It all started in the middle of my 2nd year in high school. It was raining at that time. I heard that it was the 8th typhoon landed in the central luzon but still my school didn't suspend the classes. Batak sila e! I was very irritated the whole time and mind you, it is early in the morning. I stated at the back of my mind, "Onting asar pa ng hangin, uuwi na ako at di na maghihintay ng jeep papuntang school." But here goes the pang-asar na tadhana 'kuno', kung kelan pasuko ka na, saka darating. Nakasakay ako pero ang sikip. Maarte na kung sa maarte. Ayoko sa masikip. Feeling ko kasi ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko. Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa wala kang lugar. Pero dahil peste ung hangin, sumakay na ako. And kung may ikakasama pa ng araw, nasa dulo pa sa likod ng driver ang space na binigay sayo. Hirap akong pumunta don dala dala ng arnis sa likod ko para sa PE namin mamaya at mga props sa english class namin. Sumabit sabit pa ako. Haays, wala na bang ikakapangit ang araw na to.
Balak ko sanang matulog, kasi medyo malayo pa ang school at wala pa akong maayos na pahinga dahil sa gabi gabi naming practice after class. Kaso ang lamig ng hangin na pumapasok sa bintana ng jeep. At dun ko lang naalala, bakit di ako nagdala ng jacket? Ang shunga ko talaga. Niyakap ko na lang ang sarili ko para kahit papaano maibsan ang lamig. Hanggang mapansin ko ung katabi ko na umuusod sa pwesto ko. May katabi pala ako, isip ko. Ang panay kasi na tumatakbo sa isip ko kung paano ko masasakal ung hangin para makaganti. So balik tayo. Napansin ko ung katabi ko na lalaki pala. Sorry naman, akala ko babae e. I have this uncomforatable feeling sa lalaki. Wag ka mangialam. Aking feeling to. Mailap kasi ako sa kanila kaya puro babae ang mga kaibigan ko and I never wanted for a change. Kasi comfort zone ko to. Gusto kong lumipat ng pwesto pero wala pala akong choice since rush hour na kaya nagstay na lang ako kahit pilit kong nilalagyan ng space sa pagitan namin ni kuya. Pero usod sya ng usod. Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko na kahit di ako nakatingin sa kanya, mahahalata mo na mabibigwasan ko sya konting usod pa. Pero di sya tumigil hanggang napikon na ako at nilingon sya. Maputi si kuya at singkit ang mata. Halatang antukin at tahimik ang personality. Magulo ang buhok pero bagay naman kaya siguro di inaayos. Bumalik lang ako sa ulirat para sabihin ang kinaiinis ko nang di ko inasahan ang ginagawa nya. Inaabot nya pala ung jacket nya. Edi ako si nagulat, tiningnan ko lang sya. Napansin ko ang suot nyang polo na gaya sa mga senior ko. Schoolmate ko pala to! Laki ng school e. Malay ko ba! Napansin niya siguro na wala akong balak kunin ang jacket, kaya inalok nya ulit. Sabi niya, "Hiramin mo muna. Nanginginig ka na sa lamig o! Di kasi masara ung harang sa bintana kasi nastock sa kabila ung tali. Nababasa na din ung likod ng blouse mo." Medyo mahina ang boses ni kuya, tama lang na madinig ko. Medyo natetempt na din akong abutin ung jacket pero di talaga ako komportable. "Ahh hindi na po kuya. Medyo balat kalabaw naman po ako e. Keber ko na po ito. Suotin nyo na lang po yan. Mas nanginginig kayo sakin e. Nababasa na din po ang likuran nyo. Samantala po ung akin, medyo natatakpan ng buhok ko. Salamat na lang po!" Sabay iwas ng tingin. Magsasalita pa sana si kuya nang pumara ng jeep ang katabi ko at medyo umusod ako ng kaunti para magkaroon ng espasyo sa gitna namin ni kuya. Nahalata nya siguro ang pagkailang ko kaya tumahimik na din sya. Nakahinga ako ng maluwag pagkalayo ko sa kanya kasi kanina nung katabi ko sya, bakit ganon? Parang ang hirap huminga? Di naman mabaho ang hininga ko. Wala naman akong plema o sipon. Bakit di ako makahinga ng maayos? Di kaya may sakit na ako sa puso? Huhuhu di pa pwede. Kelangan ko pang pag-aralin mga kapatid ko. Papatayo pa ako ng bahay at bibili pa ako ng sasakyan para kela mama. At dahil naanod na naman ang isip ko sa malayo, di ko napansin na malapit na pala ako.
Ang school namin ay merong tatlong gate. Medyo malaki kasi sya para sa isang pampublikong paaralan kaya ganon. Kung saan malapit room mo, dun ka papasok. Since nasa ikalawang taon na ako, ang room ko ay malapit sa gate 2. Ang first year kasi sa gate 1, third year sa gate 2 din at fourth year sa gate 3. Nawala ako sa pag-iisip ng biglang marinig ko ang pagpara sa gate 3. Nakita ko si kuya jacket pala yon. Nandito na kasi ako nakaupo sa dulo ng jeep, sa mismong sakayan kaya napapansin ko kung sino ang sasakay at baba. Pababa na sana sya ng nagulat akong huminto sya sa harap ko para lamang sabihin na, "See you sa school! Sana magkita tayo ulit! Bawal na tumanggi." Tameme akong napatulala sa kanya kaya medyo lumagpas pa ako sa gate na bababaan ko sana.
Pagkababa ko medyo lutang pa din ako. Nakakatakot naman huhuhu. Di mawala sa isip ko. Potek! Pag ako binangungot, sasakalin ko sya. Ayaw ko na sya ulit makita. Kinakabahan ako sa nagiging reaksyon ng sistema ko kay kuya. Feeling ko mangkukulam sya e. Bakit nakakatakot ung ngiti nya na parang may gagawin syang nakakatuwa sa kanya pero sakin hindi. Tsaka, hilo ba sya? Ilag nga ako sa mga lalaki sa room e, ano pa sa kanya na di ko kilala? Sana di ulit magtagpo landas namin kundi di ko na alam gagawin and I definitely hate this new and unknown feeling.
