Mga tanong sa isip ko’y
Walang Sagot na mahagilap,
Mga hinanakit ng puso’y
Punom-puno ng karanasang masaklap.
Pagmamahal na ‘di ko kalian man ramdam,
Sa’king walang kwentang magulang,
Palo’t sakit ng nakaraan,
Ang bumalot saking katauhan.
Inakala kong tagapagtanggol
Magmamahal at aaruga,
Tinrato akong parang hayop
Na masahol pa sa daga.
Katawan ko’y namamanhid
Sa bugbog na wari’y haplos,
Mata ko’y hapding-hapdi kakapahid,
Ng mga luhang pilit na bumubuhos.
Balahibo ko’y tumindig,
Sa salitang aking narinig,
Ako pala’y di tunay nilang anak,
Buhay ko’y nawasak.
Pagmamahal lang naman ang aking nais
Bakit walang makarinig?
Ubos na ang aking lakas,
Ito na ba ang wakas?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
1st Filipino Poem here in wattpad. Hope you'll love it. haha ...
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana[TULA]
PoetryKapag ikaw ay nabuhay mahirap. Maraming daang pasikot sikot ang kailangang harapin. At sa bawat daan na ating tatahakin ay may mga pagsugsubok na darating. Pagsubok na kailan man di natin inaasahang mangyayari. Desisyon lamang natin ang makapagbabag...