati rin naman sila na-perfect din. Nagmamadali na kaming bumaba dahil baka mahaba na ang pila sa canteen. Buti na lang konti pa lang at pwede pa kaming tumambay.
"Hindi mo naman siguro favorite 'yang hotdog with rice, Alli." pang-aasar ni Aisa.
"Gusto niya 'yan e, bakit ba?" sagot ko naman sakaniya habang kumakain ng binili kong pagkain.
"Pinakielaman ko ba yung kinakain mong bread pan?" pagbackfire ni Alli kay Aisa. Sanay na kaming mag bardagulan araw-araw. Si Alli at si Aisa pati ako ang pinaka-close sa aming anim. 'Yung magpinsan na si Brielle and si Maicka ang laging mag-kasama at si Sofie ang neutral sa amin.
"Set tayong gala." aya ni Brielle. "Sama nating sila Ken."
"Sila ba talaga o si Ken lang?" tanong ni Sofie na may halong pang-aasar.
"May exam na bukas e. Tapos na ba mga clerance niyo?" tanong ni Aisa sa samin.
"Basta ako patapos na." sagot ko. Wala na akong masyadong gagawin dahil ginawa ko na 'yung iba bago magbigay ng clearance.
"Set natin punta tayong SM." pagpupumilit ni Brielle sa amin.
"Oo na, pero sana 'wag agad bukas." sagot ko.
"G lang." sagot naman ni Alli.
After namin kumain at tumambay sa canteen ay umakyat na kami para sa next na subject namin. Wala ng nag-lelesson ngayon puro na lang kami review at checking ng mga clearance para magpa-sign na rin dahil no sign no exam ang rules. Busy lang kami buong araw at ang pahinga lang namin ay 'yung nag lunch break na, wala na kaming planong mag lunch dahil gusto na lang namin mag pahinga.
"Tagal mag-uwian, wala namang ginawa." reklamo ni Aisa sa amin.
"Mag-review ka daw." sabi naman ni Sofie sakaniya.
"Tinatamad na nga ako e." sagot naman ni Aisa. Ako naman kunwaring nagbabasa pero wala talag pumapasok sa isip ko dahil tinatamad na nga ako. Sila Brielle din ganun na lang ang ginagawa, naghihintay na lang mag dismiss na klase namin. Ganito lagi ang eksena tuwing last period na.
"Oh, Good luck sa exam niyo bukas. Sana naman may natutunan kayo ngayong taon. Sige na mag pray na para maka-uwi na." At iyon na nga ang hinihintay naminng lahat. Nag dasal na muna kami bago kami naglipit ng gamit namin at tsaka umalis.
Nang makababa na kami, umuwi na agad si Alli dahil sinundo na siya ng tatay niya kaya naman kami na lang lima ang natitira pero sure ako si Sofie na ang next na uuwi dahil susunduin na rin siya. Nagpaalam na kami kay Alli kaya naman nagkayayaan na kaming tumambay sa may plaza. Wala masyadong estudyante dahil exam na nga bukas, magrereview na yung mga gusting magreview.
"Tara uwi na tayo." pag-aaya ko.
"Hintayin ko pa si Papa." sagot ni Aisa sa akin.
"Kayong dalawang magpinsan, uwi na kayo?" tanong ko naman kila Brielle dahil si Sofie nakauwi na rin.
"Oo, inaantok ako e." sagot ni Maicka sa akin. Sakto naman na dumating na ang tatay ni Aisa, kaya naman isinabay na nila ako pauwi dahil madadaanan naman nila 'yung kanto ng subdivision namin.
"Thank you, Pa!" Nagpasalamat ako at lumakad na papasok ng subdivision namin. Papa na rin ang tawag ko sa tatay ni Aisa dahil halos kami lang ang magkakasama.
Ako lang mag-isa sa bahay dahil wala pa sila dahil may mga trabaho. Kasama ko lang naman sa bahay ay 'yung nanay ko at pangalawa kong kapatid. Hiwalay ang nanay at tatay ko kaya naman kami kami lang 'yung magkakasama. 'Yung panganay namin nasa Manila na nakitira dahil mas malapit siya sa trabaho niya.
Magpapatuloy...
BINABASA MO ANG
The Broken Promises (Based on True Story)
Non-FictionWhat will you do if the person make a promise to you but ended but breaking it ? And also, what will you do if the person make a mistake and feel sorry about it but ended up doing it again ?