Makikita sa isang ospital ang isang kaguluhan, isang binatilyo ang isinugod na nakikipag agawan na ng buhay kay kamatayan. Tadtad ng saksak ang katawan ng binatilyo, hindi na magkanda-ugaga ang mga doktor at nars ng ospital upang maisalba lamang ang kanyang buhay, ngunit tao lamang din sila hindi nila kayang gumawa ng himala masyado ng maraming nawalang dugo sa binata, makalipas ang ilang minuto na lagutan na rin sya ng hininga.
Madaling araw na ng nakauwi si Lester sa kanilang tahanan, dama nya ang nag hahalong lamig ng panahon at ang kanyang labis na pag kahilo dala ng kalasingan. Bakas rin sakanyang suot na uniporme na pang pasok ang ilang mantya at amoy ng sigarilyo, ng marating nya ang kanyang tahanan hindi nya na nagawa pang mag hilamos man lang dumeretso na agad sya sa pag tulog. Nag daan ang ilang pang oras at lumalim na kanyang pag kakatulog at humimbing, ngunit hindi rin naman ito nag tagal sapagkat binolabog nanaman sya ng isang panaginip nakita nya nanaman ang isang binata na nag aagaw buhay sa isang ospital ngunit hindi nya maaninag ang mukha, napabalikwas nanaman sya sa kanyang kama. May ilang araw na din nya ng napapanaginipan ang ganitong pangyayari ngunit hindi nya malaman ang dahilan ng mga ito at iniisip nya na isa lamang itong masamang panaginip. Sa pag bangon nya ay sumulyap sya sa kanyang orasan 9am ng umaga isang oras na lamang at mahuhuli na sya sa pag pasok sa eskwela, kaya nag madali na sya hindi nya ng nagawang kumain pa ng almusal o mag kape man lang dumeretso na sya agad sa kanilang banyo upang maligo, walang puwede mag luto o mag asikaso kay Lester sapagkat nag iisa lamang sya namumuhay sa kanilang bahay wala na ang kanyang ama ang kanyang ina naman ay nasa abroad at nag tatrabaho sa isang kilalang ospital bilang isang doctor, ito rin ang dahilan ng hindi pag uwi at tanging phone call lamang na tumatagal lamang ng higit kumulang limang minute ang nag sisilbing komunikasyon nila. Nang matapos makaligo at makapag bihis agad na syang nag madali upang makapasok. Malapit na sya sa kanilang eskwelahan ng makasalubong nito ang kanyang mga kabarkada tulad ng dati inaaya nanaman sya ng mga ito na mag saya at wag ng pumasok, kalagitnaan na ng semester alam ni Lester pag nag patuloy sya sa hindi pag pasok ay babagsak nanaman sya, ngunit nagging mas matimbang ang tawag at hilig ng kanyang laman. Pinili nyang sumama sa kanyang mga kabarkada, una nilang pinuntahan ang isang bilyaran sunod naman ang isang computer shop habang lumilipas araw ay nag palipat lipat pa sila ng lugar na mapupuntahan, hangang sa gumabi na at napapad na sila sa isang bar at dun ay nag paka lunod sa alak sila Lester at kanyang barkada napuno ng tawanan't hagikgikan at masasamang salita ang lugar. Tinatamaan ng espirito ng alak si Lester ng bigla syang ayain ng isa nyang kabarkada lumabas ng bar dito nya nakilala si Jay isang lalaki sapalagay nya ay mga early 30's na ang edad mabilis ang panyayari nag abot nito ng isang balot ng papel ngunit hindi matuloy ni Lester ang nilalaman nito, at sinabi ni Jay na babalikan na lamang nya ang bayad habang ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Lester, hindi na ito pinasin ni Lester pag pasok sa loob at binuksan na nya ang balot ng papel at dun nya nalaman na ang nilalaman pala nito ay marijuana. Sa punto yung ay nakaramdam na sya ng kaba sa kanyang dibdib alam nyang ibang usapan na ang marijuana sapagkat maaring kulungan ang kanyang bagsak pag sya ay nahuli ngunit sakabila nun nais nya din matikman ang kung ano ang nagagawa at maaring maidulot sakanya nito. Nanaig ang kagustuhan ni Lester, napuno ng usok ang lugar muling napuno ng tawanan at hagikgikan ang lugar ngunit sa pag kakataon ito nagging mas malakas ang kanilang nagging tawanan. Madaling araw nanaman ng matapos ang kanilang kasiyahan tulad ng dati umuwi nanaman si Lester na hindi nya maiilakad man lang ng diretso ang kanyang mga paa. Nang makarating sya kanilang bahay agad nya tinago ang dala-dala nyang marijuana na tira nila kanina sinipit nya to sa isang makapal na libro at agad nya ng binagsak ang kanyang katawan sa kama upang matulog. Tulad ng mga nakaraang araw ay naniginip naman sya, ngunit kakaiba ang kanyang nagging panaginip sa gabing yun, nakakita muli sya ng isang binata na isinugod sa isang ospital nakita nya sakanyang panaginip na tadtad ng saksak ang binata ito at nag kalat ang dugo sa suot nitong puting T-shirt pinipilit itong isalba ng mga doctor at nars ngunit hindi nag tagal ay nalagutan na din ito ng hininga. Nagising nanaman si Lester pawisan at balisa. Naalala nya ang marijuana na sinipit nya sa isang libro ng hanapin nya ito natagpuan nya ang marijuana na naipit nya pala ito sa isang bibliya hindi nya na ito napansin kagabi buhat ng kalasingan, ikinagulat nya ito, ngunit mas nagging kapansin pansin para sakanya ang kasulat sa pahina, “Gayon na lamang ang pag ibig ng Diyos sasanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sakanya ay hindi mapahamak kunghindi mag karoon ng buhay na walang hangang.” Napukaw ito ang kanyang atensyon, bagamat hindi man nya ito gaano maintindihan alam nya ang buhay na walang hangan ay buhay sa langit. Walang pasok si Lester ng araw na yun mag hapon lamang sya nanatali sabahay at pinag isipan nya ang kanyang mga ginawa nung mga nakaraang lingo at dalawa pang bagay, una si Jay at sinabi nito na saka nalamang maniningil, ikalawa ang kanyang nabasa kanina sa bibliya. Hindi nag tagal ay naka iglip sya muli napanaginitan nya nanaman ang binata na isinugod sa ospital tila napakatotoo ng lahat wari ba ay nandun talaga sya sa ospital rinig na rinig nya din ang tunog ng cardiac monitor at mga sinasabi ng mga doctor at mga nars ngunit tulad ng mga nakaraan panaginip nya hindi parin nya maaninag ang mukha ng binata. Isang tawag sa telepono ang gumising sa pag kakatulog ni Lester, tumawag ang kanyang kaibigan at sinabi sakanyang wag na wag syang lalabas ng kanilang bahay hindi maintindihan ni Lester ang dahilan naisip nya na malamang ay biro lamang ito at malamang ay sabog lamang sa marijuana ang kanyang kaibigan ngunit hindi nya malaman kung bakit my konti kaba sakanyang diddib. Gumabi na walang kakainin si Lester sa kanilang bahay kaya napilitan itong lumabas wala na rin syang maiisusuot dahil halos marumi na lahat ang kanyang damit at hindi pa sya nakakapag laba ang nasa cabinet na lamang nya ay ang t-shirt nyang puti kaya eto na lamang ang kanyang napiling suotin. Sakanyang pag lalakad
papunta sa isang kainan napansin nya ang isang lalaki na sumusunod sa sakanya ngunit hinayaan nya lamang ito, narrating ni Lester ang kainan mabilis lamang din sya nakakain, ng makalabas sya sa kainan yun ay hindi pa lamang sya nakakalayo ay may lumapit sakanyang lalaki at sinabi nito “hindi ba sabi ko sayo maniningil ako? Akala nyo ba matataksan nyo ako.” At inundayuan na sya nito ng hindi mabilang saksak gamit ang isang balisong. Hindi na nakalaban o nakasigaw man lamang si Lester huli na din ng makilala nya si Jay pala ang lalaking ito. Napahiga si Lester dahil sa dami ng kanyag saksak nag sigawan ang mga tao meron din mga nag malasakit na dalin sya sa ospital. Pag dating ni Lester sa ospital nagging mabilis ang pag kilos ng mga Nars at doctor, alam ni Lester ang mga nangyayari iniisip nya lamang na isa lang itong panaginip pinipilit nyang gumising ngunit totoo na ang mga nangyayari katulad ito ng kanyang panaginip. Madami ng dugo ang nawawala kay Lester batid din nya na hindi na sya mag tatagal p, bago sya tuluyan malagutan ng hininga ilang salita ang kanyang binigkas “Jesus tinatangap kita” kasabay nun ang pag tunog ng Cardiac monitor nabawian na ng buhay si Lester hindi nya na nagawang gumising pa.