Chapter 1:Mr.VAN meets Ms. Astig(Beauty)

103 1 2
                                    

  DONG!! DONG!!.......

TI......NG TI..........NG

   Nakakabingi ang mga tunog , ang aga-aga pa bukas na agad ang talyer??.Bumaba na ako  para malaman ang nangyari sa baba ,kahit wala pang hilamos at talo ko pa ang lechon sobrang oilly ng mukha ko at ang buhok ko na wala pang kasuklay suklay ,kung pwede lang wala na yan ok lang,pinusod ko at kinabitan ng sombrero para hindi tumabing sa mukha ko.

Bumaba na ako ng hagdan sa labas ng bahay naron ang maliit na talyer na tinayo ng aking tatay at tiyo.

''Tsong ano ba ang problema dito?, madaling araw pa lang ata ah?? istorbo kayo sa pagtulog ng tao ahh!!!!!!" sabi ko sa kanya.

"Alex heto kasing si Mr. Pogi nagpapagawa yata ng kotse nakita ko diyan sa kanto nasiraan" sabi ni tiyo habang tinuturo ang lalaking nakaupo sa bandang madilim na sulok ng talyer.

Medyo matangkad ito at mukhang mayaman base sa kanyang sasakyan, isang mamahaling Ford. Tumayo ito pagkakita sa amin lumakad at tumigil malapit sa amin. Di naman ito masyadong gwapo tama lang ang pangangatawan para sa akin pero malaki talaga katawan niya pero kung titignan mong mabuti gugustuhin ito ng lahat ng babae, PWERA lang siguro sa akin.

"Tsong ako na bahala dito akyat na kayo at maglutong almusal medyo gutom na ako!" sabi ko kay tsong at naglakad na paakyat sa bahay.

"Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi, nawala na ang init ng ulo ko para kasi itong WALKING WALLET.

"Kaylangan ko ng magaling na mekaniko para gawin itong sasakyan ko, sino bang pwedeng gumawa?" tanong nya na parang diskumpyado sa serbisyong pwede namin ibigay.

"Hay mister ako pala ang pwedeng gumawa niyan ngayon, ako pa lang ang mekaniko dito mamaya pa kasi ang dating ng iba", pagpapaliwanag ko sa kanya.

"IKAW?? mekaniko?", tanong nya na may pagkairita sa mukha.

"Oo? Bakit may angal ka?", sabi ko sa kanya na proud na proud at taas noo.

"Sigurado ka bang kaya mong gawin yung sira ng sasakyan ko? Oh baka naman masira mo lalo!", tanong nya na may pagkainis at nakahalukip ang braso.

"ABA! ang yabang nito, anong akala mo sa talyer namin pipitsugin? Hoy kami lamang ang talyer na tumagal sa lugar na ito!"

"OK pakigawa na ang kotse ko pakibilisan na din ang paggawa may hinahabol akong tao!", sabi nito na parang BOSS.

Nilapitan ko ang kanyang kotse at namangha ako sa ganda nito sa malapitan. Siguro kung may choice lang itong iba hindi nito dadalhin iyon sa talyer namin.

"Anu ba ang problema ng kotse mo?", tanong ko sa kanya habang sinisipasipat ang kotse niya.

"Sino ba ang mekaniko dito? Bakit sa akin mo tinatanong??

"Malay mo ang problema ng kotse mo problema mo din, pareho kayong sira ang ulo!!" pabulong na sabi ko.

"Anu kamo!?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Wala sabi ko titingnan ko na itong kotse mo".

Binuksan ko ang unahan ng kotse. Butinting dito butingting don.

"Hoy Mister!--- ", nagulat na lang ako nasa likod ko na pala ito, pagharap ko sa kanya halos isang dangkal na lang layo namin sa isa't isa at nakatitig pa na parang may gustong sabihin di ko lang alam kung anu yun.Naconcious tuloy akong bigla, di pa kasi ako nagtutoothbrush kahit mumog man lang!

Sobrang pagkahiya, tinulak ko siya at medyo napalakas kasi muntik ng mabunggo sa isang kotse na nasa likod niya, buti na lang mabilis ang reflexes niya nakahawak agad sa iasang bakal na nakausli kaya nakaiwas siya SAYANG NAMAN!!

"Hah, eh sorry, mister", sabi ko sa kanya w/ appologetic smile. 

"Its OK, so what's the problem of my car?, tanong niya habang nagpapagpag akala mo naman nadumihan siya.

"Mister Lampa, madali lang tong sira ng kotse mo, Radiator lang, siguro hindi mo madalas lagyan ng tubig kaya medyo nasunog ng konti at naapektuhan yung makina ng kotse mo", pagpapaliwanag  ko sa kanya, habang siya nakatingin lang sa akin ng walang emosyon.

"Ahh, ganun ba sige gawin mo na hihintayin ko na lang matapos at isa pa may pangalan ako hindi Mr. Lampa its Vaughn(VON) David".

"Anu kamo VAN? Aba astig noh parang sasakyan lang din", sabi ko sa kanya parang naiinis naman ito at para palitan man lang ang emosyon nito.

"NO! its not VAN its Vaughn", sabi niya na kalmado parin ang emosyon.

"Yes Van, este boss Vaughn".

Inumpisahan ko na ang pagaayos ng kotse nito habang ito ay parang naiinip na ngunit kalma pa rin. Binagalan ko pa lalo para mayamot sya kahit siguro kinse minutos magagawa ko yon sa tagal ko na bang naging mekaniko sisiw na ito. Pero ginawa kio iyon ng 30 minutes para kunwari mahirap itong gawin.

"Miss matagal pa ba iyan", tanung nya sa akin habang pumwesto sa gilid habang tinignan ang aking ginagawa.,

"Malapit na ito Mr. Van wait a minute, adjust natin tong turnilyo at ayan tapos na! Oh ayan boss work of art na yan! OK na yan Mr. Van i-start mo na", at lumigid na ito sa driver seat at pinaandar ang makina niya.

BRUUMMM.. BRUUUMM... , sumenyas na ng OK at tumango habang bumababa ng kotse.

"So panu Mr. Van 1500 lang murang mura", ngiting ngiti ako at nangangati ang palad para sa bayad.

"1500? para na mang overpricing ka Miss, eh ginalaw mo lng naman ahh atsaka parang hindi mo naman ginawa", sabi nito na halatang naiirita na.

"Eh di kung ayaw mo magbayad.. sige ipapatawag ko lahat ng tambay dito! at ipapabugbog kita!" sabi ko sa kanya na may pagbabanta sa aking tingin.

"Tawagin mo kakasuhan kita ng harassment!" sabi niya habang nakikipagsukatan ng tingin sa akin.

"Tawagin pala ha!!!, mga BATAAN!! mga KATROPA!! mga TANOD!! mga PULIS!! tulungan niyo ako!! may RAPIST dito tulon tulong!! may binabalak siyang masama sa akin". sigaw ko habang todo emote pa, halatang natutuliro siya na pinipigilan nyang takpan ang bibig ko.

"Hoy tumigil ka na---, tulong kapitbahay, tatay at tiyo"

"Tumigil ka na!!!" sabay hawak sa kanang kamay ko habang palapit akong hinila at hinawakan ang likod ng ulo ko.

Unti unting naglapit ang mukha namin hanngang naglapat ang labi namin, hindi ko alam kung pano magreresponse sandali lang ang halik na iyon pero parang nakasalalay ang buhay ko dito hindi na yata ang distribusyon ng gravity sa earth nakalutang ang feeling ko.

Di ko namalayan na nakalayo na siya sa akin "Uhmm, Thank You eto na bayad ko, hinfi ko naman sinabing hindi ako magbabayad bye Miss Astig Beauty (yung salitang BEAUTY nasabi na lang sa isip niya.) I enjoy that kiss", sabi nya na nakangiti at naglakad papunta sa kotse at pasibat na umalis.

Doon lang ako nagising "Abat ang lakas ng lob ng lalaking yon na nakawin ang first kiss ko lagot talaga yan sa akin!!! pag nagkita kami black eye at sakit ng katawan niya ang katapat niya!, KAINIS talaga!!

Hoy Mr. Vaughn David wag kang magpapakita sa akin kundi uuwi kang basag ang mukha!!! parang salamin ng kotseng toh!! sabay bato sa sirang kotseng katabi niya, basag ang windshield .

BOOOOOGS!! BOOOOGSS!!

Drop, Dead, ASTIG Beauty!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon