Chapter 1

4 0 0
                                    

Manila Internation Airport!

Wow, Sav! ikaw ba yan? Ang laki ng pinagbago mo. How's life after death ses?

Eto buhay pa rin ayaw akong tanggapin ni Haring Satanas.

Baliw ka talaga! Ang daming naghahanap sayo, nasaan ka na raw ni wala kang FB, IG at Twitter man lang. Grabe deleted account lahat. Kinalaban mo na raw si Mark Zuckerberg.

Puro ka kalokahan Meg. Di ka pa rin nagbabago.

Syempre nagmana ako sayo eh best-friends tayo eh.

Kamusta ka naman? Kala ko ba ikakasal ka na?

Lintek na lalaking yon iniwan ako sa ere. Pakshit siya. Mabaog sana sya, eh lahat ng babae ka sex nya.

Eh masaya ka naman di ba?! Kaya hinahayaan mong mangyari sa inyo yon.

Noon yon! Noong hindi pa ako bulag, pipi at bingi! Nyeta sya Sav. H'wag na h'wag syang magpapakita sa akin dahil puputulan ko na talaga sya.

So ibig sabihin may chance pa kayong magkabalikan?

Wala na noh! Ano sya sinuswerte. Nyeta talaga sya.

Oh sya, wag na natin syang pag usapan dahil nasisira ang mood mo.

Hoy! Ano ka ba?! Ok lang. Past na yon. Galit lang talaga ko dahil gusto kong gumanti.

H'wag ka nang gumanti, it's his lost anyway. Look at you mas lalo kang gumanda.

Talaga ses, Seryoso?! Pinaghirapan ko talagang bumawi sa sarili ko ay grabe kapag naaalala ko ang dati grabe ganun ako kabaliw sa kanya. Hayan tuloy nalosyang ako at pinagpalit ako.

Hindi ka naman nalosyang masyado ka lang nagmahal. Love is blind nga daw sabi nila di ba?!

No, Sav! Lovers are blind. Dapat kung magmahal tayo with eyes open na. Para hindi na makapangloko ang mga tang-inang manloloko na yan.

Natatawa ako sayo, naka move on ka ba talaga bakit parang ang bitter2x mo pa rin.

Hayun nga gusto kong gumanti sa kanya. Haller!!! Ang sakit ng ginawa nya sa akin. Lintek lang ang walang ganti Nics.

Wala ka bang mga manliligaw?

Meron pero ayoko muna dahil hindi pa ako nakakapghiganti sa lintek na yon. Sandali nga! bakit ba buhay ko ang pinag uusapan natin. Kamusta ka naman? Ano na ang estado ng puso mo.

Wow! Ano yan facebook status lang.

Sagutin mo ako. Ano na ang balita sayo?

Wala. Ako pa rin to.

Sigurado ka?! Hindi ka na magpapakamatay?

Eh sa hindi ko pa oras eh.

Tang-inang lalaking yan Sav! kahit di ko siya kilala nakapa swerte nya dahil nagawa mong mag suicide ng dahil sa kanya. Ni hindi ko naisip na gagawin mo yon kasi ang astig mo.

Baliw ka talaga!

Alam mo, kung ako sa kanya hindi kita iiwan.

Bakit naman?

Eh kasi grabe ka magmahal parang " till death do us part " ng Whitelion alam mo yon at hindi ka lang martir, masokista ka pa. Dapat nga papatayuan ka nya ng rebulto o kaya bigyan ka ng parangal" ang bagong bayani " di ba para mas astig.

Puro ka kalokohan Megan, tigil-tigilan mo nga ako.

Totoo naman ah! grabe ka nga magmahal, saka may theme song ka pa dati pag nalalasing " makita kang muli " ng Sugar Free.

Hindi mo pa rin nakakalimutan yon?! Saka Eh di ba sabi mo " lovers are blind " .

Hindi noh! Eh pano ko naman makakalimutan yon nung nag Japan tayo paulit - ulit mong kinakanta tapos nag request ka pang ipatugtog yon Sav! saka magkaiba tayo ng love story. Kasi ako niloko eh ikaw nagmahalan talaga kayo.

Hindi naman, ako lang ang nagmahal saka hindi kami para sa isat-isa yun lang yon.

Wow! Natanggap mo na na hindi kayo para sa isat-isa.

Oo naman. Etong puso ko lang naman ang ayaw tumanggap eh, mas gusto pa nyang magbulag-bulagan kesa tanggapin ang katotohonan.

Sabi nga nila " your worst battle is between what you know and what you feel ",

Wow!!! Saan galing yan Meg? Emo ka na pala ngayon.

Emo-dium kamo, but anyways i'm happy to see you back. I so missed you best-friend!

I missed you more! Na miss ko ang mga kalokohan natin.

Videoke tayo saka kantahin natin olet yong theme song mo.

H'wag na! Pagtatawanan mo lang ako. Natatawa nga ako sa mga videos na kinunan mo.

Eh kasi naman Sav, paulit-ulit mong kinakanta ang " makita kang muli " buong magdamag ata yon lagi ang kinakanta mo.

Eh sa gusto ko yong kanta. Trip ko lang ng mga panahon na yon.

Siya nga pala Sav, handa ka na bang " makita siyang muli " ngayong nasa Pilipinas ka na.

Meg, sa laki ng pinas di naman siguro kami magkikita.

Sav, maliit ang mundo saka bilog ang mundo. Everything and anything is possible!

Then, kakalabanin ko ang mga posibleng mangyari.

Wow, grabe ka! Hindi mo pwedeng kalabanin kapag nakatakda nang mangyari Sav! Saka hindi ka rin pwedeng umiwas sa mga mangyayari.

Iiwasan ko hanggat kaya ko Meg. Hindi na pwede ang dati. I've been through a lot and I don't wanna go back and feel the pain again that almost made me kill myself.

Maybe you guys need a closure Sav.

Hindi naman kailangan yun. We both know what really happened and besides we're not mean to be.

Sabi nga nila, sometimes love just ain't enough nga daw. In your situation it was to risky yet you did what was best for him. I guess that what love is.

Love sometimes can you make feel alive and at the same time it can kill you.

Wow, bes! Iba ka! Ikaw na talaga. Dapat e celebrate natin ang pagbabalik mo.

Buti pa nga manglibre ka na lang, dun sa paborito natin.

Sure bes! Eat all you can tayo nang mabawasan ang pagiginng emotional natin ngayon. Goodbye drama dapat and helllo to a new life!

I just hope I won't regret coming back. - Savana

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pieces of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon