"Huy,Yiela!Alam mo ba?Kanina may nakilala akong poging lalaki!”wtf?Kailan ba tatahimik 'tong babaeng 'to? Nginingiti-ngiti pa ito habang dumadaldal at kanina pang tili nang tili.Tsk.Kung di lang sana ko talaga ‘to kaibigan,baka nasakal ko na ‘to kanina pa.Hayst.
“Ang pogi talaga niya,Ylla.”Tili ulit ng Klea.Sino na naman bang pilato ang namataan nito at grabe,ang hyper?
"Yieeee..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinamaan ito ng tingin.“Ano ba,Klea?Tatahimik ka diyan o gusto mong saksakin kita nitong ballpen‘ng hawak ko?”,ani ko habang nakatutok ang gamit kong ballpen sa direkayon ni Klea.
“Huwag ka ngang KJ diyan,"umirap pa ito bago itinuloy ang gustong sabihin.“....palibhasa kasi—”
Naririndi na talaga ako sa babaeng 'to kaya nang may makita akong bagay na puwedeng ibato ay ginamit ko ito para mapatahimik ang bruha.Head shot.
"Sabing manahimik ka e.”
“Ouch!Hoy,Ylla, you don't love me anymore, didn't you?”reklamo nito habang naka-pout.
“Manahimik ka nalang kasi diyan.Kung ayaw mong itong book shelf ang ibabato ko sayo.
Pinulot ko na ang librong gamit ko pala na naibato ko sa talipandas kong kaibigan.“May ik-kwento lang e,"ngusong ani nito.Humiga ito sa kama at umaktong nagtatampo.
Napangiwi nalang ako sa inakto ng bruha.Pero kalauna'y napangiti rin.Shuta talaga 'tong gagang 'to.Nagpatuloy ako sa inaaral ko nang biglang magring ang cellphone ni Klea.
“Huy,Klea!Sagutin mo nga yang tumatawag sa'yo,"sigaw ko dito nang mapansing mukhang wala itong planong sagutin ang tumatawag.
“Heh!‘wag mo akong kausapin!"Inirapan siya nito.
“Bahala ka diyan!"Hmp.
Lihim nalang akong napangiti.Lumipas ang isang oras kong pagre-review.Dinig na dinig na rin ang malakas na hilik ni Klea.Natawa ako.
“Tsk.Kababaeng tao ang lakas makahilik.”
Akmang hihiga na sana ako sa kama namin nang maramdaman ko ang hapdi ng tiyan ko.
“Owshit!Hindi pa pala ako naghapunan."Dali dali akong bumangon at pumunta sa kusina.
Agad nagsalubong ang dalawang kilay ko sa kadahilanang hindi lang naman ako tinirhan ni Klea ng ulam.
“Humanda ka talaga sakin,Klea!Argh!"
Agad bumalikwas ng bangon si Klea nang hambalusin ko ito ng unan.
“What the—ano ba,Ylla?”
“Anong 'ano ba,Ylla?'?Ha?Hindi mo na naman ako tinirhan ng ulam.Bruha ka!”
Humagalpak lang si Klea.
Argh.This woman really testing my tempt,huh?Gutom ako kaya 'wag syang magkamali.Masamang galitin ang taong gutom.Sarap talagang basagin ng mukha ng kaibigan kong 'to ngunit nagpipigil lang talaga ako.Charot!As if naman kaya ko.
Pumasok nalang aa banyo at nagmamadaling maligo.Wisik dito,wisik doon.And charan—I'm done.
Nagtataka mang wala si Klea sa kama ay hindi ko nalang ito inisip.Baka lumabas lang yun ng apartment tapos nakakita ng lalaki kaya ayun baka sumama.I mentally laughed at my own thought.Baka isipin nyong pokpok yung kaibigan ko ha?Hindi naman.Slight lang.Chos.
Total wala naman ng pagkain sa kusina,itutulog ko nalang 'tong gutom ko.Matutulog nalang ako para makapag charge ng energy and to preparemy mind narin.Charot.Wala ako nun.
Ilang minuto din ang ginugol ko sa pagtitig sa kisame bago ako dinalaw ng antok.Hay buhay.Pati pagtulog nahihirapan pang ibigay.
Ramdam ko na ang pagbigat ng mga talukap ng mga mata ko at alam kong mags-shut down na yung beautybells ko nang biglang—"Ylla ko,kain ka muna!”
“Wala na ngang ulam eh!Matutulog nalang ako.”Problema nito?Lutang ba sya?Diba hindi nga nya ako tinirhan ng ulam?
“Nagluto na ako—”
“Talaga?”Kaagad akong bumangon nang marinig ko ang sabi nya.Pagkain yun e,pagkain.
“Oo no!”Huminga ito ng malalim.
Nang mahagip ng mga mata kong dalang tray ng kaibigan kaagad kumislap ang mga mata niya sa tuwa.Nakonsensya ata to.
“Salamat,"sabay abot sa tray na hawak ng kaibigan.
Habang kumakain ako ay nakatitig lang sa maganda kong mukha si Klea.Para bang sinusuri at kinakabisado ang bawat parte ng kaniyang mukha.
“Ahmm..Ylla?”
Tanging “Hmm?” lang ang maisagot ko sa tanong ng nya dahil nga masyado akong busy sa pagkain.Nahagip ng mga mata ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng maliit naming apartment.10 PM na pala.Kaya pala sobrang gutom na ng mga chikiting kong alaga sa tiyan.Charot.Healty kaya ako.
“Kumain ka naman ata ng lunch,no?”
Natigilan ako sa pagsubo sa narinig kong tanong ni Klea.“Ahh..Huh?”
“Don’t tell me—”
“Sorry.Nabusy kasi ako sa pagre-review eh—”
Pinulot ni Klea ang unan na nasa kama ko at bigla akong binato nito.Buti nalang at nakailag ako kundi sapol mukha ko ron ras madadamay pa pagkain ko.
“Sabi ko na nga ba e!Ikaw talagang babae ka!”
“Sorry na nga e!”I pouted.Nakalimutan ko naman talaga kasing kumain,to be honest.Oo,mukha akong pagkain pero nakakalimutan ko rin ang mga yun minsa,'no?Baka akala mo....
“Hindi mo ako madadala sa pag pout pout mo na yang babaeta ka!”Umirap pa ito.Dukutin ko eye balls mo eh.
Itinabi ko muna ang pagkain sa may study table ko at nilapitan ang batang nagdadabog.Charot.Yung kaibigan ko syempre.
“Sorry na.Bati na tayo,"niyakap ko sya.
“Eh ang tigas naman kasi ng ulo mo eh!Naalala mo ba yung nangyari sayo nung nakaraan,huh?Pag ipinagpatuloy mo pa ‘yan,Diyos ko,di ko alam ang gagawin ko sayo para palambutin yang ulo mo!”Ano raw?
“Ayy..gusto mo akong mamatay,Klea ko?”Umarte pa akong humihikbi sa balikat nya
.“Tang*na!Sa tingin mo papakainin kita kung may gusto akong patayin ka?—”
“Eh sabi mo papalambutin mo ulo ko eh.Mamamatay ako pag ganun!Huhuhu.”
“Dios ko kang babae ka!Kumain ka na nga lang at nang matulog na tayo.”
Niyakap ko ito ng mahigpit sa beywang.“Bati muna tayo?”
“Ayoko!”umarte itong parang bata.
Napangiwi ako ulit sa inakto namin.Parang timang lang.
“Edi hindi din ako kakain.Basic,"ipinatong ko ang baba ko sa balikat nya.
“Ylla—”
“Bati muna tayo?”
“Ylla—”
“Please?”Nagpa-puppy eyes na ako.Bati na tayo,please!Gutom na ako.
“Sige na nga!Bati na tayo kaya kumain kana!”
“Yehey”Lumulundag lundag pa ako na parang bata with matching palakpak.“I love you,Klea ko! You're the best marupok bestfriend that I ever have.”
“Heh.Kumain ka na,tanga.”
At sinunod ko naman ang utos ng gaga.Atlast!
Habang kumakain ako ay hinayaan ko nalang itong ituloy ang kwento niya kanina na naudlot.Mahaba-haba ring kwentuhan ang nangyari.Ikinwento pa nya yung pag-eye to eye contact nila nung lalaki.Kung pano raw ito ngumiti ng matamis sa kaibigan kong hayok sa lalaki and etcetera etcetera.Pagkatapos ay sabay na kaming nahiga pero syempre hanggang sa paghiga sa kama ay hindi pa tapos ang kwento nya.
“Sana makapasa ako bukas!”hiling ko bago ipikit ang mga mata.Si Klea naman ay tuloy-tuloy parin sa pagk-kwento.Kailan ba tatahimik 'to?Tsk.Bahala na nga lang 'to.Tulog na tulog na talaga ako.
.
YOU ARE READING
Fullfilling Our Promises
RandomDalawang taong pilit ipinaghiwalay ng tadhana. Ang mga pangakong hindi natupad sa una nilang pagkikita, matutupad kaya kung mismo ang tadhana ay ayaw silang pagtagpuin? Kaya ba nilang ipaglaban ang mga nararamdaman na dati ay akala nila'y wala lang...