Mapaglarong Tadhana[TULA]

531 13 7
                                    

Mga tanong sa isip ko’y

Walang Sagot na mahagilap,

Mga hinanakit ng puso’y

Punom-puno ng karanasang masaklap.

Pagmamahal na ‘di ko kalian man ramdam,

Sa’king walang kwentang magulang,

Palo’t sakit ng nakaraan,

Ang bumalot saking katauhan.

Inakala kong tagapagtanggol

Magmamahal at aaruga,

Tinrato akong parang hayop

Na masahol pa sa daga.

Katawan ko’y namamanhid

Sa bugbog na wari’y haplos,

Mata ko’y hapding-hapdi kakapahid,

Ng mga luhang pilit na bumubuhos.

Balahibo ko’y tumindig,

Sa salitang aking narinig,

Ako pala’y di tunay nilang anak,

Buhay ko’y nawasak.

Pagmamahal lang naman ang aking nais

Bakit walang makarinig?

Ubos na ang aking lakas,

Ito na ba ang wakas?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

1st Filipino Poem here in wattpad. Hope you'll love it. haha ...

Mapaglarong Tadhana[TULA]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon